Press Release
November 26, 2007

Transcript of interview of Senate President
Manny Villar with Senate reporters

Q: On Nacionalista centennial celebration

SPMBV: Kami ay magdiriwang ng ikasandaang taon ng Nacionalista Party. Dito namin gugunitain ang mga nakaraan na sandaang taon, ang mga paglilingkod ng Nacionalista Party sa ating bansa, ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa at sa lahat ng mga nangyari noon. At dito na rin sisimulan ang pagpapalaki ng Nacionalista party. At pagkatapos, sa lahat ng eleksyon ay sasali na ang Nacionalista Party in a much bigger way.

Q: Kanina daw po, show of force yun? Well-attended. Positioning na?

SPMBV: Wala kasi kaming eleksyon sa aming meeting. Ito'y selebrasyon lamang. At wala rin naman kaming proklamasyon din. So, iba ang character ng aming patitipon. Ito'y isang pag-gunita ng kabayanihan ng mga myembro ng Nacionalista Party sa loob ng isang daang taon. At kadakilaan nila, at gugunitain namin yung napakagandang bansa natin noong nasa pamumuno ng Nacionalista party.

Q: So, hindi kayo threatened?

SPMBV: Wala naman. Syempre binabati ko ang Liberal party sa kanilang activity. Kung anuman yung ginawa doon, binabati ko sila. Syempre maganda din naman na lumakas ang Nacionalista party para maibalik natin yung nakaraan.

Q: Threatened ba kayo?

SPMBV: Hindi. Sa palagay ko naman talaga ay napakaaga pa para pag-usapan ang pulitika. At talagang napakalaki ng problema ng ating bansa ngayon sa kahirapan at masyadong maaga para pag-usapan ang pulitika.

Q: On advocacy for a two-party system

SPMBV: Sa akin mas gusto ko na lamang na bumalik sa two-party kung presidential ang system. At kung presidential ang system, sa palagay ko mas maganda yung two-party system.

Q: Sir, baka makalaban nyo pa din daw si Erap? Then it is going to be three..

SPMBV: Alam nyo ang totoo nyan di ko iniisip talaga ang 2010. Sapagkat sa aking konting karanasan bilang isang public official, anumang commitments ang ginagawa two years before anything ay meaningless.

Q: On budget

SPMBV: Dalawang linggo lamang ang budget. Yun ang kahilingan at napapag-usapan sa Congress. Dalawang linggo na i-devote ng Senado sa pagtalakay ng budget.

Q: Sir, yung mga hearings, balakid daw sa CA deliberation?

SPMBV: alam nyo nakakapagtaka dahil sa nabasa ko din yan sa dyaryo. Subalit ang nagpapapostpone sa min ay ang mababang kapulungan. So, nagtataka ako at maaaring ang nagsabi nun ay hindi nya nakakausap ang mga kasamahan nya na kinakausap kami ng diretso para i-postpone. Sa Senado, walang postponement kami.. Wala kaming hinihinging postponement, lalo na sa CA. At yung confirmation ng mga cabinet members, di namin pinopostpone yun.

Q: On NP centennial anniversary

SPMBV: Yun namang sa 28 ay paggunita ng ikasandaang taon ng Nacionalista party. At yan ay matagal ng pinlano yan. Mga tatlong buwan ng pinlano yan. Hindi naman yan biglaan, at hindi naman pulitika iyang pagtitipon na gagawin namin sa 28. Iba naman yan. Hindi naman yan kagaya ng sa Liberal party.

Q: Parang pag hudyat ng isa, di naman pahuhuli ang isa.

SPMBV: Hindi pa kami humuhudyat. Nagwa-warm up pa lang.

Q: Oras na?

SPMBV: Ang problema ng kahirapan ay matagal na. Ang 2010 naman ay matagal pa. (end)

News Latest News Feed