Press Release
February 18, 2008

Transcript of Senator Jinggoy Ejercito Estrada

SEN. JINGGOY: Kanina nabanggit mo sa iyong salaysay na meron kayong senador na nakausap bago kayo lumabas dito sa Senado. Ang natatandaan ko pang mga senador na kumausap sa iyo ay si Sen. Lacson na makailan pang nakipag-meeting pa sa iyo. Ilang beses ba kayo nagpulong-pulong ni Sen. Lacson?

LOZADA: Hindi ko po matandaan.

SEN. JINGGOY: Si Sen. Madrigal?

LOZADA:Once lang po.

SEN. JINGGOY: Sinu-sino pa sa aming mga senador ang nakipag-usap pa sa iyo?

LOZADA:Wala na po akong natatandaan.

SEN. JINGGOY: Noong nakaraang hearing, meron kang nabanggit na merong isang nagngangalang Tony Abaya na nagsama sa iyo sa bahay ng kasamahan naming senador. Nakipag-usap ka sa kanyang maybahay. Sino ba itong si Tony Abaya?

LOZADA:Si Tony Abaya po ay common friend namin ni Sec. Neri...

SEN. JINGGOY: Siya ba'y nagtatrabaho sa Malacañang? Siya ba ay isang abogado?

LOZADA:Si Tony po yata ay negosyante. Hindi ko po masyadong... when I met him he was already working with Mayor Hagedorn of Puerto Princesa. Ang mga dealing po naming ay tungkol sa tuba-tuba. Last year ko pa sila nakilala. Sabi nga po ni Sec. Neri noong mag-umpisa nang banggitin ni Sen. Pimentel ung pangalan ko sa Senado, natatakot na ko. Sabi ko, "hindi ko talaga laro ung sena-Senado na yan, eh." Why don't you consult Tony Abaya... seek his advice. So I seek the advice of Tony Abaya, sabi ko pa'no 'to... Bakit ano ba ang alam mo dyan? So kinuwento ko po ang alam ko. Then siguro ito na rin po pagkakataon para malinaw ko ung column ni Gng. Monsod na sinasabi niya na I am telling half-truths. Never ko pong sinabi na Fely Arroyo invited me. It was Tony Abaya who asked me to go to the place of Sen. Arroyo to meet with Fely Arroyo. Hindi kop o sinabi na inimbita ako ni Fely Arroyo. Nung last year pa po un.

SEN. JINGGOY: After your meetings with Sen. Lacson and Madrigal?

LOZADA: Before pa po, before pa. Alam po kasi ni Secretary na talagang ayaw ko pong humarap sa inyo.

SEN. JINGGOY: So nagpunta kayo, upon instruction or upon advice of Tony Abaya sa bahay ni Atty. (Fely) Arroyo?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Pumunta kayo bale sa bahay ni Sen. Arroyo.

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Nandun po si Sen. Arroyo?

LOZADA: Wala po.

SEN. JINGGOY: Ang nakausap niyo, si Mrs. Arroyo?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: Ano po ang binigay niyang advice niya sa inyo? Since wala naman po akong subpoena sa Senado, so kahit hindi ako pumunta.

LOZADA: Dahil wala naman akong subpoena sa Senado.

SEN. JINGGOY: Napanood kita sa isang television interview, I think with Ms. Korina Sanchez, that she was trying to prevent you from appearing before the Senate...

LOZADA: Hindi po, ang sabi ko lang po, iyon po ang impression ko. Hindo ko nga natandaan exact words e... na since wala naman akong ano sa Senado, kahit wag na akong pumunta.

SEN. JINGGOY: So that was your impression that she was preventing you from appearing before the Senate.

LOZADA: Hindi ko po sinasabing preventing. Sinasabi ko lang po na since wala naman akong (subpoena), imbitasyon lang naman po, that I can ignore it, pwede naman po akong tumanggi.

SEN. JINGGOY: Was that the first and last time to meet Mrs. Arroyo?

LOZADA: Opo.

SEN. JINGGOY: And you know for a fact that her husband is Senator Arroyo, and Sen. Arroyo was former chairman of the Blue Ribbon Committee?

LOZADA: Alam ko pong asawa niya si Sen. Arroyo pero hindi ko alam na naging chairman siya ng Blue Ribbon.

SEN. JINGGOY: Natatandaan ko pang sinabi mo na ini-idolo mo si Sen. Arroyo being a fellow Ilocano.

LOZADA: Opo, dahil pag bad ka, lagot ka.

SEN. JINGGOY: Sino ang bad ngayon?

LOZADA: Ayaw ko na pong madagdagan ang gulo na kinalalagyan ko...

SEN. JINGGOY: Hinahangaan mo pa rin ba si Sen. Arroyo?

LOZADA: Opo.

News Latest News Feed