Press Release
January 31, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar at
Kapihan sa Senado

Q: Sir paano ise-serve yung arrest warrant kay mr neri

Spmbv: well, ginagawa natin ang tungkulin natin bilang pangulo ng senado at ang senado naman ay hindi papayag na ganun-ganunin na lamang ang tungkulin na ibinigay sa amin ng konstitusyon at yan ay nahahanda kaming ipatupad, alam namin na hindi magiging madali yan lalung lalo na kung itatago ng armed forces si secretary neri subalit hindi mapipigil yan maging ang pag-iisyu ng arrest order. Nakapag-isyu na kami at yan ay ibinigay na sa aming sergeant at arms na sa aking report ay nakapag-form na ng dalawang teams para mag-implement ng order. Nais kong ulitin na ang hangarin natin dito ay hindi naman para magkulong ng tao kung hindi para sila ay mag-appear lamang sa hearing ng senado. Ang mahalaga lang sa atin ay sila ay umattend ng hearing at sabihin yung kanilang nalalaman sa isyu ng ZTE NBN. Yun ang nakikita ko na hangarin natin, wala ng iba.

Q: eo 464

Spmbv: well ito ay isang isyu na eventually babagsak din sa korte yan. Ginagawa nila ang kanilang tungkulin, ginagawa din namin ang aming tungkulin. Kami ay naniniwala na ito ay karapatan ng senado, nasa konstitusyon naman yan, nasa batas naman yan na pwede naming gawin ito. Kung papabayaan naman naming babastusin na lamang o babalewalain ang senado, mawawalan naman tayo ng isang mahalagang institusyon na ginawa sa ating konstitusyon.

Q: re arrest

Spmbv: ang katotohanan niyan napakahirap niyang discussin sa media and in public kung ano ang gagawin ng ating teams I don't think it is wise for them to be discussing the things they intend to do what they intend to implement the arrest order. Nevertheless hindi naman sila bago na sa trabaho na yan sila ay nahahandang ipatupad yan. Alam natin na mahihirapan sila kung saka-sakaling ang afp o ang pnp or ang psg ay hahadlang sa implementasyon o pagpapatupad ng batas. Diyan medyo mahirap, mahihirapan tayo diyan, magkakaroon ng problema. Subalit hindi naming pwedeng i-assume yan, kami ay gagawin lang namin ang aming tungkulin dito.

Q:

Spmbv: when there is an arrest order and ito nga ang isang mahalaga dito na, ang isa syempreng makaka-encourage sa atin na isyu na maipakita ay yung bagay na mayroong arrest order. Sapagkat ang arrest order na yan hindi naman mawawala yan ay nasasa kanila habang mayroong senado. So palagay ko naman ay hindi nila gugustuhin na mayroon silang valid and existing na arrest order for the rest of their lives. Kaya naniniwala ako na pag-iisipan din naman nila na magpakita na rin sa senado at magsabi ng kanilang nalalaman dito.

Q: malacañang

Spmbv: to be fair, at this point, I'm not sure whether the psg will interfere in the operation of the law. Ako ay naniniwala na hindi naman nila gagawin yan. Ang sinasabi ko lang is hypothetical situation kung saka-sakaling sila ay hahadlang sa pag-implementa ng isang valid na order.

Q: (inaudible)

Spmbv: if neri takes refuge, malaking problema yan at yan ay pag-uusapan namin. Yan ang sinasabi ko kanina, na in effect ay hahadlang ang psg sa implementasyon ng batas. Yan ay dapat din namang malaman ng psg na ang hinahadlangan nila ay ang implementasyon ng batas.

Q: may talagang itinatago ang malacañang

Spmbv: posible sapagkat kung itatago nila si sec neri at kung sino man, si mr. lozada, ay talagang may itinatago sila. Wala naman talagang masama na pabayaan nila itong dalawa na magsalita ng kanilang nalalaman sa palagay ko naman hindi naman dapat pigilan kasi itong dalawa na ito sa pagsasabi ng kanilang mga nalalaman.

Q: kung hindi makukuha ngayon si sec neri, will you not give him a deadline

Spmbv: hindi, wala ngang deadline yan dahil kung hindi makukuha, hindi makuha. Ibig sabihin, talagang nagtatago at pinoprotektahan. Iyan lamang dalawang assumptions ang pwede mong gawin diyan kung hindi mo siya makukuha.

Q: will you consider him a fugitive

Spmbv: parang ganon, kasi may arrest order ka at nagtatago ka. Of course yan namang mga bagay na yan pagka ganito kaaga ay iaassume mo muna na mayroon lang confusion at nag-aayos pa yan sa mga abugado nila. Ang sa akin naman ako ay nahahandang ayusin ito ng mahusay kung sila naman ay mag-aappear ay pwedeng ischedule kaagad ang hearing para hindi naman sila kailangang makulong dito sa senado. At pagdating nila dito we will try to convene the committee ng blue ribbon para hindi naman sila magtagal dito. Kasi kung sila ay mag-aappear sa blue ribbon hearing, wala ng problema.

Q: basta ganun ho ba yon, pag nag-signify silang mag-aappear lifted kaagad ang ano...

Spmbv: kung maniniwala naman tayo, kasi yung mere statement na mag-aappear kailangang liwanagin kung kelan, at maliwanag kung anong oras, etc. Maaring hindi na tayo maghigpit don at kung sa lalong madaling panahon pero palagay ko ay hanggat hindi naman winiwidraw naming yung order ay patuloy naman ang ating sergeant at arms sa paghanap sa kanila.

Q: halimbawa, nag-signify to appear to invoke executive privilege

Spmbv: iba na yan pwede ring mawala na ang arrest order kasi siya ay dumating na dito. Yung executive privilege ay isang bagay na ni-re-recognize n gating supreme court at depende sa kanyang itatangging sabihin, maaring siya ay may karapatan. At all times, we will be governed by the law, kami ay susunod kung ano ang batas sa ngayon.

Q: ano ang implication ng case ni neri sa supreme court, mayroon na siyang ifi-nile na kaso

Spmbv: well wala naman kaming natatanggap na order from the supreme court stopping us, wala pa naman, although yung letter ni sec neri ay yan naman ay ipapadala ko sa mga miyembro ng komite para mabasa naman nila yung side ni sec neri on this issue but until such time that the arrest order is lifted, okay pa rin yun. Valid pa din, yun, nevertheless, yung letter na pinadala ni sec neri sa committee, sa chairman ng committee at sa senado yan ay ididistribute ko sa lahat ng senador para mabasa naman nila yung punto ni sec neri. Sa akin naman, kung maaaresto sila ang senado naman ay bibigyan sila ng kortesiya at hindi naman sila ituturing na parang fugitive, hindi naman. Pagdating sa senado, I will first see to it na maayos ang kanilang kalagayan to the point of even letting them use some of the facilities of the senate.

Q: imbitasyon kay sen kiko Pangilinan to join the NP

Spmbv: hindi ko iniimbita sa kiko ang sinasabi ko ay welcome. Iba naman ang pag-imbita, iba naman yung he is welcome. Kasi ako ay naniniwala na hindi ako dapat makialam sa internal problems ng liberal party at hanggang ngayon naniniwala pa rin ako na yan ay problema ng liberal party at hindi ako dapat makialam diyan. Kaya lamang ako ay natanong kahapon kung sasali ba si kiko sa Nacionalista party siya ba ay welcome. Siyempre naman, si senator Pangilinan is an asset to any party and the Nacionalista is prepared to give him a mega welcome.

Q: is he not really closer to you, to the Wednesday group... among the Liberal bloc, sya lang ang sumali sa majority

Spmbv: well ang senado alam naman natin na indibidwal ang mga pag-decide diyan at diyan ay hindi ko alam kung gumawa ng official position ang liberal party, hindi natin nalalaman yan.

Again, I reiterate my statement that I do not want to interfere in the internal politics in the liberal party. Im sure alam naman nila ang ginagawa nila.

Q: is he vp material

Spmbv: he is a presidential material. Marami namang presidential material, yung iba, maski nasa isipan lang nila.

Q: jpepa

Spmbv: I do not know, I honestly do not know, hindi ko alam kung ano ang gagawin ng ating chairman, I understand the one in charge now is senator roxas, i really havent heard from him. Ako naman kasi ang style ko kasi kung ano ang gusto ng mga chairman yun ang nasusunod.

Q: jpepa

Spmbv: ako sa nakikita ko ngayon, hindi ako boboto for jpepa pero nevertheless sana kung may makikita akong side agreement at maso-solve yung mga defects ng jpepa, baka bumoto rin ako doon. Pero sa ngayon as it is now hindi ako payag sa jpepa.

Q: anong reservations niyo

Spmbv: well hindi pa maliwanag sa akin yung toxic waste issue. Kailangan liwanagin pa din yon. Kung maliliwanagan na iyan, dun pa lang magbabago ang aking isipan. Yan ay personal ko, sa senado, i cannot speak for the other senators.

Q: what should the side agreement that you are looking for contain

Spmbv: kasi nasa listahan ng mga diniscuss dun yung mga toxic waste, nagtataka nga ako na kung sinasabi ng japan na hindi sila mag-eexport dito, sinasabi naman nating hindi tayo mag-iimport nun, eh bakit nandun sa listahan yun? Yun lang naman ang aking concern.

Q: I remember that you wrote a letter noon to malacanang regarding jpepa and toxic waste, nakatanggap na po ba kayo ng reply

Spmbv: hindi derecho eh. Wala akong natatanggap. Although there have been attempts to explain to us and assure us na wala namang plano talaga na mag-export dito and wala naman tayong planong mag-import, nevertheless gusto kong makasiguro, dahil nandun nga kasi sa treaty, na talagang hindi mangyayari yun.

Q: do you think jpepa is an issue of 2010

Spmbv: well ganyan naman kami sa senado lahat. In fairness to the senators, kami naman ay nagde-decide base sa aming prinsipyo at ginagalang ko din ang magiging desisyon ng sino mang senador, even senator miriam or senator roxas ay igagalang ko ang kanilang desisyon. And even myself. Ganyan naman ako sa senado, bawat desisyon ng bawat senador, kanya kanya ng paninindigan.

Q: your counterpart in the house is beleaguered with so many threats, is the senate rid of such threats to your position

Spmbv: ang threats sa position will always be there. The nature of the organization. Ang senado at house, walang fixed term ang head niyan, kaya anytime na ang leader ay wala ng suporta ng mayorya ay hindi na siya leader at magkakaroon ng pagbabago. Kaya yan ang kaibahan ng legislative se executive na mayroong fixed term. Dito sa, yun talaga, wala kang magagawa diyan, pag ikaw ang presidente ng senado o speaker of the house, kasama na yan sa pwesto mo, that anytime, you can be removed if you no longer have the support of the majority of your colleagues.

Q: pero sir yung rambling sa house is totally loud and visible, sa senate ho ba...

Spmbv: tinatanong mo ko, eh di hindi siguro masyadong loud and visible. Hindi mo nakikita (laughs) Sa palagay ko wala naman.

Q:

Spmbv: ang mahirap kasi minsan umaasa lang kami sa dyaryo, minsan ay may moves, the following day walang move, and the next day may move...

Q: how is the alliance bet nacionalista and the speaker of the house

Spmbv: very strong. (What could weaken this alliance?) wala akong nakikita ngayon.

Q:

 Spmbv: pagka nakialam ang presidente diyan, the odds should be against the speaker. If the president will interfere, the odds will be heavily against the speaker.

Q: May kinalaman kaya ang disclosures ni Joey DV

Spmbv: I would not know. I would not know the motives, I wouldnt know if there is truth to this, the president is moving against the speaker, im not sure about it. I dont want to hazard a guess, im just saying that if the president interferes, the speaker will have a big problem.

Q: do you think the president has given the go-signal

Spmbv: one thing is clear: there are still movements. I mean people are still talking. The congressmen are still talking to one another, meaning, there is no clear instruction to stop. The thing is i dont know if there is a clear instruction to go ahead. But i dont think there is a clear-cut instruction to stop.

Q: signal?

Spmbv: the congressmen would know. The congressmen have a way of knowing whether a signal has been given. (Q:) basta mabubuo yang bigla, basta maramdaman ng congressman that the signal is there. It could come from the body language of the president, it could come from the people around the president, it could come from other things.

Q: itutuloy nila ang pag-oust kay jdv despite pronouncements from malacañang

Spmbv: the pronouncements are just in the newspapers and im not even sure where they are coming from. (Q: Kay ermita) I'm not even sure about that. Baka from your friends here. We dont know. Pagka kasi may article sa media, hindi mo naman alam kung sino ang author. Sources eh. Hindi mo alam kung sino ang sources. Baka si toby yon. Normally pagka may nabasa ka sa diyaryo, may sources, hindi mo alam kung sino ang source, whether it really is from the president herself, or sec ermita or it is just a press release.

Q: you're a finance man yourself, what do you think of this economic stimulus, na kinopya ni salceda?

Spmbv: i do not know why we are acting as if we are going to have a recession. I know that the US has this stimulus package because they are trying to avoid the recession. Medyo malaki ang problema nila at iniiwasan nila na magkaroon ng recession. Pero sa atin naman hindi natin inaasahan na magkaroon tayo ng recession, baka medyo OA ito, kailangang bantayan nating mabuti ito, baka magkaroon na naman ng spending spree. And sabi ko nga, dito sa halaga na ito, bagamat may overlap yan, nakikita ko yung ibang component ng package na yon, ay gagawin naman talaga ke may stimulus package o wala, pero yung karagdagan gusto ko na ito ay pag-aralan muna at baka yan ay dadaan muna sa budget yan. Kailangan ng appropriation cover. Sa akin dapat hinay hinay tayo rito hindi naman tayo kagaya ng amerika na umiiwas sa recession, sa aking palagay ngayon, wala akong nakikitang signs na tayo ay magkaka recession at baka tayo mag-overreact, lalo tayong magkaroon ng recession.

Q: experts say its just a slowdown of the economy... If a recession does happen, ang effect daw niyan, it takes two to three months before we feel it.

Spmbv: well sa ngayon, iniiwasan nila ang mahirap nga baka tayo ang magka recession sa pag-iwas sa isang bagay na hindi naman darating. Baka ang mangyari sa ating pag-anticipate ng recession sa amerika, ay tayo ang magka recession, sila wala. Sa aking palagay, paghandaan natin, i reserba natin ang magagawa natin, mayroon tayong sapat na magagawa para maiwasan yan, pero hindi tayo dapat na nag-papanic, relax lang tayo.

Q: price of oil, what is your inkling on the proposal of several of your colleagues to suspend the evat at least on oil products

Spmbv: ang sa akin kasi kung iyang pag-sususpend sa vat malaki ang tama sa ating revenue collection kaya kung talagang tutulong tayo sa mahirap dapat specific ang ating proposal na talagang mahirap lamang ang ating matutulungan. Yung mga mayayaman naman at may kaya hindi na kailangan tulungan ang sektor na yan sapagkat malaki talaga ang tama sa ating ekonomiya, lalong lalo ngayon, tinitingnan ng ating foreign creditors at investors sa buong mundo kung paano tayo gagalaw sa isang krisis na ganito, kung tayoy gagalaw na matatag, o para tayong nerbyoso. Kinakailangan sa mga panahon ngayon ay hindi tayo masyadong nerbyoso sa mga galaw, kailangang ipakita natin na alam natin ang mga ginagawa natin at hindi tayo dapat nerbiyosin talaga.

Q: if it hits the $100 mark again..

Spmbv: kasi pagka nagka recession sa amerika, malamang bababa naman yan. Kaya nga sa ngayon nasa 90 na, kontrapelo kasi yan, pagka magkakaroon ng recession, bababa ang presyo ng langis, pagka walang recession, dun tataas. Kaya ngayon, tingnan muna natin, kasi baka naman bumaba pa ang presyo ng langis.

Spmbv: yung sa kuryente, magandang tingnan yun, sapagkat sa kuryente, yung pagsuspend sa vat sa kuryente. Magandang tingnan yan, dahil dun madedefine mo yung maliit lang ang konsumo na pwede mong alisan ng vat. Kaya kung gusto mong yung mahihirap lamang ang tulungan, pagka sinuspend mo yung vat dun sa mura lang, yung mura ang konsumo, talagang sigurado ka na mahirap lang ang tutulungan ng gobyerno. So hindi maaapektuhan ang ating ekonomiya, ang pananalapi natin, at the same time, ang mahihirap ay matutulungan natin.

Q: is there any way na maaidentify natin...

Spmbv: pwede rin naman sa pamamagitan ng pag-iisue ng coupon kung halimbawa ang gobyerno ay mag susubsidize instead of lifting the vat. Pag mag susubsidize ka lang, mag-iissue ka ng coupon dun sa mismong ginagamit lang ng mahihirap na vehicles. Parang pantulong, discount sa kanila. Madali namang gawin yan, the thing is ibibigay mo lang ang coupon na yun dun sa talagang ginagamit na parang mass transit at ng mahihirap. Subsidy, instead of lifting the vat from oil. Nevertheless, ang kailangang gawin dito ay siguraduhin lang ang mahihirap ang magbebenefit dahil kung masyadong malaki ang tatanggalin sa vat, baka hindi makaya ng ating ekonomiya lalong lalo na sa oras ngayon na meron tayong krisis na pwedeng abutin pagka nagkaroon ng krisis sa abroad at lalong lalo na ngayon na pinapanood tayo kung papano tayo gagalaw sa mga pagkakataong ito. Pagka tayo nagpakita na para tayong nerbyoso na hindi natin alam ang gagawin then hindi magandang image yan dapat talagang ipakita natin na we know what we are doing as a matter of fact sa tingin ko wala naman masyadong dapat ikabahala, intindihin lang natin ang mga mahihirap, okay tayo.

Q: I think this means you'd favor the enrile proposal...

Spmbv: maliit ang impact nun kasi maliit ang epekto sa ating pananalapi, at the same time ang ating objective na matulungan ang mga mahihirap, matutupad natin. So mas precise yung gamot na iinumin mo. Kasi kung yun lang naman ang sakit mo hindi naman kailangan lahat ng gamot inumin mo. Kailangan lang partikular kung san ang sakit yun ang gamot.

Q: The President will veto the line-item in the budget on debt servicing

SPMBV: Titingnan muna natin. Sa akin kasi, talagang may posibilidad hindi lamang iyan. May mga bini-veto talaga ang Malcañang. Sa akin, wala naman akong nakikitang problema kung talagang matibay ang paniniwala ng mga senador na tama iyan, puwede naman din kaming mag-consider na mag-override. Hindi ko lang alam kung ang House sasama. But I think walang masama na paminsa-minsan nago-override tayo ng veto.

Q: Ano ang mangyayari doon sa nai-distribute?

SPMBV: Iyong pagputol sa debt service, iyon ang source. Hindi naman nagbabago ang appropriation, provided walang increase sa over-all. Kasi kapag nag-increase and over-all budget hindi puwede. Provided that it is within the budget, walang increase ang total. Magi-increase lang ang deficit mo.

The President in making such a veto would know, and would be sure that the veto will be done na hindi maaapektuhan ang budget as a whole. Kasi merong restrictions iyan. Kami kasi we can only realign, we cannot increase. For so long as there will not be an increase in the total, kasi yong original nilang sinabmit merong total diba? We are not allowed to exceed the total. But kapag ire-rearrange mo lang, puwede sa amin. Kaya pwedeng ire-arrange mo lang.

Q: What will be the procedure for the override?

SPMBV: Two-thirds vote of both chambers. With the two-thirds vote that we will override the President's veto, balik iyong nai-veto.

Q: Nagkaroon na ba ng instance na may na-override ang Congress na veto?

SPMBV: I don't know exactly pero wala naman akong nakikitang mali sa first time. Ang House siguradong mahihirapan na mag-override. Sa Senado, numbers game iyan so two-thirds is 16.

News Latest News Feed