Press Release
January 23, 2008

Transcript of the briefing with Senator Chiz Escudero

Bilang summary muna ng pagdinig na napakinggan nyo din kanina, iba't ibang posisyon ang ibinigay ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Kung isa-isahin natin ang Department of Finance at lahat ng ahensya sa ilalim nun kabilang na ang BIR at BOC tutol sa panukalang batas ni Senador Roxas at Senador Zubiri. Supportive sa konsepto ng paghahanap ng solusyon ang Department of Energy. Supportive sa bill ang Department of Agriculture. Walang posisyong pormal na ibinigay ang Makati Business Club at PCCI, ang business sector group. Suportado ng consumer groups gayundin ng transport sector ang panukalang batas na diniscuss at tinalakay namin sa araw na ito. Maliban sa mga puntong yan lumabas na tila nagkakabuhol-buhol at iba-ibang numero at figure na binibigay sa atin ng Department of Finance. Nitong mga nagdaang linggo at buwan sa kanilang pagtutol sa panukalang batas na alisin ang VAT, palaging binabanggit nila na P54 billion ang mawawal sa pamahalaan. Ngayong umaga ay bumaba na ito sa P30 billion dahil malilikom din naman nila sa ibang paraan bagaman delayed yung VAT na mawawala daw sa produktong petrolyo kung ito nga ay ili-lift. Subalit iba-iba pa rin ang kanilang datos at figures sa dami ng litrong kinokonsumo, sa dami ng litrong pumapasok at sa dami ng litrong binabayaran ng buwis ng tama sa pamahalaan.

Ang sinasabi ni Sen. Roxas basically ay kung tumaas man ang presyo, manatili mang mataas ang presyo, at least hindi nya pwedeng isisi sa gobyerno may kinalaman man ang gobyerno. Ang kadahilanan ng pagtaas ng presyo ay yung pagiging gahaman marahil ng mga dambuhalang kompanya ng langis na kumuha ng mas malaking kita o pagtaas ng produktong petrolyo. Pero sa panig ng pamhalaan, nagawa at ginawa na niya ang pwede niyang magawa para mapababa ang presyo.

Ang nabanggit ko nga rin kanina, maliban sa pag-amend ng E-VAT at ng RVAT law, kailangang kasabay ng mga panukalang batas na ito ang pag amyenda at least dun sa one time na sinasabi ni Sen. Roxas na ang oil deregulation law ay para immediately may effect at maramdaman dahil kung walang kaakibat na ginagawang mandatory ito sa pagbaba ng presyo, marahil may ganung kalayaan ang mga oil companies pero dapat isama sa panukalang batas na ito ang maliit na amendment sa oil deregulation law at least sa pagkakataong ito para rektang maramdaman at tunay na ibaba yung presyo. Yun ang step 1 siguro. Ang step 2, papasok ngayon sa effective implementation nung sections 14 and 15 ng oil deregulation law na nabanggit ni Ginoong Concepcion , may penal clause. Meron namang regulatory powers ang DoE na sampung taon nang hindi ginagamit. At yung step 3 s iguro nakasabay pa rin ang ibang mga nabanggit na rin ay yung oil smuggling kung saan pinapasok nang walang buwis, binibenta nang mataas ng presyo wala namang napupuntang ganansya man lamang sa taong bayan o sa gobyerno. At isa pa sigurong step na maaring kasabay ng lahat na ito yung mga kaakibat na mga problema na nagdudulot ng pagtaas ng presyo na ang pamasahe halimbawa at ng transportation cost, kabilang na yung kotong, kabilang na yung colorum, kabilang na yung terminal fee na kailangan tugunan subalit hindi sa pagdinig na ito.

Personally tutol ako sa oil deregulation law dahil sa nabanggit ni senador Roxas meron oligopoly o monopoly ang ating maitututring sa source o pinanggagalingan ng langis kung kayat hindi maaring umubra in its complete totality yung theory behind sa oil deregulation law na free competition talaga, papaano ka magkakaroon ng free competition at pinagkakaiba ng presyo kung ang pinagkukunan nila ay iisa lamang ang presyo. Pangalawa papaano ka magkakaroon ng pagkakaiba ng presyo dito kung kapagka mag-usap lamang yung tatlong dambuhalang kumpanya ng langis diktado na nila halos ang presyo sa 80% ng langis na ibinibenta sa ating bansa. May mga probisyon sa batas ng oil deregulation law para mapigilan ang monopoly at oligopoly pero gaya nga nang nasabi kanina hindi ito ipinapatupad. May penal clause nga wala namang pinaparusahan, may pede ngang ikaso wala namang kinakasuhan.

On oil smuggling, napakita ba na inept ang Customs, DOF...

Inept to begin with dahil pati sila hindi at their finger tips yung data, yung figures at yung records at kung tatanungin nyo hindi nila kayang i-compute backward o forward kung magkano ba talaga ang nawawala.

From January to September of 2007 pagtinanggal mo ang LPG dahil hindi naman binubuwisan ang LPG sa punto de vista ng BIR ayon sa DoE 11.1 milyon liters, kung idadagdag mo yung October, November, December tanggalin pa rin ang LPG by percentage aabot pa rin yan ng humigit-kumulang 13 bilyong litro na dapat binubuwisan dahil yun ang ginagamit sa dulo sa consumer point of view, sa punto de vista ng BIR 8.7 billion liters lamang ang kanilang nabubuwisan na kinikuha mula sa refineries. Sa punto de vista naman ng Customs ayon sa kanila himugit-kumulang 19 billion liters ang pumasok pero may mga kabilang doon at ang iba ay crude oil na 95 percent lamang ang nagagamit. Pagbabalik-baliktarin mo may nawawala at may diperensiya pa ring humigit-kumulang tatlo hanggang apat na bilyong litro na hindi naa-account ng DoF, kung saan napunta, kung bakit wala batas na binayaran at bakit nagamit dito ng walang record naman na yan ay pumasok.

That's how much?

At P4 billion assuming, iba-iba kasi yung presyo, kunyari i-base natin sa VAT, at VAT lamang ang pag-usapan natin ia-average of natin ng tatlong piso at 4 billion liters, that's P12 billion down the drain without even computing the excise tax, without even computing the tariff �. Income taxes pa rin pala�. Ang masakit dito hindi na nga nagbayad ng buwis, hindi na nga nagbayad ng taripa, binibenta pa rin sa presyo sa presyo na parang may taripa at parang may buwis.

On smuggling...may coordination daw (to curb oil smuggling)

Ang koordinasyon magsisimula lamang sa Pebrero kung ating iisispin, pitong taon nang nakaupo ang kasalukuayng administrasyon marami nang taon ang lumipas sa ilalim ng ibang administrasyon bakit ngayonlang ginagawa. Buti sana kugn ang smuggling ay inihuhulog sa dagat tapos sinisisid nila kinagabihan. Ang smuggling na nagaganap sa ating bansa na dumadaan mismo sa gate ng ating Bureau of Customs, dumadaan mismo sa gate ng mga ahensiya ng pamahalaan kung kayat imposibleng walang sabwatan, imposibleng walang collusion, ang tanong amang hanggang sa anong level.

We are referring to regulations office...

To oil regulation? Isa yun sa dapat tingnan at may mga panukalang batas na nakabinbin sa senado at Kamara kaugnay nyan pero ang isang soluyon sa smuggling kung maalis ang buwis, tulad ng nabanggit ng isang resource person kanina, bakit pa nga naman sila mag-ismuggle kung wala na namang buwis na binabayaran, eh di at least lahat dinedeklara at kapagka legal na dineklara ang suplay sa simpleng bata ng ekonomiya, supply and demand, mas maraming supply baka may pressure pa na bumaba ang presyo kung saka-sakali, naalis mo pa ang smuggling o pandaraya.

Kung walang buwis, kailangan pa ring i-regulate ang price...

Hindi nireregulate ang price sa ngayon ha under the oil deregulation law, kailangan pa bang i-regulate o hindi? Hindi ko masagot at kailangan sigurong pag-aralan nang husto ang bagay nay an matapos alisin ang lahat ng buwis, VAT lang ang pinag-uusapan natin dito, wala pa yung excise tax.

Is it premature to say that the oil deregulation experiment is a failure?

I've been against it from the start. (So tingin nyo failure siya?) tingin ko dapat may iba pang paraan at bagay pa na pedeng magawa ang gobyerno maliban dito para matiyak na tunay na bagay sa pangangailangan ng tao yung pagpipresyo ng produktong petrolyo

Yung inconsistent statement ng government agencies, ano yung implications non on EVAT suspension, will it strengthen in the sense na i-suspend yung EVAT...

Nong 10 percent pa lamang yung VAT effectively ang nakokolekta lamang ng BIR ay 60 percent o 6 percent, impact hindi na kailangan pang taasan ang VAT mula sa sampu hanggang 12 % kung kinokoleta lamang nila ng kabuuan yung VAT na dating nang pinapataw sa kung ano anumang produkto o serbisyo na pinatawan ng VAT sa ilalim ng batas. Pinapakita nito na kung may pagtutol man sila sa panukalang batas, hindi nakabase sa raw data at actual na facts ang kanilang pagtutol dahil sila mismo ay tila nagkakabuhol-buhol ang numero.

News Latest News Feed