Press Release
November 16, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On Batasan blast, solve na daw yung kaso...

Alam nyo hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi ako maniniwala sa ginagawa o nagagawa ng PNP. Masyado naman yatang naging mabilis at maagap sila sa paghanap ng mga suspek kaugnay sa Batasan blast subalit ayaw pa rin nilang sabihin kung sino ang nasa likod nito. Hindi naman siguro coincidence yung ginawa nilang operasyon sa Payatas para makita kung sino sino nga ba ang maaring involved dito. Ang susi siguro yung registration na nakita sa Payatas na direkta daw nilan gmali-link doon sa motorsiklo na natagpuan sa Batasan. Kung totoo yun marahil nga ay nahanap na nila yung koneksyon at mahahanap nila nang madali kung sino ang nasa likod nito.

Hindi ba planted yon?

Yon ang hindi ko alam, iniimbistigahan nila sa kasalukuyan yung mga suspek malalaman natin kung ano ang resulta ng imbestigasyong yon kung saka-sakali. Pinapaalalahanan ko lang ang mga pulis na sana wag na naman silang mamili ng fall guy kaugnay ng mga ganitong uri ng krimen sa kagustuhan lamang nila na makabigay ng performance dahil sa idinikta ng Pangulo na maresolba ang problemang ito.

Premature pa para sabihing solve na yung kaso?

Hanggat wala silang napriprisintang suspek at minsan nga kahit may suspek pa minsan ina-aquit ng korte at sinasabing mali ang nahuli ng pulis. Maski nga sa puntong iyon maaaring hindi pa. at sana wag silangmagsara ng pintuan sa mga anggulo na dapat pa nilang imbestigahan at pag-aralan.

Mas napabilis dahil sa reward?

Alam nyo itong reward money na ito dapat tigilan na ito ng pamahalaan na kada may problema na lamang magpo-post ng reward para sa ikalulutas ng naumang krimeng ginawa. Binabayaran na nating dati ng suweldo ang pulis at military para gawin ito, bakit kailangang pa nating mag-post ng reward money kada nagkakaproblema tayo. Ito'y klarong pag-amin na hindi kaya kung saka-sakali ng PNP at AFP na gampanan ang trabaho nila kung kaya'y kailanagng mang-aki ng tao sa pribadong sector o maski na ng mag naka-uniporme para lamang gampanan nila ang trabaho nila. Dapat itigil na itong sistemang ito.

No necessarily targeting the institution but an individual lamang...

Wala namang sigurong maidudulot na kasamaan kung tayo ay magdadagdag ng pag-iingat hindi lamang sa Senado at Kongreso kundi sa iba pang mga lugar, pribado man o pampubliko. Ang pangit lang siguro ay kung masyado nang ibinubuhos ng gobyerno ang resources nito para protektahan lamang ang mga mambabatas at mapabayan na yung or4dinaryong mamamayan. Wala pang tatlogn daan ang bilang kung saka-sakali ng mag opisyal nay an at kawawa naman yung naiiwang 85 milyong Pilipino na humigit kumulang kung ibubuhos ng kapulisan ang resources nila para lamang pangalagaan ang dalawang institusyong ito.

Yung pagbibigay ng reward ay espesyal dahil nangyari sa Batasan?

Yung pa nga yung isa , it's (inaudible) if at all unequal protection of the laws, hindi pantay ang pagtrato. Ang buhay ay buhay, ke buhay yon ng congressman o buhay yon ng staff o buhay yon ng ordinaryong Pilipino dapat ganoon pa rin ang pagtimbang at pagtrato ng pamahalaan at hindi porke't sikat, kilala, may puwesto ang nasaktan agad kang magpo-post ng reward. Porke't nalathala sa pahayagan may reward, pag hindi nalathala sa media walang reward. Dapat may polisya ang pamahalaan kaugnay nito kung saka-sakali, hindi base lamang sa panawagan ng partikular na opisyal ay may reward na agad na ipo-post.

Kung PNP ang naka-solve hindi dapat nila tanggapin ang reward...

Hindi namna talaga dapat dahil may suewldo na sila dati na tinatanggap para mag-imbestiga at resolbahan ang mag krimen. Hindi dapat available yan sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno.

Parang inaamin nila na hindi nila kaya, kaya kailangan pang magpost ng reward, parang minamaliit mo rin yung Pilipino na kung walang pera kang iaalok hindi siya lalapit para magsabi ng katotohanan o sabihin yung nalalaman niya.

Naalala mo maski na yung US Embassy nagbiga ng milyong dolyar, dib a yung mga reward nila noon. Milyong dolyar ang mga binigay nila ni hindi natin alam kugn sino nga ba yon, baka nga mamya sila sila din yon.

Inutin talaga yung law enforcement natin?

Pagtanggap na tila inutil sila tuwing nag-aalok ng reward.

Yung batang si Mariannet Amper hindi lamang nagpakamatay, kundi na rape pa daw...

Lumabas diumano sa imbestigasyon ng NBI na siya nga ay nbiktima ng rape dapat ay maussing pag-aralan lalo ito ng kapulisan dahil ang krimeng rape ay hindi naman natatapos o nagpre-prescribe dahillamang namatay na ang biktima. Kung sino man ang salarin o may kagagawan nito marapat humarap sa batas. Kung hindi ako nagkakamali menor de edad itong si Mariannet at marapat na managot kung sino man ang gumawa niyan sa kanya dahil wala pa siyang kapasidad na magbigay ng consent maski na pumayag pa kung saka-sakali, hindi puwedeng magamit na argumento yon sa korte dahil siya ay menor de edad.

Mas may mabigat pa palang problema yung bata...

Pero din dapat ikagalit dinnatin yung dahil kahirapan din ang nagbugso ng ganitong uri ng mga insidente na wlang hiwalay na kuwarto, na walang hiwalay na banyo ang mga tahanang tinitirahan nila, walang ibang magawa o dahil masama ang loob o psychologically hindi tama ang pag-iisip ng kung sino man ang gumawa non sa kanya, yung komunidad na ginagalawan niya, yun yung mga bagay-bagay din na may kaugnayan sa kahirapan na dapat nating tugunan.

On repealing E-VAT being heard in the committee on ways and means...

Tulad nang nabanggit ko nong una akong naluklok dito sa Senado hindi namin papayagan na may bagong buwis at karamihan ng tinatalakay namin sa committee on ways and means pagpapalaki at pagpapalawak ng exemption kung saka-sakali halimbawa sa senior citizens, para sa family home at tungkol sa excise tax, patungkol sa insurance industry partikular sa premium na binabayaran at pagrepeal ng EVAT base san a-file na bila nina senator madrigal at senator Trillanes. Subalit sang-ayon sa Saligang Batas tali ang kamay ng Senado kaugnay sa karagdagang exemptions o repeal na ito hanggat hindi pinapasa ng Kamara ang counterpart bill mula doon dahil lahat ng revenue measure, lahat ng tax measure dapat magmula sa Kamara de Representantes.

Ano yung mga actions nyo sa mga bill na yon?

Sari-sari, halimbawa yung bill ni senador Gordon on expanding exemptions of the family home if at all and medical expenses from... in-approve namin in principle, tinapos at conclude namin yung committee hearing subalit hihintayin pa namin yung House counterpart bago kami makapagsubmit ng committee report. Pero at least one step is over, second step na kami, plenary debate na lamng pagdumating ang House version.

Senior citizens exemption patungkol don sa kanilang deposit ayon mismo sa senior citizens nang tinanong namin kaunti lang naman daw sa kanila ang nagdedeposito sa bangko at karamihan dawn g pera nila ay hindi nadedeposito sa bangko at ang mas layunin daw nilang nais itulak ay yung extension mula sa VAT ng senior citizens dahil yung dating 20 percent na tinatanggap nila nagiging effectively 8 percent na lamang o ayon sa computation ng BIR mga 10 percent.

Ano yung reaksyon ng Finance Dept. sa pagrepeal ng EVAT?

Mayroong negatibo at ayaw nila siyempre pero hindi naman violent. Ayaw ng BIR siyempre, ayaw ng DOF siyempre at responsible din naman nating tinanggap yung mga komentaryong yon at aming hinahanapan ng paraan na mapunuan kung saka-sakali ngang ma-repeal yung EVAT na mapunuan yung kawalan sa loos in revenue na maidudulot nito, humigit kumulang P76 billion. Kasalukuyang nagko-computerize yung BIR at layunin namin sa pamamagitan ng administrative efficiency mapataas yung collection take ng pamahalaan nang hindi na kailanagng magdagdag pa ng buwis.

Bakit kailangang pang alisan ng taxes yung mga condominium kaysa sa mga low-cost housing...

Marami nang insentiba ang mag low-cost housing in particular yung panukalang batas ngayon pa lamang namin tatalakayin sa hapongito at hindi pa namin alam ang magiging action ng komite.

Bakit nagpanukala nang ganoon, sa condominium puro mayayaman naman ang mga nakatira doon...

Dahil siguro sa liko ng ekonomiya kung saan karamihan ng mga OFW doon na nag-i-invest sa mga medium-rise condominium paar pabahay sa kanialng mga kamag-anak dito.

Bukod sa pag-improve ng tax collection saan puwedeng bawiin (kung ire-repeal yung EVAT law)?

Wala akong akong nakikitang puwedeng pagkukunan kung saka-sakali maliban sa collection efficiency ng BIR at ng Bureau of Customs. Supisyente na para sa akin ang mga buwis na umiiral kailangan lamang paigtingin ang mga enforcement, gayundin ayusin ang pagpapatakbo para mabawsan ang leakage at yung dapat na magbayad ay magbayad talaga.

Mayroong bang legislative mechanism para maiwasan yung (inefficiency sa tax collection)?

Tax administration yon at nao-overlook ng BIR yon, supisyente ang batas kaya nga sila nagkaroon ng karapatang magsampa ng kaso dahil kumpleto yung batas at yung batas ding ang ginamit nila laban kay Ginoong Tan.

Yung EVAT walang sunset provision yon?

Wala, until repealed. (Mayroong bang bill sa House) wala akong update sa repeal ng EVAT bill sa Kamara de Representantes.

May timeframe para makita nyo na efficient yung tax administration scheme?

According to BIR they need one more year to one and a half years to see the effective implementation of the on-going computerization program they are undertaking within the Bureau.

Pag-gumanda doon natin siguro, doon siguro sila hindi na mag-o-object sa pagrepeal ng EVAT subalit sa parte namin hindi nila puwedeng i-charge sa taong bayan ang inefficiency nila at kawalan nila ng responsebilidad na gampanan yung tungkulin nila kung saka-sakali patakbuhin nang maayos yung tax laws natin.

May idea ba kayong magkano yung hindi nako-collect na taxes?

Average take ng BIR sa VAT nang mga nagdaang panahon ay 60% lamang, so yung ten percent Vat na pinapataw 6 percent lamang ang nakokolekta. Nang dagdagan natin ang EVAt ng 2 percent, mula ten to 12 percent, malamang 60 perecnt pa rin yung, yung 40 percent na hindi nagbabayad at nilulusutan ang EVAT hindi naman ininda yung dagdag na VAT dahil hindi pa rin sila nagbabayad. Ang nagbabayad pa rin ng dagdag na VAT yung dating mababait at masunurin na nagbabayad nong lumang VAT rate.

If at all, if at all yung pag-increase dahil kung sa karagdagang koleksyon lamang ang ginawa sana nila sobra pa sa 76 billion ang kanilang malilikom. Hindi na kailangang dagdagan (yung VAT kung naging efficient lamang ang BIR). Pinapa-compute pa namin sa kanila yung zero to 12 kasi di ba yung expanded VAT increase the VAT from zero to 12 in so far as some exempted items are concerned but for those who are not exempted 10 to 12 lang, easily yung 10 to 12 kayang punuan pero yung zero to 12 hindi pa namin nakukuha yung computation nila.

Bakit pa kailangang magdagdag ng 2% sa VAT?

Yun yung debate nong nakaraan at mahabang debate ang pinasukan namin nang nilabanan at tinutulan namin yung VAT nang mga panahong iyon subalit natalo kami sa botohan sa Kamara.

News Latest News Feed