Press Release
February 21, 2008

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero at Kapihan sa Senado
(2nd part)

... nograles

dinenay ni speaker nograles yan. Pero kung totoo man napakasama ng timing, in bad taste, hindi nararapat at hindi naaayon sa saligang batas. Hindi pwedeng buwisan ang simbahan sa pamamagitan ng batas lamang dahil sila ay exempt sa ilalim ng konstitusyon. Dagdag na dahilan siguro ito para tutulan marahil ng simbahan at mga religious groups ang pag amyenda ng saligang batas dahil mukhang isa ito sa mga balak nila kung saka-sakaling matutuloy nga ang cha-cha.

...

pangha-harass, pananakot, pang-threaten, pang-blackmail. Siguro lahat na nang salita papasok sa ganyang uri ng statement kung totoo ngang sinambit ng isang opisyal ng administrasyon.

....

Bawi. Bawi ika nga.

...para i-silence

para i- silence, para takutin, para magmuni-muni muna sila, para tumigil sila sa kanilang ginagawa, para magbalik-loob sa administrasyon.

...is it possible

hindi nang hindi inaamyendahan ang saligang batas. Kailangang amyendahan nila ang saligang batas hindi pwedeng bill lang yun. Nasa constitution un eh, hindi pwede.

Although lahat tayo nakafocus sa ZTE broadband, ano na nangyayari dun sa which is in your committee the proposal to suspend the EVAT, the economic stimulus offer by salceda. I am asking this question because recently the oil price in the world market established a new record finally breached the $100 mark. And the civilized world is worried.

we have conducted one hearing and we are currently conducting a TWG on the bill. Handa kaming ilabas ang committee report anytime aprubahan ng Kamara ang version nila kaugnay nito. Tax at revenue measures ito hindi kami pwedeng mag report out na nauuna sa Kamara Representantes. Kailangan antayin namin ung committee report mula sa Kamara bago namin mareport sa plenaryo ito. nakaumang at naka abang na ang aming committee report matapos nang TWG as soon as aprubahan ng Kamara ang kanilang bersiyon kaugnay dito at maparating na sa Senado.

Specifically ano po ito? ito po ba ung suspension?

Ito ung removal ng VAT sa produktong petrolyo at sa kuryente

...(inaudible)

the lifting of (VAT on) oil and power. Ang nananatiling issue ay kung suspension lamang o permanenteng pag-alis na. dahil meron ding bentahe sa kabilang banda ang suspension dahil makukuha natin kung aalis natin ang buwis, ung universe ng pinapasok na langis dito sa ating bansa. Kapagka wala nang taripa at buwis wala na ring interes ang smuggler na hindi ideklara ang tamang kantidad (quantity) at kapagka nakuha natin ang tamang kantidad at least naibalik natin ang buwis may basehan tayo kung magkano nga ba ang nawawala, magkano nga ba talaga ang ini-smuggle kumpara sa idenideklarang pumapasok na langis sa ating bansa. It will enable government to gather data and gather the accurate data on this matter.

...temporary...

temporary or total lifting ng VAT. Un ang pinagpipilian. Permanente nang pagtanggal or six months lamang na pagtanggal.

Considering na sinabi ni Gina De Venecia na involve sa smuggling si FG, ipu-pursue nyo ba yun considering...

i-pu-pursue namin depende kung tetestigo sa amin si Mrs. De Venecia dahil, ang problema sa smuggling lahat takot tumestigo, ngayon tila nagpakita ng tapang at lakas ng loob si ginang De Venecia, bukas ang pintuan ng Senado para isiwalat nya ang kanyang nalalaman kaugnay nito. Gaya nang sinabi ko ang senado ay nanatiling bukas para sa sinumang may nais sabihin at isiwalat. Ito ang utang at ito ang obligasyon ng senado saating mga kababayan. Bukas ang kongreso, bukas din ang senado para tumestigo ang sinumang may nais sabihin kaugnay sa mga anomalya ng pamahalaan kabilang na ang maybahay ni Speaker De Venecia at bukas ang pintuan namin para sya ay dumalo at ipaliwanag ang kanyang nalalaman kaugnay sa smuggling na una na nyang nabanggit sa ilan sa kanyang mga interview.

Baket po napakahirap patunayan?

Dahil walang gustong tumestigo. Ika nga sa isang hearing naming, sa smuggling parang tinikling daw yan.parang tinikling ung tiga Customs, ung nagbo-broker nung shipment at ung negosyanteng nagpapasok. Kailangang pumayag ung tatlo kundi maiipit ung pang nagtitinikling. Mahirap kumuha ng testigo dahil ung tatlo lahat nakikinabang at walang gustong magsalita kaugnay nito. Kung kaya't mga imbestigasyon at papeles na aming nililikom para patunayan ito sa dalawang rason, makasuhan ang dapat kasuhan at pangalawa matigilan ang mga karumal-dumal na ginagawa nilang pag smuggle at pagpasok ng hindi nagbabayad ng tamang buwis at taripa.

Kasama dyan ang oil smuggling

Kasama at kabilang sa dinidinig ng komite naming un.

(inaudible)

two things pursue the filing of cases although that is within the hands of the ombudsman after we give our recommendation and number two plus the loophole in so far as how it is being done at present.

Sir baket hindi ninyo imbitahin si raul concepcion he seemed to know a lot about oil smuggling

Inimbitahan na naming nung una subalit ang suhestiyon ni ginoong concepcion ng mga panahon na yun ay patungkol sa pagli-lift ng VAT at pagli-lift ng VAT sa kuryente na rin.

Magkano un sir?

Ang estimate namin sa langis nasabi na namin yan nung nagdaang hearing, ayon sa demand side ng consumption ng langis sa ating bansa kung ikukumpara mo sa supply side, ibig sabihin ung pumasok ha, ung sa records ng bureau of customs at BIR may nawawalang humigit-kumulang 4B litro nang gasoline. Kung iko-compute mo yan sa VAT lamang at hindi kasama ang duties humigit-kumulang P16B ang nawawala kada taon sa pamamagitan ng buwis nang hindi nababayaran.

(inaudible)

foregone revenue according to our estimates will amount to less than P17B, oil. Sa kuryente mas maliit mga P8B lang o P9B, P8.7B.

(inaudible)

inaayos naming ung computation namin. Alam nyo ung matitipid na perang kinokolekta ng gobyerno mapupunta sa bulsa ng ating mga kababayan. Pera yan na pwede nilang gamitin para ipambili nila ng ibang mga bagay-bagay pa na VATABLE pa rin. So may 12 porsyentong buwis pa rin un kapagka ginastos nila ung perang natipid nila at naiwan sa bulsa imbes na pinambayad sa buwis. Kung corporation yan at ginamit sa negosyo meron kang mahigit 30 porsyentong corporate income tax na dapat nilang bayaran sa gobyerno kung kaya't hindi naman kabuuang kawalan un sa panig ng pamahalaan. Kailangan nga lang nilang kumayod ng mas matindi para makolekta ang buwis na yan kumpara sa kokonting kokolektahan kung VAT sa oil companies lamang.

(inaudible)

kailangan naming antayin ung house version eh, hindi pwede eh.

(kung si secretary neri...joey salceda..)

siguro hindi na masisisi ng administrasyon ang oposisyon sa mga maaanghang na salita na binibitiwan naming laban sa kanya. Kung ung mga kakampi nga nya at malapit sa kanya eh ganung uri na nang salita binibitiwan at mas personal pa kesa sa amin wala syang dahilan magalit kanino man sa oposisyon sa mga kritisismong ibinabato't pinupukol sa kanya dahil ito ay may kinalaman lamang sa kanyang ginagampanang trabaho o di ginagampanang trabaho habang nasa puwesto. Mas masakit at personal pa nga ang salitang binibitiwan laban sa kanya ng mga kakampi nya.

(ano mas grabe evil or bitch)

mas grabe pagpinaghalo mo ang dalawang salitang un dahil hindi naman contradictory un pwedeng pagsamahin.

(inaudible)

matagal nang pinag-aaralan ng komite naming subalit ni refer ng committee on rules ang bill na yan sa committee on economic affairs nagulat nga kami na ung bill na file ni SP Villar ay ni refer sa economic affairs committee. Nakikipagusap pa kami kay senator pangilinan kaugnay sa bill na ito dahil nung mga nagdaang panahon ito ay narefer sa ways and means at nirerefer palagi sa ways and means. Kung kayat malalim na pag-aaral ang ginagawa naming kaugnay nito subalit na-refer at kasalukuyang pending sa economic affairs. Hindi ko alam malalim na ang pag-aaral na ginagawa naming kaugnay nun.

(inaudible)

hindi ko rin maintindihan at hindi rin namin malaman kung kaya't nag-i-inquire at nagtatanong kami kung baket. Subalit kung dun talaga dadalhin un malamang siguro na i-sesecondary referred sa min yan at magpapalabas pa rin kami ng committee report kaugnay sa mga tax aspect ng bill. Bago dumating sa plenaryo. Magi-insist palagi ang ways and means na ito ay dumaan sa aming komite.

(inaudible)

we have a consolidated version already. Ready to be filed sana dahil bago i-file gusto namin napasok at napag-aralan na namin ng husto dahil kumplikado ung bill subalit may nauna nang nai-file at na refer na sa ibang komite.

(inaudible...)

too late the hero at reactionary ang ginawa ng finance department ang maganda sigurong katanungan paano kung walang nagreklamo? Kailangan pa ba silang bantayan bago nila gawin nang tama ang kanilang trabaho. Na ginawa nila yan hindi dapat tumigil ang imbestigasyon kung paano ba napatawan yan ng mas mababang buwis to begin with. Isang bagay yan na hanggang ngayon ay kuwestyonable pa rin para sa amin at para sa aming komite. At meron nang resolusyon inihain kaugnay ng bagay na yan.

(inaudible)

ang hindi ko maintindihan binuwisan ng BIR na mas nakakaalam sa bagay na ito nang mas mataas na rate. Ano ang basehan at karapatan ng DoF sa pagreview lamang na babaan ung rate eh ang paa at kamay ng DoF ay BIR. Parang nag imbento at nagpatubo sila ng panibagong paa't kamay na gagamitin para lamang sa kasong ito at ma-justify na babaan ang rate. Tapos ngayon ibabalik rin naman pala nila sa dating rekomendasyon din ng BIR.

(inaudible)

but that was based on a survey conducted by the DoF. Kasi ung unang survey na ginawa ng BIR mas mataas naman talaga at hindi nga pwedeng mag downward trend. Gumawa pa ng sariling survey ang DoF kung kada brand ng sigarilyo gagawa ng sariling survey ang DoF, irereview at babaligtarin ang survey ng BIR eh mauubusan tayo ng pondo sa pamahalaan kakareview hindi lamang sa paggastos dyan sa pagpapababa din ng buwis na pwede nating makuha.

(inaudible)

I think yes and that is one of the issues being raised against sec. teves in the Commission on Appointment in regard to this and other issues which shows the incompetence of some officials of the department of finance.

(inaudible)

mga chairman man tinatawag, mga senador mang tinatawag sa palagay ko ay tao pa rin naman na may mga pagkukulang at pagmamalabis depende sa pagkakataon siguro isang bagay ito na pwede at dapat gawin hindi lamang ng mga chairman kundi nang lahat ng kinatawan ng senado upang harapin namin ang mga problemang ito bilang isang institusyon.

(...nagdesignate ng spokesman for the three committees)

meron naman. Ang lead committee chair na si senator cayetano. Sya ang dapat na tumatayong tagapagsalita nang pagdinig na ito ng senado.

(inaudible)

una palakasin ang ODA law upang sa gayon maiwasan ang ganitong uri ng kaganapan. Sa katunayan aming ini-insist sa parte ng ODA oversight committee na isumite ng Malakanyang ang lahat ng ODA contracts sa oversight committee sa lalong madaling panahon. Ung transparency committee na kanilang pinorma ito ay presidential transparency committee sila mismo ang uupo dun sila ang nandoon bagaman may inimbitang mga testigo o bagaman may inimbitang mga participants sa ilalim pa rin ng kanilang administrasyon gagawin ito. ito ay walang pinagkaiba sa investigate me na sitwasyon kung kaya't dapat palakasin at patatagin ang ODA law para maiwasan ito. ang pangalawa ay may kaugnayan sa procurement law. Under section 4 of the procurement law there is a statement there that says executive agreement entered into by government shall be respected. Yan ang ginagamit na justification ng DBM at ng NEDA na hindi na raw kailangang dumaan sa bidding at procurement law ang mga kontratang pinapasukan nila sa ODA. Maling interpretasyon un hindi tama un at hindi dapat ginagawa yun at dapat linawagin un sa procurement law. Dapat saklaw pa rin un. Dapat saklaw pa rin hindi dapat exempted un dahil subject at prone to abuse tuloy ang ODA contract. Un ang gusto nang nagpapautang pero bat yan ang ginugusto nang umuutang. Kung libre at grant yan sige idikta nila kung sino ang gagawa at kanino tayo bibili pero kung utang naman yan at babayaran natin baket tayo susunod at magpapadala sa kanila. Yan ang rason kung baket sa pamamagitan ng batas dapat iklaro ang limitasyon ng kapangyarihan ng mga negosyador natin na pumasok sa isang kontrata na tulad nyan.

(inaudible)

nakalagay sa BESF ung mga bagay nay an. Nakalagay sa budget at kasama ng budget documents yan. Kung nabulilyaso at hindi natuloy ung loan ung government counterpart kung meron man ay mabibilang sa savings ng pamahalaan at dahil deficit naman tayo palaging may kinalalagyan ang savings na yan sa ibang programa at plataporma ng pamahalaan. Sa ilalim ng batas dati nang dapat dumadaan sa kongreso sa pamamagitan ng oversight committee ng ODA. Ang check valve mo sa ODA ay tatlo dapat, NEDA, congressional oversight at COA. Pumalpak at tila nagbenta ang NEDA nais nga rin namin Makita ang report ng COA kaugnay nito at sa ngayon binubuhay at ina-activate na namin bilang aktibong pagbabantay sa ODA ang oversight committee na sa mga nagdaang kongreso ay hindi nag function ng epektibo.

(inaudible..this check valve..)

it did not work. Una hindi functioning ung ODA oversight nung mga panahong ginawa ito nung nagdaang kongreso, pangalawa ang NEDA alam na natin ang kuwento, pangatlo ang COA post audit lamang yan pagnapasukan na wala pa sila sa picture. Hindi umubra kung kaya't kailangang patatagin at palakasin at huli man daw din ang pagpasok ng oversight ngayon sisikapin naming habulin ang lahat ng existing at future contracts upang maiwasan ang mala-ZTE na resulta.

(legislation...)

definitely penalty clause dahil ung ODA law walang penalty law. In-abolish na natin ang death penalty ang pinakamatagal na lamang ay reclusion perpetua. ODA? Wala. Kaya nga atapang na lalake eh. (�) ako (hindi nung ..)ways and means sya eh (rector?) si recto, sa house hindi ko alam kung sino ang chair

(forcible resignation)

una there is no such thing as forcible resignation. Ang force resignation sa tagalog pinaalis kasi puwersado eh pagsinabi mong resignation, voluntaryo. Pag sinabi mong forced hindi na boluntaryo un. Sabihin na lang natin na pinaalis o gustong paalisin. Sa ilalim ng saligang batas isa sa mga option sa pagbitiw ng pangulo sa katunayan apat lamang ang alam kong sitwasyon para maalis ang pangulo sa ilalim ng saligang batas - impeachment, pumanaw o mamamatay, mag resign, o magkaroon ng sakit na hindi na nya kayang mag function. Maliban sa apat na yan extra constitutional na ang ibang pamamaraang pinag-uusapan para sya'y maalis. Ung pinaguusapang snap elections, hindi kabilang yun sa option sa saligang batas dapat magresign muna ang pangulo at ikalawang pangulo bago magawa yan. Ung people power namang binabanggit, alam nyo ang paniniwala ko sa people power hindi ito kayang planuhin ng isang tao o isang grupo lamang. Walang pwedeng umangkin na sila ang nagmamay-ari nyan nung mga nagdaang panahon man o sa mga panahong darating. Mangyayari yan kung mangyayari at hindi naman pwedeng makapagdikta o makapagsabi kung kailan, paano at saan. Sa panig naman ng pamahalaan kung mangyayari yan wag silang magyabang na may 10,000 silang pulis o 10,000 sundalo, di nila kayang hadlangan ang bagay na yan. So ang paguusap at pagpaplano kaugnay ng people power sa palagay ko kasaysayan lamang ang magsasabi sa atin kung nangyari nga ba't, mangyayari yan o hindi.

(inaudible)

ang nakakalungkot kung iisipin ninyo nag EDSA PEOPLE POWER 1 tayo dahil sa tatlong issue - pagnanakaw sa gobyerno, pagdaraya sa election at napakasamang human rights records o paglabag sa karapatang pantao. Nag edsa 2 dahil diumano sa pagnanakaw din sa gobyerno. Ngayon pinaguusapan na naman ang EDSA 21 taong nakalipas ang EDSA 1, pitong taon makalipas ang EDSA 2 pero ang isyung pinag uusapan ganun pa rin - pandaraya sa eleksyon, pagnanakaw sa pamahalaan at masamang human rights record. Nakakalungkot na tila hindi na tayo umusad, hindi na tayo natuto at mas nakakalungkot hindi na natuto at bumait ang mga naninilbihan sa pamahalaan. Ung kasalanang ginagawa ng mga opisyal 21 yrs ago un pa rin ang ginagawa nilang kasalanan hanggang sa mga araw at oras na ito. marapat at panahon na siguro na magbago hindi lamang ang taong bayan kundi pati ang mga opisyal na naninilbihan sa pamahalaan para hindi na ito maulit pa muli. Ayokong umabot sa edad na 70 anyos at nanapeople power at EDSA 20 na tao.

News Latest News Feed