Press Release
January 23, 2008

Transcript of Press Conference with Senate President Manny Villar and Former Pres. Joseph Estrada in Bataan

Q: Ang UNO po ba ay talagang desidido na na ang aming kababayan ang maging standard bearer?

Ernesto Maceda: Gaya ng pahayag ni Pres. Erap, magkakaroon pa ng proseso dahil sa totoo lang, anim ang uma-aspire na kandidato ng oposisyon. Magkakaroon ng proseso kung paano magagawa na pagkaisahin ang mga kandidato. Of course, isa sa mga pinakaleading diyan ay si Manny Villar.

SP Manny Villar: To be fair dito po sa ating bisita, huwag naman muna nating pag-usapan ang 2010. There are many issues na ang ating pangulo ay nahahandang sagutin. To be fair with him, huwag na muna ang tanong na iyon.

Gov. Tet Garcia: Tungkol sa tanong, siguro natutunghayan natin sa CNN at iba pang international television network na meron ding eleksyon na gagawin sa Estados Unidos at ito ay dumadaan sa napakaraming proseso. Napakaraming primaries na ginagawa sa napakaraming states. Iyan ang ginagawa para mapili ang kandidato ng bawat partido sa Amerika. Siguro iyan ang sinasabi natin na dito, iyon din ang susundin.

Q: Former Pres. Erap, hindi ho ba action speaks louder than words, at sa mga pagsasalita po ninyo, napakaraming beses ninyong pinuri si Manny Villar. Ibig sabihin po ba noon, and in these large gathering of crowds, you wouldn't dare take along somebody na alam ninyong presidential aspirant kung hindi siya ang makakakuha ng inyong basbas?

Pres. Estrada: Ginigipit mo naman ako. Iniipit mo ako. I can give you the right answer as of now. I cannot endorse anybody yet in fairness to other presidential aspirants. Lima sila sa oposisyon na presidential aspirants so kailangan para walang samaan ng loob, may proseso para magkaisa nga. Iyan ang pinipilit natin, isa lang ang kandidato ng oposisyon. Kung mapipili si Senate President Villar, lalong mabuti. Pero hindi ako nagdidikta kung sino ang magiging kandidato ng oposisyon. May proseso iyan, hindi lang ako.

Q: Pero iyon ho bang ibang aspirants, isasama rin ninyo sa mga ganito kalaki na pagtitipon?

Pres. Estrada: Sa kanilang mga lugar, sasama ako.

Ernie Maceda: Gaya ng sinabi ni Pres. Erap sa Kapihan, kailangan ma-determine who has the biggest chances of winning and that can only be determined by a series of surveys three times in 2009 to begin with.

Q: Kay SP Villar, kanina ho sa Dinalupihan, sinabi ninyo na nanghihinayang kayo at medyo naputulan ng pagseserbisyo si Pres. Erap.

SP Manny Villar: It is very clear na naputol naman ang pamumuno ng ating Pang. Erap Estrada. Iyong kanyang adhikain na makatulong sa mahihirap ay naputol din. Sayang naman, nawalan ng tatlong taon na sana ay mas maraming nagawa para sa ating mahihirap. That's what I mean.

Q: Nagsisisi rin ho kayo sa nangyari noon?

SP Manny Villar: Iyan ay isang proseso. Sabi ko nga, iyang impeachment ay isang bagay na nasa sistema natin at hindi nangangahulugan iyan na convicted ang pangulo. Ang impeachment ay ipinapanhik mo lamang sa Senado iyon para doon pag-usapan. Kaya nga lamang ay nagkagulo at nag-walkout at hindi nagkaroon ng pagkakataon ang Pang. Estrada na ipagtanggol ang kanyang sarili doon.

Q: Kay Pangulo ho, tungkol ho naman sa pagkaputol ng inyong panunungkulan, meron ba kayong balakin na ipagpatuloy ito?

Pres. Estrada: Alam mo noon, wala akong kinausap kahit na sinong mga congressmen para huwag ituloy ang impeachment. Iyon ay nasa proseso ng ating Saligang Batas kaya handa akong harapin lahat iyong mga charges sa akin sa impeachment trial court sa Senado. Doon pinakita lahat, pinalabas lahat ang mga prosecution witnesses. Pagkatapos ng mga palabas, pinipilit pabuksan pati iyong second envelope na hindi kasama sa charges. Sa madaling salita, kaya nag-walkout. Alam mo, hindi ko nadepensa ang aking sarili. Ang nakakapagsalita lang doon iyong mga testigo ng prosecution. May kasabihan nga, any man accused must be given a day in court. Ako ay hindi binigyan ng pagkakataon na idipensa ang sarili ko. Sila ang nag-walkout. Kaya sabi ng chairman ng Constitutional Commission ng 1987 na si late Justice Cecilia Muñoz Palma, "when the impeachment trial of Pres. Joseph Ejercito Estrada was unceremoniously disrupted and discontinued and the issues were brought to the parliament of the street, the rule of law was set aside and the rule of force prevailed."

Q: Dito sa nangyari sa Bataan, nagkasama-sama ho sina Tet (Garcia), si Tong (Payumo)... Palagay ho ba ninyo, mangyayari rin ito sa ibang mga probinsya sa inyong pamumuno?

Pres. Erap Estrada: Pinipilit nating mangyari dahil sa hindi lang naman kami ang napipinsala diyan kung masyadong mainit ang pulitika, dahil baka may patayan. Pero kung maaayos natin, maaayos din ang kapakanan ng nakararaming mga kababayan. Kasi kung magkagalit na ganoon, may kanya-kanyang paksyon, iyong isa napapaboran, iyong isa naaapi. Pero kung magkakasundo ang mga lider dito sa lalawigan ng Bataan, palagay ko lalong uunlad ang Bataan.

Ernie Maceda: I think following your question, the stature and influence of Pres. Erap, especially augmented by Senate Pres. Villar, they make a formidable team that will be able to get warring political factions to unite. That has been shown here in Bataan. I think it can be done in other places. As regards to your earlier question, as one of those planning this trip, yes, we intend to invite the others. In fact, we have invited the other candidates. But it is to the credit of Manny Villar na sa mga inimbita namin, siya pa lang ang unang tumango na sumama sa aming biyahe.

Q: To Pres. Erap, you mentioned na merong proseso ang pagpili ng kandidato for 2010. LAKAS reiterated today na mahihirapan daw po kayong makapili ng isang solid na candidate ng opposition dahil hindi daw po kayo united.

Pres. Estrada: Totoo iyon, mahihirapan kami dahil sa marami kaming kandidatong pwedeng mag-presidente. Sila wala kaya wala silang hirap. Baka kumuha pa sila sa amin.

Q: Ano po ba ang mga criteria ninyo in choosing your candidate?

Pres. Estrada: Ang aking sinabi bago makapili, mga one year before magkakaroon ng tatlong survey. Syempre, ang akin, sa sarili ko, hindi naman ako mamimili. Para merong counsel of leaders. Hindi lang ako.

Q: Pero wala kayong personal criteria?

Pres. Estrada: Ang aking criteria sa kandidato ng pagkapangulo ay iyong talagang pro-poor sa puso't damdamin. Hindi lang in words, but in action. At saka, number two, iyong (ipagpapatuloy ang) aking crusade against corruption. Iyon lang dalawang iyon ayos na sa akin ang criteria na iyan.

Ernie Maceda: If I may add, this is my personal opinion. As one who was a fish vendor at nagtrabaho sa gravel and sand, definitely Manny Villar passes the test of being pro-poor.

Q: To Governor Garcia, you are allied with the administration, ano po ba ang ibig sabihin ng pagpapakita ninyo ngayon with Pres. Erap?

Gov. Garcia: Ang isa ngang itinutulak natin dito ay iyong pagkakaisa-isa. At bilang governor, ang pupunta dito ay ang dating presidente. Siguro it demands na bilang gobernador ay ako mismo ang sumalubong sa dati nating naging pangulo na sinuportahan naman gaya nga ng sinabi kanina sa marami niyang pagkandidato, una senator, sumunod as vice president and then noong 1998, as president. Kaya siguro part ng ating katungkulan ang formally na salubungin ang sinumang mga dignitaries na gustong pumunta sa lalawigan ng Bataan. This is not partisan itong aspetong ito.

Ernie Maceda: For your background, in 1992, the candidate who won here was Danding Cojuangco against the administration candidate Fidel Ramos. Of course in 1998, Erap won by landslide with a bigger margin than FPJ who won 2 to 1 in 2004. So Bataan has always been an opposition territory. That is one reason also why we came here.

Q: Kay Gov. Garcia, nagbati na ba talaga kayo ni Tong Payumo?

Gov. Garcia: In short, may kasabihan, ang eleksyon isang araw lamang iyan. Kung talagang tutuusin, kung ang ating damdamin at puso ay para matulungan ang ating mga constituencies, dapat magkatulong-tulong sapagkat kapag disunited ang isang lugar, hindi natin mama-maximnize iyong gusto nating gawing kabutihan sa isang lugar. Ito ay nakikita sa napakaraming lugar, napakaraming bansa, more than iyong mga nangyayari sa atin, meron pa doong mga civil strifes. Hindi na pinag-uusapan sino ba tama sino ba mali dito sa alitan ng mga paksyon sa isang lugar. Ang bottom line, ang nagsa-suffer ay iyong bayan, ang nagsa-suffer ay iyong mga tao lalo na iyong mga very vulnerable sa mga pagkakataong ito, iyong mga mahihirap.

Q: Kay Sen. Maceda, bukod kay Cong. Remulla and Guingona, sinu-sino pa po iyong kino-consider ninyo as senatorial candidates?

Ernie Maceda: Napakarami ring gustong tumakbo. Kung babasahin mo iyong ni-release nila ngayong mga kandidato nilang mga senador, palagay ko walang mananalo doon sa Lakas. Dito sa amin, unang-una, si Jinggoy he may be a reelectionist. Si Jamby, probably be a reelectionist. Of course these two are also vice presidential aspirants. Then, you have Adel Tamano, you have TG Guingona, you have Gilbert Remulla. At iyong mga inalok naming last time na tumanggi ngayon gusto na yatang tumakbo. Among them the likes of Randy David and Dinky Soliman, that group from the civil society. Napakarami ng gustong kumandidato sa oposisyon. That will be the other problem. I estimate that there could be as many as 40 applicants to run as senator. However, that problem will solve itself if there will be more than one candidate, there will be several senatorial tickets.

Q: Kay SP Villar at Pres. Erap, ano po ang pananaw ninyo doon sa panibagong hakbang ng administrasyon ng ULAP na isulong iyong people's initiative to change the Constitution o gawing parliamentary form ang ating gobyerno?

Pres. Erap: Alam mo para sa aking sariling pananaw, iyan ay hindi dapat mangyari ngayon. Kung meron mang changes sa ating Saligang Batas, kailangan after 2010. Tututol ako sa anumang klaseng pagpapalit ng ating saligang batas o amyendahan sa ngayon. After 2010.

SP Manny Villar: Ang problema kasi iyong credibility ng gagawing proseso dahilan sa maaari talagang ito ay magamit lamang sa pagpapahaba ng term, ng ating pangulo. Ang sa akin lang naman kasi, siguraduhin lang natin na tumatakbo nang maayos ang sistema at sa 2010 ay magkakaroon tayo ng maayos na pagpapalit ng pamahalaan. Diyan kung anuman ang sistema ay pwedeng patakbuhin naman para baguhin ang ating Konstitusyon sa mga darating na panahon. Subalit any attempt to change the Constitution now will be interpreted as a means to extend one's term kaya hindi magandang panawagan siguro iyan.

Q: Kay Pres. Erap, hanggang ngayon po ba wala na kayong hinanakit o sama ng loob kay SP Villar?

Pres. Erap: Noong umpisa pa naman wala akong hinanakit. Magkasama kami.

Q: Handa kayong suportahan siya for 2010?

Pres. Erap: Kung siya ang mapipili.

News Latest News Feed