Press Release
November 8, 2007

Transcript of Senator Mar Roxas'
ambush interview at JPEPA hearing

MAR: Ito ay ang pang-anim na hearing sa JPEPA, at magpapatawag tayo ng kahit ilan pang hearing na kailangan para malaman talaga kung ano ang mapapala natin. Per product at per sector malalaman natin, kumpara doon sa ibang produkto at sektor na binuksan natin, ano naman itong mga sektor na nasaktan, at ano ang programa ng gobyerno para matulungan ang mga sektor na ito. Mahalagang-mahalaga na hindi maulit ang nangyari sa WTO [World Trade Organization] na napakaraming programa at safety nets na hindi naman naramdaman nitong mga sektor na ito, lalung-lalo na yung agriculture sector. Kasama iyon sa ating pag-aaral ng treaty na ito: ano ang konkretong programa ng gobyerno para matulungan ang mga sektor na maaapektuhan.

Nakakadismaya nga na parang ang hirap malaman ang mga datos sa gobyerno, pero napakahalaga ang bagay na ito na bibigyan natin ng pagkakataon ang gobyerno para ipaliwanag nila kung ano ba talaga ang kabutihan ng treaty na ito.

Simple lang naman ang tanong natin, kung ano ang mga exports natin sa Japan, ilang tariff lines ba ito. Dito sa tariff lines na ito, ano ba dito ang nasa zero tariff na, kaya hindi pwedeng ma-claim na ang pagiging zero tariff line ito magbubukas ng Hapon dito sa mga produktong ito ay bunga ng treaty, dahilan sa sa ngayon, zero na sila. Hindi yata masagot kaagad, kaya bigyan natin ng pagkakataon, kaya sinuspend ang hearing, bigyan sila ng pagkakataon na hanapin ang datos. Kung hindi talaga nila makita, then we will make our judgment.

The confidence of the senators is being severely tested, because if they cannot answer basic questions here in this hearing, then what confidence do we have that when they entered into the negotiations, they had this data with them? Theoretically, this is already after negotiations. Kung ngayon, nahihirapan sila mag-provide ng data, ang kumpyansa natin na armado sila ng lahat ng datos bago sila pumasok at nagsimula ng negosasyon ay nababawasan.

Q: Is this the last hearing?

MAR: No, we will have as many hearings as necessary. This is a very important treaty, it's our first potential bilateral treaty, so we want to make sure we give this a good scrutiny and it is as broadly explained as possible.

Q: Do you have a target date for presentation of a committee report?

MAR: There is no target date. We will look at it, kung talagang mahina, then that will be the result in the report. This is such an important thing, we will not be bound by any deadline. This will be something of strategic importance and strategic impact to the country. We should not rush this just because there's a self-imposed target.

News Latest News Feed