Press Release
February 11, 2008

Transcript on ZTE-NBN hearing

SPMBV: General, ano ba ang komento niyo dun sa naulat na the funds from a chinese loan facility originally meant for a housing project for soldiers and policemen were allegedly diverted to the NBN-ZTE deal. Gusto kong malaman ang kasagutan niyo dito dahil kahapon, binabasa ko ang isang study na ang conclusion ay nagpapakita na 80 percent or 1,280 of the 1,600 police stations all over the country are considered illegal settlers on land or build his own by LGUs or private individuals. Likewise the same study showed that 63 percent of PNP personnel are in dire need of decent shelter. Kaya gusto ko lang hong malaman: Sa inyong palagay ano ho ba ang mas mahalaga - ang pabahay o reporma sa pulisya, o pondo para sa national broadband project?

GEN. RAZON: Para po sa Philippine National Police, ang pinaka priority project namin ay ang housing program. At hindi po totoo ang lumabas na balita - yung may nagsalita po - na na-divert yung pondo ng housing ng AFP at PNP for the ZTE funds. Ang totoo po no'n, hindi natuloy ang loan that was supposed to be given to China because it was determined that it would be disadvantageous sa ating mga kawal at sa ating mga pulis. Hindi po natuloy yo'n. Ngunit ang housing program ng AFP at PNP nagpapatuloy po

SPMBV: So kung natuloy po yung loan facility na 'yon ay mag-re-reklamo ang mga pulis.

GEN. RAZON: Hindi po natuloy, Your Honor.

SPMBV: Kung matutuloy 'yon ay hindi kayo papayag do'n?

GEN. RAZON: Opo. Hindi nga po natuloy.

SPMBV: No that's not my question. I realize that it did not push through. My hypothetical question is if something like this comes up, the broadband deal, for example, kung ituloy ang broadband deal sa mga darating na panahon, at gagamitin yung pera para sa shelter ng ating sundalo't pulis, eh hindi kayo papayag?

GEN. RAZON: Kaya nga po nung napag-alaman that it would be disadvantageous to our soldiers and personnel hindi po natuloy yung loan.

SPMBV: Anong loan?

GEN. RAZON: Meron pong supposed na ipa-package ang Chinese gov't na 1 million homes para sa mga Pilipino, hindi lang ho para sa mga sundalo't pulis pati gov't employees ngunit ang aming pagkakaalam ay hindi po ito natuloy.

SPMBV: Gusto na lamang ituloy ang zte?

GEN. RAZON: Your Honor, wala po akong alam dun.

SPMBV: Anyway, to be fair, baka naman hindi fair ang ating katanungan... Ititigil ko na ang aking pagtatanong at gusto ko lamang irekomenda sa committee na mag-conduct ng ocular inspection sa ating airport. Maganda kasi masundan natin mismo kung ano ang nangyari from the airplane hanggang dun sa kotse. Para maliwanagan ng mga miyembro ng mga komite ang talagang tunay na nangyari. Yun lamang, mr. chairman

SEN. ALAN CAYETANO: The recommendation of the senate president is well taken.

News Latest News Feed