Press Release
December 19, 2007

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZRH

On upcoming bicameral hearings on the Quality Affordable Medicines bill:

Q: Ano ang masasabi niyo sa pagpasa ng House version kagabi on third reading?

MAR: Unang-una, sa wakas, natapos na rin. Matagal na nating isinusulong ito, at sa wakas, may aksyon na rin ang House. Nagpapasalamat tayo, bagamat hindi na ito makakahabol bago ang Pasko. Siguro sa madaling panahon matatapos din ito, sa Enero. Doon naman sa bicam, siguro titingnan muna natin. Kagabi lang nila pinagbotohan on third reading, kaya hindi pa natin nakikita ang bersyon ng Kamara. Titignan natin kung ano yung mga salungat na probisyon doon naman sa Senado. Ang mahalaga para sa ating mga kababayan ay makakaasa sila na talagang hindi natin uurungan ito, na isusulong talaga natin yung kapakanan ng ating mga kababayan na halos sampung taon na natin ipinaglalaban. May programa pa nga ako sa DZRH, pinaglalaban natin ito mga 13 years ago, so sa ngayon, itutuloy natin ang laban.

Q: Kailan po masisimula ang bicam?

MAR: Ngayong hapon na magtatapos ang Kongreso, so palagay ko, patapusin lang ang Pasko, siguro magsisimula na. Kahit naka-break, mamayang hapon, hihingiin ko ng awtoridad mula sa plenary ng Senado, na maaaring mag-convene ng bicam kahit wala pang sesyon ang Kongreso. Sa ganoong paraan, pagbalik sa Enero, baka naman maitapos na yung bicam natin.

Q: Makakaasa po ba tayo na kapag napasa yung batas, bababa yung presyo ng gamot?

MAR: Kung hindi naman singkwenta porsyento, baka mas higit pa. Ang importante rito, huwag nating ipako sa isang numero. Ang pakay ng bill ay madadagdagan ang kompetisyon dito sa atin. Nakita naman natin sa karanasan natin, kung maganda ang kompetisyon, halimbawa sa telepono. E dati rati noong PLDT lang, walang kompetisyon, susuhol ka pa para makakuha ng linya. Kung may linya ka man, may ka-'party line' at cross line ka pa. Ngayon, may kompetisyon, gumanda ang serbisyo, naging mas mura pa ang singil. Sa airlines, noong Philippine Airlines lamang, Plane Always Late, mataas ang singil, kakaunti ang mga destinasyon. Ngayong nagka-kompetisyon, dumami ang flights, gumanda at naging bago ang eroplano, at naging mas mura pa ang singil. Kompetisyon talaga ang kinakailangan dito sa pharmaceutical industry na sa ngayon ay monopolya, hinahawak ng mga malalaking pharmaceutical companies.

Q: Paano niyo aayusin ang probisyon ng Price Regulatory Board sa bicam?

MAR: Sa palagay ko, kukumbinsihin natin sila na mas mainam na mekanism ay yung Secretary of Health at ang Pangulo na mismo. Kami sa Senado, hindi kami masyadong kumbinsido sa mga board na iyan, dahilan sa diyan nagkakaroon ng suhulan. Kung ano ang mga gamot ang sakop ng regulation, ano ang presyo..

In fact, ito yung hindi inuunawaan ng ating mga kasamahan na sa ngayon, sa batas, mayroon nang kapangyarihan ang Pangulo at Secretary of Health. Ang ginagawa natin sa Senado ay nililinaw natin na dapat nila gamitin ito, kase sayang naman ang kapangyarihang ito kung hindi naman ito magagamit para sa kapakanan ni Juan de la Cruz.

Nililinaw natin. Ang interpretasyon kase ng ehekutibo, magagamit lamang ito kung may kalamidad. Ang sinasabi natin ngayon, yung definition ng kalamidad, maaaring magkaroon ng health emergency, na kahit walang lindol o bagyo, walang kalamidad, kung mag-deklara ng health emergency. Halimbawa diabetes. 12 milyon na kababayan natin ay may diabetes. Health emergency na iyan, that's more than 10% of our population.

News Latest News Feed