Press Release
January 28, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- Senate reporters

Q: Kumpiyansya ba kayo na malinis ang eleksyon sa 2010 with Melo's appointment?

SPMBV: Palagay ko naman, pero hindi natin masasagot iyan kung magiging malinis ang 2010 elections. Si Justice Melo ay isa lamang sa mga commissioners at marami pang dapat gawin sa sistema. Dadaan naman sa Commission on Appointments si Justice Melo. Doon magkakaroon kami ng pagkakataon na masuri ang kanyang background at kakakayahan para lutasin ang problema at baguhin ang image ng ating Comelec.

Q: Pero considering na close siya kay PGMA...

SPMBV: Depende na sa tao iyan. Sa CA kasi kanya-kanyang desisyon iyan. Kami naman ay nagbo-voting lamang diyan. May mga senador at congressman na iku-consider ang kanyang pagiging malapit kay GMA, meron din namang iba na hindi. Bahala sila. Ang titingnan lang natin kung higit na nakararami sa mga miyembro ng CA ang papayag, makakalusot si Justice Melo.

Q: Pero kayo personally, okay ang appointment niya?

SPMBV: Sa akin, bibigyan ko ng pagkakataon si Justice Melo. Iyan ay justice ng Supreme Court dati. Malaking bagay iyan. Ayoko namang husgahan muna siya hangga't hindi ko nakikita iyong kanyang background. Hihintayin ko muna ang meeting ng CA para sa bagay na iyan.

Q: Are you saying na it's a walk in the park?

SPMBV: Hindi ko sinasabi iyan. Ang sabi ko nga, bibigyan ko muna ng open mind si Justice Melo. Titingnan ko muna iyong kanyang mga isa-submit. I cannot speak for the other senators or congressmen.

Q: Dumating na ba ang appointment dito sa CA?

SPMBV: Wala pa kaming natatanggap kay Justice Melo. Nandito pa lamang kami kay Commissioner Macarambon. Iyan pa lamang ang nakasalang sa CA. Wala pa si Justice Melo.

Q: Kumusta na ang budget?

SPMBV: Ang budget ay pinag-uusapan na lang ng mga miyembro ng oposisyon. May mga nililiwanag lang sila. Palagay ko naman naipaliwanag nang husto ng ating chairman at wala naman akong nakikitang problema doon.

Q: Ano ang napag-usapan ninyo sa caucus?

SPMBV: Niliwanag lang iyong ibang mga bagay sa budget.

Q: Ano po ang inaasahan natin sa pagbubukas ng sesyon?

SPMBV: Ang uunahin natin sa opening ng sesyon ay iyong mga panukala na naipasa na noon pero nag-bicameral conference noong bakasyon. Titingnan natin ang report ng mga chairman. Kung tapos na ay ira-ratify na natin. Iyong mga hindi pa nakakatapos, hihingan ko lang ng paliwanag kung ano ang kadahilanan at kung makakatulong tayo. Syempre mahalaga na iyong apat na iyon ay maging batas na. Iyon ang bibigyan namin ng prayoridad. Kung magkakaproblema, doon lamang kami tatalakay ng bago pang mga panukala.

News Latest News Feed