Press Release
January 28, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

On recent appointments in the government:

MAR: Natutuwa ako sa appointment ni Justice Melo bilang Chairman ng Comelec. Maganda ang record ni Justice Melo, ang kanyang integridad, at ang kanyang independence bilang isang member ng judiciary is very well established. Lalo pang tumaas ang aking respeto kay Justice Melo noong pumayag siya na hindi siya uupo hanggang ma-kumpirma siya ng Commission on Appointments. Nagpapakita ito na binibigyan niyang halaga ang separation of powers dito. Kaya para sa akin, very favorable para sa electoral reforms ang appointment ni Justice Melo.

Hindi ko alam kung sino nag-recommend sa kanya, pero kung sino man ang nag-recommend, ang importante rito ay yung track record. There is a lifetime history of work that Justice Melo has worked on, and it's on public record, lalung-lalo na yung trabaho niya sa Melo Commission, na tinalakay niya ang isang mahirap at masalimuot na bagay at nakita doon ang kanyang independence, ang kanyang competence at yung kanyang integridad.

Q: How about the term extension for Chief of Staff Esperon?

MAR: Para sa akin, hindi maganda ang pag-extend ng term ni General Esperon. Nagiging corrosive ito sa morale at sa professionalism ng ating Armed Forces of the Philippines. Parang sinabi ng Pangulo na si General Esperon lamang ang makakagawa ng trabahong ito doon sa loob ng apat na buwan na hindi magawa ng ibang mga competent professional at senior na heneral ng Armed Forces of the Philippines. Mas malaking goal dito ang katatagan, ang professionalism ng ating Armed Forces, and having extensions beyond the retirement date is negative to us.

On NBN hearings:

Q: Kaya pa bang mag-hearing uli ang Senate?

MAR: Palagay ko naman ang mga chairman, sina Chairman Cayetano, Chairman Biazon and myself ay magpupulong kung may mangyayari pa ban a substantive dito sa ZTE. I think the issues are well-established, at least for our committee on trade and commerce, na ang ZTE project ay hindi napapanahon, hindi natin kailangan, at overpriced. Doon naman sa malfeasance at ang ibang mga issues, maaari na ang Blue Ribbon Committee ang magpapatawag.

Q: Will the joint committee cite Sec. Neri for contempt?

MAR: I would be in favor of citing Secretary Neri in contempt. In fact, Senator Noynoy Aquino and I filed a petition with the Supreme Court to establish, ano ba talaga itong executive privilege na ito na ginagamit para hindi humarap sa Kongreso, sa Senado, itong mga matataas na opisyal ng pamahalaan. Itong executive privilege ay naaabuso, na kung saan may gustong itago o kung may ayaw ipakita sa sambayanan, gagamitin ito. So we have a pleading with the Supreme Court para maging malinaw kung kailan lamang magagamit itong executive privilege. I'm for transparency, and anything other than what was set forth by the Supreme Court in its earlier ruling, tungkol sa national security, o tungkol sa ongoing military operations o kaya diplomatic considerations, lahat dapat ay nasa public domain, lahat dapat ay public information, at sa ganoon, alam ni Juan de la Cruz kung ano ang nangyayari, at ano ang mga desisyon na isinasagawa sa pamahalaan.

On the Quality Affordable Medicines bill:

Q: Are you meeting tomorrow for the bicam?

MAR: Hindi ko alam kung ito yung bicam pero siguro pre-bicam yung meeting bukas, kung saan pag-uusapan kung ano talaga ang proseso na gaganapin dito.

Q: Are you okay with the price board and the Generics Law amendments?

MAR: As you know, the Senate does not have a mandatory generics clause. Malinaw na tinalakay sa committee iyan, ang sabi ng Senado, dapat nasa doctor yung ultimate decision kung ano ang dapat i-prescribe sa kanilang mga pasyente. Pangalawa, doon naman sa price control, ang stand naman ng Senado ay kung mayroon ngang price control, dapat may accountability at dapat may direct decisions, kaya ang aming pinapaboran ang Secretary of Health at Pangulo mismo. Ayaw namin itong mga board, nameless, faceless, na uupo diyan ay political appointees na wala namang pananagutan sa ating mga mamamayan. Malaki ang mga desisyon na ito, at napakaloob sa Department of Health at sa Pangulo na siyang tumanggap ng mandato sa tao ang desisyon na ito. Kaya gusto namin sa kanila ang desisyon.

Q: Have you resolved that with your House counterparts?

MAR: That's part of the discussion tomorrow.

News Latest News Feed