Press Release
December 14, 2007

Transcript of press briefing with Senator
Mar Roxas after hearing on oil deregulation

MAR: Ang mga probisyon na nakapaloob sa bill mismo ay nagbibigay lamang ng kapangyarihan sa DoE, pero kung ayaw itong gamitin ng DoE, hindi sila mapipilit. Kaya isa sa mga amyenda natin sa Oil Deregulation Law ang pagpilit - hindi lamang yung 'may,' it will become a 'shall' sa DoE, na talagang bulatlatin niya ang mga libro nitong mga oil companies, para makasiguro tayo na resonable at hindi tayo pinagsasamantalahan. Isa iyon sa lumitaw sa hearing na ito.

Tanggap naman nating lahat na nagmahal ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. In 1998, noong na-deregulate yung oil, nasa $15 per barrel lamang. Ngayon, ang average price sa Dubai is about $90 per barrel. Ang gusto lang nating sigurhuin ay hindi tayo pinagsasamantalahan. Ang diesel sa ngayon ay P38.45 bawat litro. Noong 1998 ito ay nasa P8.10 per liter lamang. So sa madaling arithmetic, yung 8 na naging 38 is halos times five. Pero yung $15 na naging $90, times six. Hindi naman pwedeng sabihin na may one-to-one correspondence, pero siguro 'yung kabutihan diyan ay lumakas ang ating pera magmula noong panahon na iyon hanggang sa ngayon.

Ang importante dito ay hindi tayo pinagsasamantalahan, at malalaman lang natin ito kung ang DoE ay hindi lang bigyang kapangyarihan pero bigyang direktibo na bulatlatin niya, buksan ang libro ng mga oil companies na ito, tingnan ang imbentaryo, anong halaga ng pagbili nitong imbentaryo, at paano nila pinepresyuhan ang kanilang mga produkto.

Ang hindi natin gusto ay nauwi ito sa pagpupulong, sa memorandum of agreement, sa iba pang mga hakbang. Naa-appreciate natin na sinabi ng DoE na hinire nila yung SGV para i-audit ito, nag-hire sila ng professor mula sa University of Asia & the Pacific para tingnan ito, pero marahil, matagal pa iyan e. At sa SGV, ano ang inaasahan natin, hindi naman natin sila minamasama, pero SGV din ang nag-a-audit ng mga kumpanyang ito e. Alangan naman sabihin ng SGV na yung sinabi nila noon ay babaligtaran nila sa ngayon. These are good steps, but what is important is maging directive ito na dapat gawin ng DoE.

Samantala, ngayong umaga, dinesisyunan ko na mag-file ng bill na i-suspend ang application ng VAT sa oil products for a period of six months. Habang pinag-aaralan kung pinagsasamantalahan tayo o hinde, mas malinaw at mas magandang hakbang ito para makapagbigay tayo ng kaginhawaan sa ating mga transport sector, sa lahat ng mga gumagamit ng mga produktong petrolyo. By exempting the oil and oil products from the 12% VAT for a period of six months, this will already provide relief, bibigay ito ng kaginhawaan sa ating mga kababayan sa panahong ito na sobrang taas ang presyo ng langis.

Noong ipinatupad ang VAT, oil was $50 per barrel. Ngayon, $90 per barrel. Ang nakuha ng gobyerno rito, halos P30 billion per year, kase ang importation natin is about the equivalent of 100 million barrels a year. Makikita natin na malaki ang kinikita ng gobyerno rito, at sa palagay ko, imbes na antayin pa natin, o amyendahan pa natin or i-repeal natin yung Oil Deregulation Law na matagal pa, ito, simpleng simple, i-suspend lang natin 'yung application ng VAT sa oil products. Kaginhawaan agad ito, at sa ganoong paraan, makakatulong tayo sa ating mga kababayan.

Q: How much would be the revenue loss?

MAR: With an average of P30 billion a year, we're talking about loss of P15 billion for half a year, depending on the volume.

Q: Can't this be done by virtue of a resolution?

MAR: No. Kailangan talagang amyendahan ang VAT Law. Mas masalimuot amyendahan at pag-usapan - dapat bang bilhin muli ang Petron, dapat bang magkaroon ng centralized oil procurement at iba pang mga hakbang. Malinaw na i-suspend natin yung application ng VAT, alam kaagad kung ano ang kaginhawaan nito diyan sa P38.45 per liter ng diesel ngayon. Malinaw na apat na piso diyan ay VAT, four pesos ang relief ang mabibigay agad-agad, walang kuskos-balungos, sa mga nahihirapan, sa transport sector, e lahat naman tayo sumasakay sa transport. So malaking tulong ito habang $90 per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigan.

Kapag naipasa ito, automatically, yung four pesos ay hindi na isisingil, because the pricing is cost plus VAT. E madali naman ang kalkulasyon ng VAT, automatically matatanggal iyan.

Talagang pagdedebatehan ito, P15 billion ito, so hindi ito basta-bastang panukala. Malaking debate ito, pero palagay ko, makukumbinse naman natin ang ating mga kasamahan dito sa Senado na bigyang daan itong panukala.

Q: So it's a temporary measure while you find a more permanent solution?

MAR: That's correct. Hindi naman natin alam, kung bumaba naman ang presyo ng langis, ay pwede na muli, kaya six months lamang ito, at automatically mababalik ito in six months.

Q: What is the chance of passing the bill?

MAR: Well, we're down to the last two days of session, so I don't expect this before Christmas. The oil prices are going to be at these levels for a period of time, so this is really a more medium-term solution.

Q: How soon do you see this bill being passed?

MAR: The pressure for some action by government is very intense, and we in the Senate will certainly act on this. I can not speak for the House, who up until the moment still has been unable to muster the quorum to pass the Affordable Medicines bill.

News Latest News Feed