Press Release
November 28, 2007

Statement of Senator Chiz Escudero on on UN report tagging AFP as the culprit on extrajudicial killings

Kumukuha kami ng kopya ng rapporteur report kaugnay sa extrajudicial killings sa ating bansa, pero ako ay hindi na nagugulat sa ganoong uri ng findings nila sa ngayon. Tulad na lamang sa aming lalawigan at sa aming rehiyon sa Bicol, marami sa mga ginawang extrajudicial killings, limang kilometro sa pinakamalapit na kampo ng pulis o ng militar, ang modus operandi ay pareho pa rin, naka-bonnet, naka-motor, 45 pistol ang gamit at hanggang ngayon ni iisang suspek wala pa ring nahuhuli. Sa ganyang uri ng circumstances hindi ako magugulat na ang findings nila ay tumuturo sa direksyon ng PNP o hindi man ng AFP.

News Latest News Feed