Press Release
November 29, 2007

Transcript of interview with Senate President Villar -- DZXL (RMN)

Q: balitaan nyo po kami kung ano ang nangyari doon sa selebrasyon ninyo ng centennial ng partido.

SPMBV: Maganda nagdatingan lahat ng dating Nacionalista at mga pamilya nung mga dating pangulo ng Nacionalista, dating pangulo ng pilipinas at binigyan namin sila ng libro. Ni-launch din namin ang libro ng Nacionalista at buhay na buhay ang NP kahapon. Mula sa kung saan-saan sa buong kapuluan ay dumating. Although, marami pa rin ang hindi nakarating, ay punung-puno na ang PICC kaya nakakatuwa. Napakasaya ng partido kagabi, at talagang parang nagsisimula muli. Kaya napakasaya ng mga miyembro kagabi. Bukod sa libro, ni-launch din namin ang isang programa na magbibigay ng isandaang libo sa mga negosyanteng pinoy na maliliit lang. Pipili kami ng mga marami nun at bibigyan namin ng tig-iisang daang libo.

Q: iyan ba yung inyong tinatawag na sipag at tyaga?

SPMBV: Alam mo kami ay naniniwala na ang kadahilanan bakit kailangang mabuhay ang nacionalista party ay dahil ito ang nagbigay at naglakad para sa ating kalayaang political. Naniniwala kaming kailangang buhayin itong muli dahil kailangan naman iahon ang bansa o ipaglaban ang kalayaan sa kahirapan. Ito ngayon ang problema natin sapagkat hindi tayo tunay na malaya kung hindi tayo malaya sa kahirapan.

Q: Hindi magiging isang ordinaryong pagdiriwang po iyang ginawa kahapon, dahil hundred years na ang Nacionalista Party. Marami pong nag-aabang kung ano ba ang magiging posisyon ng Nacionalista Party pagdating po sa 2010 presidential elections at mukhang wala yata kayong sinabi dun. Baka naman sa programa namin, meron na kayong mababanggit kung ano po ang magiging pigura ng presidential election as far as Nacionalista Party is concerned sa 2010.

SPMBV: Basta kami, magpapalaki kami hanggang sa 2010. At hindi lamang for 2010, hanggang sa mga darating pang election. Hanggang sa 2013, 2016, at kami'y maglalagay ng kandidato for president, vice-president, senators, congressmen, governors at mayors.

Q: Totoo po bang sumasang-ayon kayo dun sa sinasabi ni sen. Miriam Santiago, isa daw kayo sa magiging elepante pagdating sa presidential elections sa 2010?

SPMBV: Alam mo, kami ni kumare kong Miriam, ano man ang sabihin ni Miriam, ako ay yes na lang ng yes. At talagang may mga sariling pananaw si Miriam, napakatalino nyan. Ewan ko kung ano ang ibig sabihin ng elepante, pero basta kami trabaho lang. Sipag at tyaga lang.

Q: Sipag at tyaga at naghahanda na kayo.

SPMBV: basta kami magpapalaki kami, at hindi namin sinasabing yun ay para sa pagka-pangulo. Kaya lamang, syempre, hindi naman masasabing kumpleto ang partido kung hindi nya kaya ang maglagay ng buong tiket hanggang sa councilors.

Q: Ito pong binabanggit naman ni Pangulong Arroyo na parang medyo hindi sya approve dito sa mga naririnig nya at ang tingin nya ay maaga daw itong pamumustura para sa politika sa2010, dahil dun sa nauna na kay Mar Roxas. Pagkatapos ay sumunod yung malaking event ng Nacionalista Party. Ano pong tingin nyo don?

SPMBV: Actually, yung event ng Nacionalista Party ay pinaghandaan namin mga tatlong buwan na ang nakakalipas. Malakihan yan kasi. At, nung time na yun, hindi namin alam na magkakaroon ng Liberal Party meeting din, at mahahalal si Mar na pangulo. Binabati ko nga pala sya sa kanyang pagkakahalal bilang pangulo ng Liberal Party. Pero, yun ay obligasyon naman namin sapagkat bilang pangulo ng partido, ako naman ay syempre, ginagawa natin ang magagawa para pagka ikaw ang pangulo, maayos ang pagtakbo mo. At yun ang ginagawa ko sa Senado. Nung ako ay maging Speaker of the House, yun ang ginawa natin sa mababang kapulungan. At noong tayo naman ay nagnenegosyo pa, pinalaki rin naman natin ang negosyo natin. Yun naman ay parati kong ginagawa yan. Kaya naman kahit papano, pinapalad tayo na nagiging pangulo naman tayo ng lahat ng organisasyon na sinalihan natin.

Q: Dito sa mga una na ito na sinasabi na masyadong maaga pa, eh yun ho bang mga tinatrabaho nyo naman sa Senado tulad ng cheaper medicine bill, matitiyak natin na yan po ay mailulusot ng maayos at walang mga balakid.

SPMBV: Bago ko makalimutan, alam mo syempre, kapag 100 years, hindi naman pwede na hindi mo isi-celebrate, centennial yun eh. At yun ay launching ng next 100 years ng Nacionalista. Babalik ako dun sa tanong mo, alam mo ang sa akin kasi naman, talagang desidido akong paghusayin ang Senado. At yung pag-iimbestiga namin tuluy-tuloy yan, hindi dumadalang yan kumukonti, basta may lumabas, iimbestigahan namin. Pero, ito naman ang naiiba. Sa akin kasi, mahalaga na me produksyon kami, at hindi namin kinakalimutan yung aming pangunahing trabaho, na magpasa ng panukala. Nagpasa kami ng siyam na panukala na so far kasama na rin yung cheaper medicine. Pero hindi lamang yan, bagamat yan lamang ang nababanggit parati. May siyam na magagandang panukala na ang aming naipapasa tulad ng pagbibigay ng mas maraming karapatan sa kasambahay, pagbibigay ng tulong sa ating pong maliliit na nagsasariling negosyanteng pinoy; pagtuturo ng pagmamahal ng environment sa ating pong mga kabataan; pagbibigay ng mas maraming retirement pay sa mga judges and justices. Ito ay iilan lamang kasama rin ang pagtataas ng parusa para sa pagnanakaw ng cellphone. Meron pa kaming mga labindalawang nakasalang ngayon na inihahabol namin bago mag-Pasko. Mapasa lang namin ang kalahati nyan, record number na yan. Sabagay ngayon, dalawang lingo, minamarathon namin yung budget. Araw-gabi yan. Kaya talagang, masasabi ko din naman, di naman sa pagyayabang, kung dati magtrabaho kami Lunes hanggang Miyerkules, ngayon po ay Lunes hanggang Byernes na. Masipag ang senado ngayon.

News Latest News Feed