Press Release
December 11, 2007

Transcript of interview with Senate
President Manny Villar (DZMM)

Q. Very timely itong panawagan ninyo tungkol sa toy guns dahil mayroon na ngang batang nasaktan sa laoag City, but what we need here ay baka legislation na Mr. Senate President.

SPMBV: Mayroon na akong nai-file na panukala tungkol dito kaya nga lang ay di umabot ngayong kapaskuhan. Ito yung toy labeling dahil marami talagang laruan ang dapat bantayan lalo na kapag kapaskuhan, kasama na dito itong mga baril-barilan na akala mo ay totoo at maaaring magamit sa masamang mga gawain. Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ako sa DTI tungkol dito. Nakakabahala kasi ang mga ganitong laruan. Maging sa Amerika ay very concerned ang mga tao at gobyerno doon tungkol sa mga laruan. Kung maalala nito, marami silang pina-recall na mga laruan na made in China. Tayo din ay dapat umaksyon sa problemang ito at ipagbawal ang mga toy guns na iyan at the same time, pakiusapan ang mga magulang na maging wais sa pagpili ng mga laruang bibilhin nilang pang-regalo ngayong pasko.

Q. Ang problema dito ay di naman ito sa malls ibinebenta kundi doon sa mga tiangge at sa Divisoria

SPMBV: Malaking problema talaga ito lalo na kapag pasko dahil isa itong malaking negosyo. Kaya iyong panukalang inihain ko sa Senado, palawak nang palawak ang saklaw. Dati toy labeling lamang iyon pero ngayon, idinagdag ko na kung paano masasawata ang paglaganap ng mga toy guns.

Q. Sabagay Mr. Senator, year-round naman ang pagbebenta ng mga laruan.

SPMBV: Tama ka diyan. Whole year round kang makakabili ng laruan lalo na kapag pasko. Kaya naman tuloy-tuloy ang aming ginagawang pagbabantay tungkol dito.

Q. Paano po kaya nakakalusot ang mga ganitong produkto sa Customs?

SPMBV: Iyan nga ang gustong busisiin din ng panukalang inihain ko dahil bagama't kaya itong bantayan ng DTI., may mga grey areas pa rin na dapat liwanagin. Sa aking panukala, isinulong ko talaga na dagdagan ang penalty at dapat ding maliwanag ang implementasyon ng DTI ng mga regulasyon ukol dito kasama na ang ibang government agencies para sa malawakang kampanya laban sa mga peligrosong laruan.

End of interview

News Latest News Feed