Press Release
December 13, 2007

MEDIA INTERVIEW WITH SENATOR BENIGNO S. AQUINO III

FLORANTE (DZRH): Sir sa Pulse Asia survey, si GMA raw po ang pinakakurap at si Pres. Cory Aquino raw po ang "least corrupt" among the five past presidents, ano po ang masasabi nyo?

SBSA: Well, nagpapasalamat po naman ako sa taong bayan na nakikita nila ang difference. Talaga namang hinabol na maging iba ang administrasyon ng nanay ko dun sa administrasyong nauna (Marcos regime). Huwag nating kalilimutan pag titingnan natin yung national debt na lang halos mula ng pumasok si G. Marcos, ay parang zero yata ang utang na natatandaan ko. Yung available records na ilang milyon lang ang pinag-uusapan, hanggang sa noong natapos siya (Marcos) umabot na yata sa 25 bilyon piso kung hindi ako nagkakamali. At ang masakit nga doon, lahat ng mga utang na ito ay wala tayong maituturo o maipapakita para sa lahat ng pinuhunan ng taong bayan. Siguro ang classic po dyan ay yung dating CDCP na naging PNCC, yung ipinangako ang kalsadang expressway hanggang Quezon sa South at hanggang Pangasinan sa North. Sa awa ng Diyos, pagkalipas ng 30 taon ay binigyan sila uli ng prangkisa nitong adminstrasyong ito kung tutuusin, para gawin ang ipinangako nila 30 years ago at binigyan ng palugit uli na kung hindi ako nagkakamali ay panibagong 25 taon na naman.

FLOR: Sa corruption sa paligid ng pangulo, ano kaya ang dapat gawin?

SBSA: Alam nyo kung wala talagang isyu, ang aking pananaw, dapat naman harapin mo e. Kasi yung leader sa isang demokratikong bansa, nagmumula yan sa tinatawag na "moral authority". Pag sinabi niyang ito ang mga magandang gawin natin, siyempre lahat kung pinaniniwalaan ang leader, magaang sundin. Halimbawa pag sinabing kailangang maghigpit tayo ng sinturon, madali lang. Pero pag dating nga dito, kung ano man isyu�fertilizer scam, North Rail, ZTE, etc. Iisa lang naman ang nagiging standard line e. Ang tanong parati: "Ginawa nyo ba ito o hindi?" Ang nagiging standard line: "Napag-usapan na ito. Let's move on." At iba-iba lang ang version nung "let's move on" at iba-iba rin ang mga nagsasabi nung "let's move on." Pero basta may isyu, iyon na lang lagi ang sagot, "Let's move on."

ESTONG: Inamin ni GMA na siya ay "bad politician but good economist," do you agree?

SBSA: Ano ang gusto ninyong unahin sa dalawa?

FLOR: Dun muna tayo sa most corrupt.

SBSA: Because of their standard line of "let's move on," wala tuloy nare-resolve na issue. Kapirasong duda lang nagsimula, hanggang sa lumaki na ng lumaki ang duda. So, ngayon nga, based on the latest survey, yung dating duda ngayon may certainty na na talagang corrupt itong administrasyon na ito.

FLOR: Sir may patunay na?

SBSA: Parang right or wrong. Bilang mambabatas, kelangan sumunod tayo sa batas and everybody is presumed innocent until proven guilty. But this aspect nga, na parang ayaw harapin� Ang paniniwala ko kung ikaw ay walang sala, ikaw yung magmamadali na magkaroon ng paglilitis dito para maipakita ng maliwanag na wala kang kamalian o kasalanan. Pero pag gusto mong imungkahi sa buong sambayanan na gayahin yung ostrich sa Africa na nung makakita ng leon ay inilubog ang ulo sa buhangin, ang taong bayan hindi po ganon. Alam nila na yung kasalukuyan at ang kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapatakbo nitong administrasyong ito. Kami naman ay di bat humiwalay nga sa administrasyon dahil nga sa isyu ng "good governance." Ngayon ang masakit, hindi bale nang hindi nila sinagot ang mga naunang isyu. Ang masakit, inulit-ulit pa. Kumbaga dati'y sinampal ka na, tapos gagawa pa siya ng batas para mapagtakpan yung mga isyung hindi nga nila masagot.

Ngayon dun sa sinasabi nyang "she's a bad politician but good economist" baka reversed? Kung sa pagkakaintindi nya sa kung paano paandarin yung sistema. Kayo naman ay testigo sa kung ilang beses na siyang dapat ma-impeach at hindi man lang tayo umabot sa punto na magkaroon ng presentation of evidence. Napapatay na nya kaagad kaya magaling siyang gumamit ng sistemang pampulitika. Sa pangit na parte ng sistema, sa magandang parte, lahat na ay ginamit para lang manatili sa kapangyarihan.

But bilang ekonomista, babalikan ko yung siya raw ay good economist. Sabi niya (Gloria is SBSA's economic professor at the Ateneo de Manila University) sa economics simpleng simple lang. Lahat daw ng tao hindi nawawala yung kagustuhan or "want". Pero ang problema ay yung resources na tutugon dun sa "want" ay very limited. Ang tanong ngayon ay paano ba natin tutugunan na meron tayong unlimited want with limited resources. Ang typical example nga riyan, tulad ng sinabi ko kanina ay yung North Rail project kasi yun yung parang pinaka-template e, o hulmahan. Ang totoo passenger train lang iyan baka kala ng iba pwede cargoes. Hind po. At yung papasok na pamasahe ng mga pasahero hindi sasapat para patakbuhin yung train. Saan kukuha ng pambayad sa overpriced na isang bilyong dolyar na halaga ng proyekto? Tiyak isa-subsidize yan ng gobyerno. Kawawa naman ang mga taongbayan na magpapasan nito. At parang sinabi mo na rin na i-deprive natin ng 1 bilyong dolyar ang ibang mga karapat-dapat at kailangang tustusan ng gobyerno. Pero okay lang yon kung makakatulong sa ekonomiya. Alam po ninyo, ang transportation is a non-growth industry sa Central Luzon. Kahit magtanong kayo, naghihingalo ang transportation companies doon. Sa Australia gumawa ng over 1,000 kilometers na railway system ang nagastos lang ay $1.3 billion at mas mataas pa ang specs. Dito sa atin, mas makitid, $1 B para sa 80 kilometers of North Rail project para sa Caloocan City to Malolos, Bulacan. Huwag na tayong lumabas ng bansa. Ung South Rail, $50 million in 34 kms. Hind lang naman riles ang gagawin siyempre pati na yung locomotives and other equipment. Yung 32 kms na North Rail project costs $503 million. So, times 10 ang pinagkaiba. Tapos nga hindi naman kailangan at hindi mababayaran dahil ang mahal mahal nga.

FLOR: Yung tungkol sa pag stop ng pork barrel ni Trillanes?

SBSA: Yan naman experience din namin noong umalis kami sa administrayon. Ang kawawa ay yung mga constituents namin noon. Ano ba naman ang kasalanan ng mga taga-Tarlac sa Pangulo? Paano naman yung mga bumoto kay Sen. Trillanes? So dito sa ngayon, may sistema ng batas para sa kakampi at meron din para sa mga taga-oposisyon o kalaban. Si Trillanes, sabi nga sa wikang Ingles, they throw everything at him including the kitchen sink. Pero si Jocjoc Bolante, hindi pa ho yata nahaharap sa korte ni isang beses.

News Latest News Feed