Press Release
February 7, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar -- DZBB

Q: Mr. Senate President, ang sabi ni Sen. Alan Cayetano, hihintayin niyo lang na makapagpahinga si Mr. Lozada?

SPMBV: Tama iyan. Sa ngayon nagpapahinga na siya at gusto rin namin na makapag-relax siya ngayong nasa pangangalaga na siya ng Senado.

Q: Ano na po ang nangyari sa warrant of arrest ng Senado para sa kanya?

SPMBV: well, eto na. In effect, sumurender na siya dito, so okey na siya. Bibigyan namin siya ng maximum courtesy at hindi namin siya ituturing na anuman. Para lang siyang bisita dito. Bibigyan naming siya ng maayos na pagtanggap dito sa Senado.

Q: So hindi na siya parang wanted kung ituring?

SPMBV: Hindi. As long na nandito siya sa Senado, bibigyan naming siya ng maximum courtesy.

Q: Paano po yung ibang miyembro ng pamilya Lozada na wala diyan ngayon sa loob ng Senado?

SPMBV: Well, kung hihingi sila sa amin ng tulong, willing naman kaming tumulong. Subalit, sa palagay ko ay si Mr. Lozada talaga ang may panganib na kinakaharap.

Q: Isa-isa pong nagdadatingan ngayon diyan yung mga senador, magpupulong po ba kayo?

SPMBV: Magpupulong talaga kami dahil pag-uusapan namin ang mga technicalities. Sa ngayon, ang nandito pa lang ay sina Sen. Jinggoy, Sen. Alan at Sen. Noynoy. Sigurado ako, maraming senador ang darating ngayon. Ini-inform na namin ang lahat ng senador tungkol sa nangyari,

Q: Mula sa La Salle Greenhills, sa Senado na tututok ang sambayanan ngayong nandiyan na si Lozada.

SPMBV: PAgkagising ni Mr. Lozada, agad kaming magpupulong sa aking tanggapan at siguro by that time, mayroon na kaming masasabi sa kanya kung kailan iko-convene ang imbestigasyon.

News Latest News Feed