Press Release
January 8, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

What do you think on National ID?

Hindi ako sang-ayon sa national ID na pinapanukala nilang lalagyan ng dog tag ang bawat Pilipino. Kunsaka-sakaling isusulong nila ang isang national ID, gamitin na lamang nila yung dating ID na ini-issue tulad ng Philhealth, tulad ng SSS, ng GSIS, ng driver's license. Huwag nang dagdagan pa ang gastos ni Juan dela Cruz at hindi ako sang-aayon na ang pangunahing layunin ng national ID ay national security. Dapat ang pangunahing layunin ay serbisyo publiko kaya't kung mamimili lamang tayo ng ID para maging nationa ID, sana Philhealth na an gating gamitin upang sa gayon nakapagbigay na tayo ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan, napagsilbihan na rin ang interes n gating mga national security advisers na magkaroon ng ID ang bawat Pilipino.

Sir bakit kaya nila tinutulak yun at PNP at AFP pa man din ang nagtutulak?

Natural naman siguro na itulak palagi ng AFP at PNP ang national ID. Libre silang mag-suggest pero decision dapat ng pamahalaan na timbangin ang interes ng mga kababayan natin sa interes ng military. Kung talagang kailangan ang national ID, pwes gamitin nating behikulo ang Philhealth para ng sa gayon ay may kasabay na serbisyong binibigay ang gobyerno habang pinagsisilbihan ang nais nilang makamtan din.

Kung gayon sir papayag na kayo?

Walang dagdag gastos sa panig ng tao at nabigyan pa natin ng karagdagang serbisyo ang pangkalusugan ng tao. Kung gamitin man nila yan para mai-identify ang tao ng tama, wala na akongpagtutol sa ganyang uri ng panukala.

Pero senator mas mura yung national ID than Philhealth kasi mare-require ang gov't na mabigyan ng Philhealth ang lahat ng..

Yun na nga yun e. Dapat kung talagang gusto ng gobyerno yan, sa halio na tao ang gumastos, gobyerno ang dapat na gumastos. Anong gagwin nila, papapilahin na naman nila ang bawat Pilipino para kumuha ng ID at gagastos na naman ang mga Pilipino para kunin ang bagong ID na ito para sa mga military at pulis? Dapat, uulitin ko, may kaakibat na serbisyo para makumbinsi mo ang ating mga kababayan na tunay nga at kumuha at magkaroon ng ID na yan. Dapat may karampatang benepisyo din tayong binibigay sa kanila.

Wala ka bang nakikitang sineserve nyan, let's say in relation to 2010, kaya nire-revive ito?

Wala akong nakikta sa ngayon na connection sa 2010 elections at nakakalungkot na dahil lamang sa 2010 elections, bawat ginagawa, bawat sinasabi ng magkabilang panig, oposisyon man o administrasyon, basta't nasa gobyerno, palagi nang iniisipan ng anggulo sa 2010. Hindi naman siguro lahat ng bagay yun ang motibo at yun ang rason.

ID system being the solution to the insurgency problem. What's your reaction?

Suntok sa buwan yun at wala pa akong nakitang pagsasaliksik at pag-aaral na kapag nagkaroon tayo ng national ID, automatic na mabubura ang insurgency. Ang pangunahing kalaban ng pamahalaan at rason kung bakit may insurgency ay kahirapan at kawalan ng hustisya. Trabaho ng gobyerno na maresolbahan ang dalawang bagay na ito. Yan ang marahil ang mga susi para mabura ang insurgency sa bansa, hindi pagkakaroon o kawalan ng ID.

Kailangan ba ng legislation?

They've tried it before pero na-strike down yan ng Korte Suprema at sinasabing it violates the right to privacy. Isa pang dahilan yan kung bakit dapat hindi lamang national security ang layunin ng pag-issue ng ID, dapat ito ay may kasabay na ibang plataporma at programa, babalikan ko, tulad pa rin ng pangkalusugang programa o Philhealth upang hindi pa rin mai-strike down muli ng Korte Suprema for being unconstitutional dahil nilalabag nito ang privacy ng ating mga kababayan.

Once i-elevate na, let's say, sa Supreme Court, matatalo din yun.

Res judicato yan, kung parehong klaseng ID ang ipapanukala nila tulad ng pinanukala na noon at inakyat sa Korte Suprema, ang desisyon ng Korte Suprema noon ang siyang magiging desisyon pa rin noon. Yan ang dahilan din siguro kung bakit dapat baguhin naman nila ang kanilang panukala. Hindi pwedeng national ID for national security purposes lamang. Dapat may ibang behikulong gamitin para makamtan ang nais nilang makamtan.

May bagong proposal na magkakaroon daw ng barangay assembly for cha-cha.

Passe na ang cha-cha at sa palagay ko hindi na lilipad pa ang cha-cha. Subalit hindi ko rin pipintasan ang administrasyon na paglaruan ang konsepto at issue ng cha-cha. Kailangan nila marahil ito para mapanatiling hindi lame duck si GMA hanggang katapusan ng 2010 dahil lung may pag-asa nga naman ang cha-cha, wala pang opisyal na lalabag sa kagustuhan at kautusan ni GMA. Subalit kung wala nang cha-cha, habang palapit na ang 2010, unti-unting mag-lu-loosen, unti-unting mawawalan ng hawak at impluwesya ang kasalukuyang administrastyon sa buong Pilipinas. Ito ang ginagawa nila siguro. Suntok sa buwan na kung matuloy, e di thank you. Hindi man matuloy, at least nandyan yan at mananatili silang panakikinggan, sinusunod at may kapangyarihan pa din.

Who do you think would be a good president para sa Pilipinas?

I don't know but traditionally, historically, mas malaking tulong ang ibinibigay sa ating bansa pag Democratic ang presidente. Traditionally, I mean historically.

Pero exciting yung nangyayari kay Obama sa Amerika dahil bagito siya, maraming nagsabi na hindi niya kaya, yung roots niya sa Kenya mismo . Yung grandmother niya ininterview kanina, dun pa rin nakatira. Pati tatay niya dun nakatira at dun nakalibing. Pero ang nanay niya puti ha.

Pero are you saying na Amerika is now ready to accept "niggers"?

Yun ang lumalabas sa polls sa Amerika. Yung dalawang nominee ng democrats, parehong first in the states: unang babae, unang dating first lady, unang itim na president. Subalit lumalabas sa official polls ng primaries, lamang si Obama so tila mas handa ang mga Amerikanong tanggapin yun kaysa babaeng presidente. At may na-interview nga tila hindi daw bagay ang Mrs. President sa kanila.

Ano ang ginagawa ng NPC?

Hindi pinag-uusapan ng NPC yan, masyadong maaga at yan ang posisyon namin, yan din ang posisyon ko. Hindi tamang pag-usapan sa panahong ito ang usapin kaugnay nga 2010. mauuna pa nga ang eleksyon ng Amerika this year, pinag-uusapan na natin dito ang eleksyon sa 2010, hindi siguro tama yon.

On Senate President Villar's performance, will you still vote for him?

Papasok ang katanungan kung boboto ako sa kanya o hindi kung magkakaroon lamang ng halalan muli, ang tanong ko magkakaroon nga ba ng eleksyon uli sa pagpili (ng Senate president) o hindi. Sa puntong ito base sa napasa at hindi napasa, base sa trabaho at hindi nagawang trabaho ng Senado, wala ako sa lugar magkumpara dahil unang pagkakataon kong mapunta sa senado, anim na buwan pa lamang kaming naninilbihan pero kung ikukumpara natin ang nagawa ng senado sa nagawa ng Kamara, malayong mas maraming napasang panukalang batas ang senado kumpara sa Kamara.

Kuntento ka?

Sa ngayon, oo, base sa karanasan ko nitong nakaraang anim na buwan.

Kung titingnan kayo you look like more for Villar than Mar dahil sa pagboto nyo sa senate presidency?

Hindi tumakbong senate president si senator Roxas, hindi nagkaroon ng rason para mamili sa dalawa at wala rin akong rason na mamili sa dalawa gaya nga nang nasabi ko masyadong maaga ang usapin kaugnay ng 2010, at kung ang ilan ay nais nang pag-usapan at simulan yan hindi kami lalahok sa usapang yan.

Ikaw daw ang gustong 'Francis' ni Mar?

Siyempre nakakataba palagi ng puso kapagka may nagsabing mas gusto ka kumpara sa isa, subalit ganunpaman pang-una o pangalawa man 2010 na usapin pa rin yan at hindi pa rin namin papatulan o panghihimasukan yan. Pero walang pag-uusap at hindi rin naman ako nakikipag-usap dahil sobrang maaga din.

Ano ang pinagkakaabalahan ng NPC ngayon, yung iba nagkakaroon ng mga poaching?

Wala, wala kaming ginagawang galaw para mag-expand ang partido para s 2010, hindi kami nagrerecruit, hindi kami nangangampanya para madagdagan an gaming mga miyembro dahil nga sa paniniwal na sobrang agang pamumulitika sa puntong ito kung yan ay paghahanda lamang ang pag-uusapan para sa 2010.

Favor ba kayo sa multi-party convention?

Partido namin ang magdedesisyon non kung saka-sakali pero gaya nga nang nasabi ko, kung yan ay ipapatawag ngayon, kung yan ay ipapatawag sa darating na linggo o darating na buwan, masyadong maaga at ako mismo hindi lalahok sa anumang uring usapin tulad nyan dahil sobrang aga at kawawa naman tayong lahat kung mula ngayon hanggang 2010 puro pulitika na lamang sa eleksyon sa 2010 ang pag-uusapan natin.

When is the right time to talk about 2010 elections?

Last quarter of 2009.

Ano yung focus nyo ngayon 2008 sa Senate?

Trabaho namin dito sa Senado sa dalawang komiteng pinanghahawakan ko halimbawa sa sa committee on ways and means, apat na panukalang batas; unang ang anti-smuggling bill, panagalawa yun paglift ng VAT sa petroleum products, pangatlo yung paglift ng withholding tax sa minimum wage earners at pang-apat anf rationalization at fiscal incentive. Sa parte ng committee on justice layunin din naming ipoasa at napasa na namin yung benepisyo para sa judges at yung mga panukalang batas kaugnay sa anti-torture, involuntary disappearance at sana maretipika sa bicam at matapos na ng Kamara yung compensation para sa mga human rights victims.

Parang pareho kayo ng mga bills ni Roxas?

Kasi yun yung mga bills siguro na nagkataoon na-file sa komiteng na chairman ako, yung mga ibang bill niyang tinutulak na hindi naman sa komite ko hindi ko naman kayang sabihing kaya kong ipasa.

Do you think the president and the VP should think alike?

Gaya nga ng nasabi ko anumang usapin kaugnay nyan, anumang pangakong bitiwan kaugnay sa 2010, anumang planong may kinalaman sa 2010 nang ganitong kaaga hindi puwedeng panghawakan sa dami ng puwedeng mangyari at sa haba ng panahong lilipas pa.

Why there's a sudden change of attitude, dati sinabi nyo bakit hindi na lamang ambisyunin yung mas mataas?

Tanong yun kaugnay sa iniisip mo ba't may plano ka, pero kung ang pag-uusapan natin ano ang ginagawa mo, papatol ka nab a sa debate, babanatan mo nab a ang potensyal mong makakalaban kung ikaw ay tatakbo, dedepensa ka ba kung ikaw ay tinitira kaugnay sa potensyal na pagkandidato mo o pagkandidato nya, hindi ako papasok sa ganoong uri ng banatan.

Reaction sa exodus ng ilang Cabinet official distancing from GMA...

Nakakaramdam na sila marahil malapit nang matapos ang panahon na sila'y humahawak ng puwesto at kapangyarihan, nagse-safety na ikanga hinahabol na ang kanilang retirement at hinahabol na ang kanilang lugar sa ilalim ng araw matapos ang termino ni Pangulong Arroyo. Ididikit ko yan sa panibagong pagsulong ng administrasyon sa Cha-cha, nais nilang iparamdam at ipaalala sa mga opisyal na ito na huwag muna nyo kaming iwanan dahil malay nyo lumampas pa kami ng 2010, at kung makatsamba ngang makalampas eh di may bonus pa sila para sa kanilang mga sarili. Subalit para sa akon, anumang patapos na administrasyon palaging humihina ang impluwensiya at kapit at hawak sa kanilang sariling mga opisyal at kapartido.

Hindi ba madalas kapag ka patapos na ang serbisyo mo sa gobyerno iniisipmo na ay retirement, tila yun ang habol ng ilang mga opisyal at yun ang dapat nating bantayan lahat, yung mga overnight transactions, overnight deals na ang layunin ay kumita lamang at makaipon ng retirement bago sila umalis sa gobyerno.

Yung mga money-making departments ikanga na matagal na naman nating kilala, matagal na nating alam, at nasa corruption index na pinaka-graft ridden sa ating administrasyon.

Kaya siguro dumidistansiya ang NPC sa eleksyon nagpapaligaw pa?

Hindi. Hindi lang talaga pinag-uusapan, sobrang tagal eh, sobrang tagal.

On ZTE investigation...

Ayon kay senator Cayetano kanilang kinukumpleto ang lahat ng mga dokumentong isinumite at yung mga transcript na binigay sa napakahabang mga hearing na isinagawa namin. Patapos na marahil ang imbestigasyon at inaasahan namin dina-draft na nila ang committee report kaugnay sa bagay na ito para ma-review na namin at makita.

Magiging mabait ba kayo kay (Romulo) Neri?

Kung ako ang tatanungin hindi dapat tratuhing bayani o tawaging bayani o pasalamatan man lang siya sa kanyang sinabi o hindi sinabi sa pagdinig. Hayaan ko ang komite na magsabi kung ano ang dapat na paghusga sa kanya subalit para sa akin kulang ang kanayng sinabi, ma may alam siya kaysa sa pinarating niya sa senado at hindi marapat at sapat ang kanyang binigay na testimonya sa amin.

Bakit hindi pa siya puwedeng i-cite in contempt?

I think mayroong pending motion dati ang komite, I think senator Pangilinan during the recess gave a presentation tungkol don sa pag-cite in contempt, yung procedures at kung ano ang dapat gawin ng mga komite na dapat pag-usapan ng mga senador.

One more hearing?

I don't think so, ayon kay senator Cayetano malamang wala na, wrap up na lamang sila. Wala akong balita sa bagong testigo at hindi pa rin ipinarating sa amin yon.

Sen. Pimentel was urging to cite Neri in contempt...

That is the prerogative of the senate I think to cite in contempt, nasa kapangyarihan ng senado na gawin yon sang-ayon sa aming rules.

Inside story sa ZTE..

Hindi ko alam, in fact yung last few hearings sa ZTE hindi na ako dumalo dahil nakakasuya na na tila paglumalamig ang isyu maglalabas na naman ng panibagong mga isyu si Ginoong Joey de Venecia na hhindi naman niya sinabi sa amin noong una. Rason yon para sa tingin ko na tila nagagamit na ang komite para sa interes o isyu ng isang individual lamang.

News Latest News Feed