Press Release
December 3, 2007

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

On curfew

Wala pa kaming schedule dahil kailangan munang tapusin ang budget pero kuwestyonable naman talaga, ano ang legal basis ng pagdeklara ng curfew, kailan ba dapat ideklara ito dahil sa ilalim ng Saligang Batas wala naman silang sinabing merong state of lawlessness, wala silang sinabing state of emergency, wala silang sinabing martial law, biglang ipinagbawal na ang pagbyahe ng mga kababayan natin bagaman sa maikling panahon. Ang problema bakal limang oras ngayon pero sa mga darating pang mga panahon, 12, 24, isang linggo o isang buwan.

My constitutional infirmity

Definitely there is constitutional infirmity sa ginawa nila, hindi ko na inabutan yon pero marami akong nakausap na non lang daw panahon ng martial law nagkaroon ng ganitong uri ng curfew na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay, pag-tama ng alas dose hanggang madaling araw. Hindi magandang senyales din ito sa mga foreing investors na namumuhunan sa bansa na may ganitong malaking problema at may ganitong uri na pagkitil sa kalayaan sa paggalaw at pagpunta sa iba't-ibang part eng ating bansa.

My verbal naman daw...

'Yon nga yung kinukuwestyon namin, bakit walang written order, bakit walang prior declaration na may pangangailangan para dito at kung saka-sakali ang magiging batayan ay yugn announcement sa media na may curfew at ano yung limitasyon ng curfew na yon.

On Trillanes' expulsion, yung resolution is as good as dead...

I haven't seen the resolution but personally while I disagree with what Senator Trillanes did neither will I support any disciplinary action against Senator Trillanes. Ayaw ibigay ng Korte sa Senado si senator Trillanes, ni isang minuto para manilbihan bilang senador, hindi pa siya nakakapanilbihan dito tapos kung may problema ipapasa sa senado ang jurisdiction sa kanya, hindi naman siguro tama yon.

Pero yung ginawa niya unbecoming as a senator...

Tama yon pero hayaan natin ang husgado ang magdesisyon kaugnay sa bagay nay an total sila naman angnagdedesisyon after hilingin ng senado sa kanila na payagan si senator Trillanes na mag-attend. Di tulad ko na puwede akong magsalita kaugnay sa ginagawang mali o paglabag sa batas ng administrasyon, hindi ibinigay sa kanya ang pagkakataong yan, hindi tulad ko puwede akong makibahagi sa pagbabago ng polisiya lalo na ng mga maling plano ng gobyerno, hindi rin ibinigay sa kanya yan. Matapos ang Oakwood marahil sinibukan niya ang mapayapa at legal na proseso tulad ng pagtakbo sa senado. Matapos niyan gmanalo hindi naman isya binigyan ng pagkakataon na manilbihan at ituloy yung mapayapa marahil at yung legal na proseso bilang miyembro ng senado.

Yung senate may numbers naman (to junk the resolution)...

Madalas sinasabi nila sa amin sa Kamara de Representantes noong nandoon kami at yung nag-iimpeachment kami, it's a question of numbers and it's a numbers game, puwes mumultuhin sila nang matagal na nilang pinamumukha at ipinagmamalaki sa amin na numbers game ito dahil pagdating sa bagay na ito sa senado marahil numbers game din ang iiral subalit kontra sa administrasyon at hindi pabor sa kanila.

May complaints ang PNP sa behavior ng ABS-CBN sa Manila Peninsula siege...

Kailangang siyasatin kung saka-sakali may reklamo ang Philippine National Police pero maghunos-dili din dapat ang PNP baka nagpapadala sial ng tinatawag natign chilling effect sa media. Sa ilalim ang Saligang Batas at sa mga desisyon ng Korte Suprema, bawal ang pagpapadal ng chilling effect sa media o pananakot sa media para limitahan ang kanilang ginagawa o trabahong ginagampanan sang-ayon sa press freedom kaugnay ng kanilang gagawing imbestigasyon sa bagay na ito.

Bilang mambabatas may nakita ba kayong ginawang mali ng media?

Sa totoo imbes na hinuli dapat binigyan ng medalya ang media dahil kung wala sila doon malamang nagkaputukan, may namatay at dumanak ang dugo. Sang-ayon o di man sang-ayon ang anong sector, sino man ang napanigan ng presensiya nila (media) o hindi, hindi puwede ikaila, dahil nadon sila hindi dumanak ang dugo, at kung wala sila doon, malamang dumanak na ang dugo ng araw na yon.

On counter charges daw ng PNP sa media...

Hindi maganda yung saliatng binitiwan ni Gen. Barias na handa raw silang kasuhan ang media kung kakasuhan daw sila sa pagkakahuli. Ang paglabag sa batas ay paglabag sa batas, hindi yan conditional na magkakaso kami kung magkakaso kayo, nakahanda kaming kasuhan kayo kung sasampahan nyo kami ng kaso, ang mali ay mali, ang tama ay tama, kung may mali at kung talagang mali sampahan nyo ng kaso pero hindi pedeng conditional ang pagsampa ng kaso, pinapakita tuloy na nananakot lamang sila at ikanga nagbla-blackmail lamang sila sa pagsampa ng kaso kung saka-sakali.

On media coverage of the siege...

Kung ma limitasyon mana dapat gawin sa coverage dapat siguro yung mga tactical moves ng magkabilang panig hindi pinapakita ng media dahil nalalagay sa bitag ng alanganin yung mga kapulisan at sundalo, sa magkabilang panig kapag pinapakita ng live yung mga galaw ng tropa, sa ibang bansa mayroong guidelines sila yungkol sa bagay nay an, ipakita pagkatapos pero hindi habang nagaganap at nangyayari dahil kung mapapansin nyo yung mga sundalong palusob sa hotel, gumagapang pa, yumuyuko-yuko pa, tumitigil-tigil pa eh kitang-kita naman sa camera at sa TV. Siguro marahil dapat magkaroon ng rules of engagement kaugnay sa bagay na yan; pedeng i-cover pero hindi dapat ipakita ng live upang walang mapaboran sa magkabilang panig at upang hindi rin malagay sa alanganin ang buhay ng kasundaluhan at pulis sa magkabilang panig din, dahil tactical maneuvers yung kanilang ginagawa.

News Latest News Feed