Press Release
January 7, 2008

Transcript of 'Kapihan sa Manila' press conference
with Senator Mar Roxas (excerpts)

On the proposed suspension of the VAT on oil, through Senate Bill No. 1962:

MAR: Isa sa pinakamalaking hamon ngayon ay yung sobrang pagtaas ng presyo ng langis. Lumampas na ito ng $100/barrel sa New York Mercantile Exchange, noong ako ay DTI Secretary, this was at $20/barrel. On the month that the EVAT law was passed [May 2005], oil was trading at about $30/barrel. E ngayon this is about $100/barrel. Kung talagung ginugusto natin na makatulong tayo sa ating mga kababayan, ito'y isang malinaw at kongkretong hakbang na maisasagawa na sa ganoon, talagang maibsan ang kahirapan dito sa atin. Ang pagtanggal ng EVAT sa produktong petrolyo, sa bawat litro ng diesel, mahigit sa P4 ang savings bawat litro agad-agad. Sa ating mga misis at mga gumagamit ng LPG, sa isang 11-kg na tangke, halos P65 ang savings sa pagtanggal ng EVAT dito. Ang presyo ng diesel ay P38.45/L, yung VAT component niya ay P4. So agad-agad makikita na malaki ang savings.

At sa gobyerno naman, hindi naman mawawala ito sa gobyerno, kase itong pera na na-save sa produktong petrolyo ay gagastusin din. Makokolekta mula ito ng gobyerno. Pera natin ito, hindi nila pera ito. Tayo'y mga mamamayan, kung ipaabot natin ang ating gustuhan na suspendihin muna ang pagkolekta ng VAT sa produktong petrolyo, ay makikinig ang gobyerno, at maisasabatas ito. Rine-reject ko ang sinasabi ng gobyerno na 'we are helpless.' No, government is not helpless.

Q: What is your reaction to the executive's proposed oil summit?

MAR: Natutuwa tayo na tatalakayin ng ehekutibo ang mga hakbang para mabawasan ang impact ng sobrang-taas presyo ng petrolyo. Magandang hakbang itong oil summit, pero dapat ang oil summit ay hindi mauwi sa 'tokenism' - isang token lamang na babawasan mula sa 3% to 2% yung taripa sa produktong petrolyo. Maganda itong summit, pero dapat hindi mauwi ito sa tokenism o pakitang tao lamang, o yung pagbawas ng 1% lamang mula taripa. Okey iyon, pero kulang na kulang. Huwag tokenism - oil summit para magkaroon ng tunay na lutas dito sa sobrang mahal sa singil sa produktong petrolyo. Kung tutulong tayo, lubusan tayong tumulong, tanggalin natin ang EVAT sa produktong petrolyo.

News Latest News Feed