Press Release
February 18, 2008

Transcript of ambush interview with Sen. Alan Peter Cayetano

Sen. Alan Cayetano (ASC) : ...Sobrang halata naman that they are not willing to defend the story that they have put forward to the public.

Q : Hindi ba hearsay yung weight of his testimony?

ASC : Ang hearsay rule simply states that you have to have personal knowledge to what you are testifying sa testimony mo. So for example pag sinabi ko na narinig kita na ito ang sinabi mo, hindi hearsay yun. Yung laman ng sinabi mo, yung ang pwedeng maging hearsay. Pero ang dapat magsabi nun, si Sec. Neri. So kung sinabi ko na eto ang sinabi sa akin ni Presidente, hindi hearsay yun. Ngayon, yung laman ng sinabi sa akin ni President, that's a question. But there's a lot of exception to the hearsay rule.

Q : Naniniwala din kayo na in danger yung life ni Neri?

ASC : Yes. Not only because of his (Lozada) testimony today, because nakita naming nung nandito sya (Neri) at yung mga pahiwatig nya sa amin. Kaya nga kinonfirm ko kay Mr. Lozada kung totoong nung nandito si Sec. Neri, kung totoong may hihila sa kanya sa labas kung magsisimula sya magsalita. At kinonfirm nya yun.

Q : Senator, ang nangyayari ang sabi ni Mr. Lozada ito ang sabi ni Neri. Yun din ang sinasabi ni Sen. Lacson. Tapos mayroon silang gustong ipresent na si Mr. Lito Banayo na present din daw nung Dec. 7 meeting. So ang mangyayari sasabihin nila na ito ang sinabi ni Neri. Hindi ba ang dapat si Neri ang nandito?

ASC : Well, that's evidence na sinabi nya talaga. Kaya nga maganda na sinabi ni Mr. Lozada na marami pang ibang sinabihan ni Sec. Neri dahil nga number one, balita nga naming yun na maraming kinausap si Sec. Neri at sinabi ito. Number two, para rin sa proteksyon ni Sec. Neri. Dahil ang feeling nga naming ay maaring ang proteksyon na binibigay sa kanya ngayon ang hindi ang proteksyon na gusto nya. So maaring ito ay ang proteksyon na maiwasan na mag testify sya. That's why we have to know from him and it's better kung magpapalagay na sya sa custody ang Senado. Pag nandito naman sya sa custody ng Senado, kahit hindi naman sya magsalita okay lang yun eh. So kung ang fear nya lang ayaw nya mag salita, pero para malaman natin na safe talaga sya, but habang nandyan sya sa labas, yung nga ang fear ni Mr. Lozada, hindi nya masiguro yung safety ng kanyang kaibigan.

Q : Sir hindi ba kayo mag mu-move ngayon pa lang kasi baka mawala rin sya katulad nila Garci?

ASC : Ang problem kasi it has to be voluntary on his part dahil may nafile sya na kaso sa Supreme Court. So kung wala yung kaso sa Supreme Court, papapirmahan ko lang yung arrest warrant and katulad nung ginawa namin na order or arrest at katulad nung ginawa namin for Mr. Lozada na convertible into a protection order. But we can't do that because he filed a case sa Supreme Court.

Q : Sir ulitin ko lang yung tanong, hindi ba hearsay yung mga sinasabi ngayon ditto ni Mr. Lozada?

ASC : Ang ibig sabihin ho ng hearsay ay hindi direct knowledge mo or hindi personal knowledge. Ngayon, maraming exception ang hearsay rules. For example, independently relevant statements. So narinig mo yan sa iba pero relevant yan sa pinag uusapan. Pangalawa, it's not hearsay as to whether or not narinig nya Neri saying that. It's hearsay kung ano yung laman. So kung sinabi ko sa inyo na sa akin mismo sinabi ni Gen. Hilomen na hindi nya alam kung nasaan si Mr. Lozada. That's not hearsay dahil sa akin nya talaga sinabi. Yung lang ang testimony ko. Yung laman nung sinabi ni Gen. Hilomen, pwede ichallenge ng iba na hearsay yun. Pero it's up to Gen. Hilomen to come out and say na yes sinabi ko yan o hindi. So acceptable yung evidence na yun. Yung weight ang problema.

Q : Sir kung iko-connect natin sa ZTE deal, ano ang connection ng statement na si GMA is evil at maraming katiwalian sa gobyerno.

ASC : Kung sa iba nya sinabi yung GMA is evil, di sana walang relevance. But kung sinasabi nya in context na pinilit syang iapprove ito, at in context na kung paano nya i-hold together ang gobyerno, in context na gusto na nila mag squeal or gusto na nilang magsabi ng totoo pero there are things preventing them, then it's definitely relevant to the investigation.

Q : Do you think without Neri's corroboration, this would suffice yung Lozada's testimony?

ASC : Dun palang kasi kay Joey De Venecia pa lang ay marami na tayong nakita. Tapos nadagdagan ito nung kay Sec. Neri. Tapos nadagdagan pa ngayon kay Mr. Lozada. So actually parang yung substance alam na natin eh. Dagdag lang ng dagdag ang hinihingi natin. Dun nga sa pinanood ko si chair Abalos, pagka convenient sya na i-quote si Sec. Neri, naniniwala sya kay Sec. Neri. Pero pag hindi convenient, pag sya na ang ina-accuse, hindi pwedeng paniwalaan si Sec. Neri. Samantalang sa testimony ni Mr. Lozada, kahit pano mo pagbali-baligtarin, eh buo pa rin yung storya nya.

Q : Sir yung confirmation ni Sen. Lacson, hindi ba yun enough to bolster the statement of Lozada?

ASC : Well for me nga, alam mo itong mga ito, this doesn't happen in a vacuum eh. Lahat ng testimony nila meron tayong outside circumstances na nagpapakita kung totoo or hindi. For example, nung sinabi nya na kinidnap sya, eh nandyan naman yung text messages. Nandyan yung recordings nung media etc. Nung sinabi yung ICC-NEDA approval, nandyan. Nung sinabi yung President pina-approve, pumunta pa ang Presidente sa China. So yung dagdag na testimony, it is not to crossover the burden of truth eh. I think nag crossover na yun. It's really just to add and to make definite.

Q : So you are saying that even without documents to support the statements of Lozada, tatayo na sya dahil?

ASC : Iba ibang klaseng ebidensya yan eh. Merong testimonial evidence, merong documentary evidence. May mga krimen na wala talagang documentary evidence. Halimbawa sa rape, wala namang dokumento dyan. Sa bribery halimbawa, wala namang dokumento dyan. So in the same way, when you talk about kidnapping or pag dukot sa kanya, kahit wala kang documentary evidence. But in this case, nagdagdagan nga dahil nakuha natin yung logbook eh. Nandun sa logbook. Ang storyang mas pinapanigan ay yung storya ni Mr. Lozada, kesa dun sa storya ng gobyerno. Dun ako nalulungkot na kung kelan natin mahaharap at mapapag-tugmatugma ang lahat ng mga sinabi ng gobyerno at Mr. Lozada, saka mawawala ang gobyerno. Remember si Mr. Valeroso at Gen. Hilomen, never nagpakita pa.

Q : Sir yung half-a-million pesos confirmed ban a P500,000?

ASC : Yes. Binilang, it's P500,000.

Q : Sir, ...sa Malacañang last year meron ding P500,000...?

ASC : Well, mukhang ang favorite denomination nila is kalahating milyon.

Q : Pero yung pagno-no show nung mga officials ng aviation security, ng PSPO?

ASC : Ang storya kasi nila ongoing or moving target eh. Kasi nung una ang sinabi Rodolfo Valeroso. Tapos iniba nila, naging Roger. Tapos hindi daw ASG, tapos ASG. Tapos wala na daw ibang tao dun sa kotse, nung nakita namin yung pangalang CPL or we assumed na Corporal Ramilla, bigla daw ASG din yun. So kaya nga importante na pumunta dito yung ASG. Pero ang nangyayari nga ay tinatago nila yung mga dapat na nagpapaliwanag sa atin ngayon.

Q : How about PSG sir, you'll summon them also?

ASC : Yes. Definitely. At hindi pwedeng sabihin lang na nandun din sila sa airport kasi same time, same vehicle, tapos nakuha pa sa video. Ibig ko sabihin, parang ginagawa tayong tanga dun sa sasabihing coincidence. Kung nandun lang pero hindi magkasama, at ibang vehicle, ibang pinag parkingan, eh pwede nating tangggapin at face value. But given all the evidence that we have right now, they owe us an explanation.

Q : So sir if ever, perjury ang kay Gen. Atutubo?

ASC : At the very least.

Q : Sir si Usec Gaite ba kelan nyo isa-summon?

ASC : Sa next hearing. Unfortunately kasi, hindi naman naming alam na ipe-present yung pera dito. Last time we had a hearing. That's why hindi na naming ininvite yung iba. But given the circumstances, we will be forced to invite again Dep. Sec. Gaite, PNP Chief Razon, and the others involved.

Q : Sir kanina it seemed sapilitan yung mga statements na binibigay ni Lozada, ...

ASC : Hindi madali na magsalita. Pag willing ka na mag testify on things you know personally, hindi madali na i-reveal ang mga sekreto na sine-share mo sa iba eh. Kung sariling sekreto mo lang, call mo yon. Pero kung sekreto kasam yung iba, medyo mabigat yon. But what triggered this is si Sec. Neri mismo last week being the one to say na meron silang meeting. So those in the meeting felt oblidged to explain also.

News Latest News Feed