Press Release
November 7, 2007

Transcript of Senator Mar Roxas' interview on
DZMM with Ted Failon On Senate Bill No. 1658,
the Quality Affordable Medicines bill

Q: Ano ang pinaka-"main meat" ng bill na ito?

MAR: Titindi po ang kompetisyon dito sa atin, at sa ganoong paraan ay inaasahan na bababa ang presyo ng mga gamot na ito. Pinapatibay natin yung generics industry natin, binibigyan natin ng mga kapangyarihan na lumikha ng kanilang version nitong mga patented products. Pangalawa, pinapatibay natin yung BFAD para yung blockage doon sa pag-approve ng BFAD nitong mga gamot ay mababawasan, at mas maraming gamot ang makakapasok sa merkado. Pangatlo, hinahayaan na natin yung pag-angkat ng mga quality affordable medicines na gawa rin ng mga gumagawa rito na binebenta sa ibang bansa, pero sa mas mababang halaga.

Q: Nabasa niyo na yung bersiyon ng Kamara?

MAR: Ang Kamara po, hanggang sa ngayon, as of last night, tinatalakay pa nila sa floor, kaya wala pang bersiyon ang Kamara.

Q: Parang ang laki ng diperensiya, magkakaroon ng madugong bicameral conference hearing dito.

MAR: Sa mga bicam, mapagdedebatehan din at mapagdedesisyunan na kung ano ang pinakamabuting probisyon. Noong nakaraan, ang Senado ay may bersiyon, ang Kamara, walang bersiyon kase walang naipasa. In fact, yung ginagawa natin ngayon para kay Juan de la Cruz, six months delayed na po ito, dahilan sa bago nagka-eleksyon, mayroong bersiyon na ang Senado, walang bersiyon yung sa House.

Q: Ano ang reaksyon niyo sa price control provisions ng House version?

MAR: Okey din na mayroong element ng price control. Sa kasalukuyan, ang batas natin, mayroon nang kapangyarihan ang pamahalaan na mag-impose ng price regulation. Sa Senado, ang ninanais namin ay wala nang board, dahilan sa kung sa board, diffused pa at di masyadong malinaw ang proseso. Ang pinakamaganda rito ay gawin na natin kung ano ang nasa batas ngayon, nasa Price Act na ngayon e, that the President upon recommendation of the Secretary of Health ay maaari nang mag-regulate nitong mga prices. Malinaw kung sino yung may responsibility, sino yung may accountability, sino may desisyon, imbes na magkaroon pa ng board. Yun palagay ko ang magiging stand ng Senado.

Una, hindi natin nakikita kung bakit kailangan nating gumawa ng panibagong government body, magiging kung sinu-sino sa board iyan, iyan yung lalapitan ng mga pharmaceutical company. Bakit pa ito, malinaw na malinaw, nasa batas natin ngayon, Secretary of Health already has that recommendatory power, the President already has that executing power, lilinawin lang natin na pwede na nila itong gawin for all classes of medicines na pumasok under the so-called emergency. And emergency is not na may bagyo, may lindol, kalamidad, hinde, emergency could be a health emergency na sinasabi natin, itong mga chronic illnesses, gusto nating mawala na itong mga problema na ito, so sinasakop natin iyon.

Q: Hindi ba kumakatok sa inyo ang mga pharmaceutical companies para mamasko?

MAR: Siguro kilala na nila si Mar Roxas, talagang pursigido magmula noong, siguro mahigit sa sampung taon, isang dekada na natin pinaglalaban ito, tayo yung unang nag-parallel import, para magbigay ng kompetisyon sa kanila, tayo yung una nilang finile-an ng kaso, tayo ang nagsulong nito, kaya inaasahan na alam nila, para sa kapakanan ng ating kababayan, talagang kailangang ipasa ito.

News Latest News Feed