Press Release
February 1, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- DZXL-RMN with Erwin Tulfo and Doris Bigornia

Q: Ang sabi ni secretary apostol i-withdraw nyo muna ang warrant bago namin ilabas si Sec Neri...

SPMBV: Ito ay isang bagay na sa senado ay magagawa lamang ng komite at ng buong senado at sa pasukan pa yan. At dito kasi naniniwala ang senado na tama kami at sa aming palagay ay ginagawa lang namin ang aming tungkulin at yan ay iimplementa namin. May pagkakataon pa naman si sec neri na tumungo dito sa senado at ipapatawag ko agad ang komite para hindi naman siya ma-detain ng matagal.

Q: Pugante na po si Neri?

SPMBV: Well, hinahanap na siya, pagka ganyang meron ng arrest order syempre wanted ka na.

Q: Sinong huhuli?

SPMBV: Ang nag-iimplementa ng pagbibigay ng warrant ay yung aming security sa senado kaya lang, normally in cooperation sa PNP and AFP, unless nga lang na hindi sila mag co-cooperate.

Q: Sec Gonzales said questionable ang inilabas na warrant, kasi hindi malaman ngayon kung direct o indirect contempt, may 2 palang klase ganyan. Hindi niyo raw alam kung ano ang ipinatutapad niyong batas sa senado

SPMBV: Well, maliwanag ang aming basis dito at in fact pwede naman nilang questionin sa korte yan, kung tingin nila na may kamalian yan.

Q: Ano ba ito, direct o indirect contempt yung kay Neri?

SPMBV: Kasi ang kinakatwiran nila pagka indirect lang ay hindi naman pwede pero direct naman ang aming basis, ang tingin namin dito sa contempt na ito ay direct.

Q: Merong ipinadalang liham si neri na sinasabing wag niyo na akong ipatawag dahil nasabi ko na ang lahat ng dapat kong sabihin. Hindi ho ba yun sapat?

SPMBV: Pwede naman niyang sabihin yun. Kasi ito yung batas. At pwede naman niyang sabihin pag nagpakita sya sa senado yun na lang ang kanyang nalalaman and dun niya invoke ang executive privilege. Pero kailangan lang andito muna siya. Yun ang sinasabi ng komite, ang sinasabi ng komite sa desisyon na yan na pinirmahan ay dito mo sabihin. dalawa ang isyu dito, yung kay sec neri at yung karapatan ng senado na mag issue ng arrest order. Kasi ang regular na ginagawa ng malacanang na binabalewala nila yung subpoena ng senado at pinagsasabihan ang kanilang mga opisyales na wag magsalita o pumunta, basta wag na lang pumunta sa mga hearing. Ang ini-establish lang namin sa senado, hindi pwede yan. At ito naman ay karapatan na ng senado nun pa mang araw at nasa konstitusyon natin. So nagkataon lamang na inimplementa kay sec neri subalit ito'y 2 isyu ang involved dito, hindi lamang kay sec in particular but also yung karapatan ng senado na magpatawag kung kinakailangan.

Q: Sir kung mapatunayan pong kinakanlong ng malacañang itong si neri kakasuhan niyo po ba silang aiding and abetting a fugitive?

SPMBV: Obstruction of justice. Subalit nais ko lang sabihin na kami naman, ako naman, lalong lalo na ay magbibigay ako ng maximum na kurtisiya sa atin pong mga public official to the point na ipagamit ko ang facilities ng aking office na para naman komportable sila na lahat ng maximum kurtisiya will be extended to them if they are in the senate.

Q: Deadline kay neri?

SPMBV: Wala namang deadline yan basta habang wala dito, hinahanap naming sya, ganun ang sistema

Q: Pagka na-interview si neri ng media, makakasuhan po ba ang media na aiding and abetting a fugitive?

SPMBV: Hindi naman. hindi naman kami malacanang. Hindi naman kami galit sa media.

News Latest News Feed