Press Release
February 18, 2008

Transcript of interview of Senate President Manny Villar with Tony Velasquez, Pinky Webb and Ricky Carandang (ANC)

Q: Do you think Secretary Neri still have to testify?

SPMBV: Kailangan naman dahilan sa ito ay sinabi ni Mr. Lozada. Iba naman kapag manggangaling iyan kay Secretary Neri. Meron naman talagang usapan ngayon sa Supreme Court na kapag na-declare na legal iyong aming arrest order, I think Secretary Neri will appear before the Senate.

Q: And hopefully to corroborate what Mr. Lozada has been saying...

SPMBV: Mabibigat iyong sinabi ni Mr. Lozada. Sa palagay ko, kailangang lumabas si Secretary Neri para ituloy-tuloy na iyon o pasinungalingan niya. Maliwanag na kailangan siyang lumabas.

Q: There are two senators who are there in the December 7 meeting who can also corroborate what Secretary Neri supposedly said to the entire group.

SPMBV: Yes, but we also want to be fair. Maganda rin naman na marinig natin iyong panig ni Secretary Neri. Kung ako naman si Secretary Neri, lalabas naman din ako para sabihin iyong kanyang side. Pero mabibigat talaga iyong sinabi ni Mr. Lozada. Palagay ko worried si Secretary Neri. Pero sa akin, ang importante rito, puro totoo pa lamang ang sinasabi ni Mr. Lozada. So far, he has been consistent. Bagama't masama ang loob niya at mukhang napipilitan lang talaga, sinabi rin niya.

Q: Of course, sabi n'yo po iyon, mukhang consistent si Mr. Lozada, pero sa kabila naman noon, syempre sinasabi ng taga-Malakanyang, magaling lang umarte si Mr. Lozada.

SPMBV: Kasi ang mga hearing, walong oras, siyam na oras pinapaikot-ikot natin ang mga statements niya pero consistent. Walang pagbabago. In fact, lahat ng inconsistencies naman ay nakikita sa mga sinasabi ng witnesses. Hindi naman tayo nagte-take sides pero I think walang masyadong pagkakaiba from start ng hearing niya hanggang matapos, samantalang doon naman sa witnesses na iniimbitahan namin, ang bilis magbago ng mga statements.

Q: At kung minsan ay hindi pa sumisipot...

SPMBV: Iyan nga palagay ko ay natakot na rin sa dami ng mga inconsistencies. In fact, marami talaga akong balak itanong sa nangyari sa airport. Napakaraming dapat ipaliwanag sa airport. Talagang maliwanag na kapag sinundan mo ang nangyari, maniniwala kang may kidnapping talaga.

Q: How would you react to the earlier decision by Ombudsman Gutierrez to inhibit herself from the Ombudsman's investigation into the ZTE-NBN controversy?

SPMBV: Iginagalang ko ang gagawin ng Ombusdman, ng DOJ, ng ano mang ahensya ng gobyerno. Kung meron silang dapat gawin, gawin nila. Ang sinasabi ko lamang, ang Senado ay hindi titigil dito at gagawin namin ang aming tungkulin at pagiging independent kami.

Q: What's going to happen to the P500,000 that Mr. Lozada had turned over to the Senate?

SPMBV: Actually pag-aaralan pa natin iyan. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang pupuntahan niyan. Syempre dito muna sa Senado iyan until ma-resolve namin kung ano ang dapat gawin diyan. Eventually siguro pupunta sa treasury iyan.

Q: Can you trace where the money came from? Can you trace who issued the money?

SPMBV: Mas maganda siguro tatanungin natin ang nagbigay noon. Siguro unang gagawin natin ay maimbitahan si Mr. Gaite para maipaliwanag niya kung nagbigay nga siya ng P500,000, saan galing iyon at para sa ano ang P500,000 na iyon.

Q: What do you expect the Malacañang is doing right now?

SPMBV: I'm sure na iyong media ng Malacañang ay gumagalaw na para pasinungalingan ang sinabi ni Mr. Lozada. Trabaho naman nila iyan talaga. Kinakabahan ako para kay Secretary Neri more than kay Mr. Lozada sa ngayon.

Q: Jumping two years to the future, what do you think this will do to the presidential race?

SPMBV: Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari diyan basta maliwanag ngayon na nagiging very unpopular ang president dahil sa talagang maraming naniniwala dito sa nangyayari. Palagay ko karamihan ng mga taong nanonood ngayon, if not all, ay naniniwala na tama ang sinasabi ni Mr. Lozada.

Q: Do you think this might accelerate calls for the president to resign?

SPMBV: Mahirap na akong mag-comment diyan dahil sa bilang pangulo ng Senado ay mine-maintain namin na ito ay trabaho lamang at hindi naman ito pulitika.

Q: Not intended in any way to destabilize any administration?

SPMBV: Wala. Ito ay trabaho lamang. Sinabi ko nga kanina, talagang ito ay binigay sa amin ng Konstitusyon. Hindi naman namin alam kung ano ang mangyayari dito. Hindi natin alam kung ano ang sasabihin ni Mr. Lozada. Isa-isang lumalabas lamang iyan. In fact, pa-serious nang pa-serious. Pati kami ay nagugulat sa paglaki nitong isyu na ito. Ito obviously ay hindi namin inaasahan. Basta kami ginagawa lang namin ang normal na imbestigasyon. In fact, akala ko nga noong una ay mamamatay na itong isyu ng ZTE dangan nga lamang at dumating itong chapter na ito. Nahaluan pa ng alleged kidnapping, naging complicated na.

Q: Is Jun Lozada's word enough?

SPMBV: Hindi muna siguro pero iyon ay bina-validate ni Senator Lacson at maaaring i-validate ni Sen. Jamby Madrigal mamaya so tatlo na silang nagsasabi niyan. Ako naman ay umaasa na after this, si Secretary Neri ay mag-iisip mabuti at palagay ko ay maga-appear before the Senate dahil sa nangyari rito ngayong umaga.

Q: Sa palagay ninyo iyong testimony ni Mr. Lozada, tatayo po iyong mag-isa kung walang magko-corroborate? Dahil kahit po i-corroborate ito nina Senator Lacson and Madrigal, they are known opposition senators.

SPMBV: Medyo hirap po tayo diyan kaya siguro ito ay pag-aaralan nating mabuti. Ito ay narinig ni Jun Lozada kay Secretary Neri kaya talagang naniniwala pa rin ako na dapat magsalita si Secretary Neri.

Q: How do you categorize that? Is that hearsay?

SPMBV: Mahihirapan kami at pag-uusapan muna naming mabuti iyan. Very sensitive iyan, considering also na involved ang pangulo pero kami ay tuloy-tuloy naman dito. Gagawin namin ang dapat gawin.

Q: Earlier, you said after your ocular sa NAIA, you are coming close to the conclusion na parang kidnapping po talaga ang nangyari. What are the salient points that you can share with us why your tendency is to believe na nakidnap nga po si Jun Lozada noong Feb. 5?

SPMBV: Unang-una iyong nangyaring pagtatakip sa airport, talagang maraming nagamit na agencies para dito sa chapter na ito, nagamit ang PNP, iyong airport. Hindi puwedeng mangyari iyon kung hindi operation mismo ito ng buong airport. Kasi talagang idinaan siya sa departure instead of arrival at madaming sumalubong sa kanya, tinakot siya. Lahat naman ay consistent. Sinundan namin from the airplane, sinundan namin ang dinaanan niya. Kapag nandoon ka, makikita mo na nagkaroon talaga ng kidnapping.

Q: Do you think you will be experiencing a problem if the airport security and the PSPO will refuse the subpoena that you issued today on them?

SPMBV: Marami talaga kaming problema sa imbestigasyon na ito, nasa backroom lang at ako lang ang nakakaalam. Maraming problema kami, lalo ngayon hindi na sila dumarating. Siguro nahahalata nila na maraming inconsistencies na lumalabas. Ngayon ay mapipilitan kaming mag-issue ng subpoena. Syempre kapag hindi nila io-honor ang subpoena, magkakaproblema kami because we will have to issue arrest orders. Medyo malaking problema iyan.

Q: Posible bang pumasok dito ang EO 464?

SPMBV: Baka too late na rin. Sa ngayon, napakarami na ring nagsasalita. Marami rito ay hindi covered ng EO 464.

Q: Iyong airport officials saka miyembro ng PSPO, they are not covered by EO 464?

SPMBV: Sa aming palagay, hindi sila covered. Although ako ay naniniwala na si Secretary Neri ay lalabas dahil sa nangyari ngayon.

Q: You feel, sir, that he will eventually show up?

SPMBV: I think mapipilitan siyang lumabas.

Q: Iyong P500,000, kung aminin ni Mr. Gaite na sa kanya ang pera na iyon, kailangan po bang ibalik sa kanya iyon?

SPMBV: Depende. Ang pangalawang tanong kasi diyan, kung government money iyon o personal.

Q: Kung hindi naman po kanya?

SPMBV: Ibibigay namin sa treasury iyan pagkatapos ng lahat ng imbestigasyon. Wala naman sa budget namin iyan. Sa ngayon, evidence muna iyan. Eventually, it will go to the treasury.

Q: Do you believe Secretary Neri said the president is evil?

SPMBV: Mahirap naman iyan kung tayo ay magbibigay agad ng conclusion dito. Bilang pangulo ng Senado, napakaingat ko na masabi na may bahid-pulitika ang aming imbestigasyon.

Q: Sabi ninyo you are confident that Mr. Neri will come out, have you spoken to the Palace, have you spoken to Neri? What makes you believe that Mr. Neri is going to come to the Senate now?

SPMBV: Sa akin naman, naniniwala ako na mananalo kami sa Supreme Court. Kapag nanalo kami sa Supreme Court at na-validate ang aming arrest order, even si Secretary Neri sinasabi niya sa media na siya ay maga-appear sa Senado.

Q: Base sa confidence ninyo na mananalo kayo sa Supreme Court?

SPMBV: Oo.

Q: Have you gotten any indication that Mr. Neri might actually want to speak even before the Supreme Court ruling comes out?

SPMBV: Palagay ko kasi mas maganda iyon dahil sa doon, wala siyang choice. Doon maikakatwiran niya na wala siyang magagawa dahil sa nag-rule na ang court at kailangan siyang sumunod.

Q: Wala kayong indikasyon na posibleng lumantad si Mr. Neri bago magkaroon ng ruling sa Supreme Court?

SPMBV: There is always that possibility but nasa sa kanya na iyan.

News Latest News Feed