Press Release
November 29, 2007

Transcript of interview with Senator Jinggoy Ejercito Estrada

On Trillanes walkout...

 SEN. JINGGOY: Unang-una naiintindihan ko ang kanilang kalagayan. Karamihan sa mga miyembro ng ating military ay disgruntled. At masamang-masama ang loob dito sa ating gobyerno, dahil hindi nila inaasikaso ang kanilang mga pangangailangan kaya sila nagkakaganito. I do not want to comment any further, baka kami na naman ang mapag-bintangan diyan. Wala po kaming kinalaman diyan.

Si Pangulong Erap po ba ay pupunta doon?

SEN. JINGGOY: Hindi. Si Pangulong Erap kaninang umaga ay nasa Quezon City , sa West Triangle yata. Kung hindi ako nagkakamali, nasa medical mission.

Ang mga Estrada ay dumidistansiya dito?

SEN. JINGGOY: Wala kaming kinalaman diyan.

Mensahe kina Trillanes.

SEN. JINGGOY: Wala. No comment. Kung ang paniwala nila, tama ang ginagawa nila, ituloy nila.

Is this move legal?

SEN. JINGGOY: I am not a lawyer. Let the lawyers say if it's legal or illegal.

Ang overall reaction ninyo, deadma?

SEN. JINGGOY: Tapusin natin ang budget.

News Latest News Feed