Press Release
March 6, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar over Dos por Dos with Anthony Taberna and Gerry Baja

Q: Kamusta na po kayo Mr. Senate President, mukhang mainit daw po ang ulo ninyo kagabi?

SPMBV: Hindi naman, galing lang ako sa caucus noon at nagkaayos na naman kami kagabi yung tungkol sa compromise agreement, dahilan sa isyu rito ay hindi na si Sec. Neri, ang isyu dito ay ang senado, kung kami ay papayag na ang tungkulin na binigay ng konstitusyon ay i-compromise namin. Pero mahirap naman yata yan paano na yung darating na henerasyon baka kami ay masisi, sa palagay ko mismo kami ay walang karapatan na i-compromise yung nasa konstitusyon natin at yung talagang binigay sa 'min na kapangyarihan para mag-legislate, ito po ay para sa paghahanap ng katotohanan. Halimbawa kung papayag kami sa mga ganitong mga probisyon o regulasyon baka sa darating na panahon babalikan kami, yung pagpayag namin dito, baka sabihin na gusto niyo pumayag ulit dahil kamukha nung nangyari noon, magiging precedent kaya mahirap at naniniwala kami na tama ang ginagawa namin sa senado at ayan po ang aming tungkulin at dyan po mas gusto naming gumawa ng desisyon ang korte suprema. Hindi naman kami papayag na hindi namin maitanong ang mga katanungan na yon, kailangan kasing itanong yun parang maliwanagan natin yung talagang nangyari kasi kung talagang nababanggit halimbawa ang pangulo, pwede ba naman na hindi mo tatanungin yan kung nababanggit ang first gentleman, pwede ba namang hindi mo tanungin yon at kung sino man na tao - secretary or kung sino man siya na nababanggit, obligado ka na i-pursue yun or otherwise hindi mo makikita ang buong picture nung deal na yun at hindi mo mahahanap ang katotohanan.

Q. Pero Senate President, di ba ang isyu ho yata run ay dahil naitanong na daw sa isang executive session, totoo ho bang naitanung na yun?

SPMBV : Well naitanung na at sinagot na, executive privilege in effect parang hindi rin sinagot, at sabi ng supreme court huwag na daw itanong uli yun, panu mo naman hindi tatanungin yon dahil yun naman ang gusto mong malaman, kung hindi mo tatanugin yun para ano't iimbitahin mo si pa Sec. Neri?

Q. Pero Mr. Senator, sabi naman po ng Supreme Court pansamantala lang, while waiting for the decision on this issue, bakit po hindi niyo payagan, tatlong linggo lang naman daw po.

SPMBV: Alam mo yung ideya, na ang senado ay papayag sa ganitong compromise, mahirap yan sapagkat eto'y kapangyarihan na binigay sa ating konstitusyon, hindi lang kapangyarihan, tungkulin na binigay sa atin hindi mo naman na-cocompromise yang ganyan, yang mga bagay na ganyan, nakalagay yan dyan, hindi mo nacocompromise yan at mahirap naman kung tatlong linggo nga ay magiging precedent yan at babanggitin yan sa darating na panahon. Hindi naman sa sinasabi na maraming iimbestigahan pa ng senado, ang totoo nyan napakarami pa na nakapila sa senado, nandyan ang Southrail, Northrail, yung inexpose na sa customs at spratly islands, napakadami pang nakapila na iimbestigahan pa sa senado, paano naman kung everytime may iimbestigan kami, magkakaroon ng ganitong isyu at sasabihin na compromise na lang pwede lahat tanungin pwera lang yung ganito, hindi naman kami handa doon.

Q. Ano tingin nyo Mr. Senate President bakit ganun ang nasabi na lang muna ng supreme court - compromise?

SPMBV: ayaw ko naman pangunahan ang supreme court at maaaring maganda naman ang intention ng supreme court at ako mismo gusto ko sabihin sa chief justice na wala naman kaming masamang intention sa pagreject sa compromise, hindi naman kami nakikipag-away dito, hindi rin kami nakikipag away sa malacanang, sa judiciary. Nililiwanag lang namin na ito ay paggawa lang ng aming tungkulin at naniniwala kami na maliwanag naman ang tungkulin at kapangyarihan ng senado at yung paglapit namin sa supreme court ay para lamang ma-define yan pero hindi naman kami naniniwala na wala yan sa amin at syempre yang mismong pagbigay sa amin ng order na tigilan muna ang arrest bagamat pinagbigyan namin, marami sa ming naniniwala na hanggat maaari sana hindi naman dapat nakikialam ang supreme court sa senado dahil co-equal body naman yan.

Q. Mr. Senate President habang ang senado, malacanang at supreme court ay political issues ang mga nakasalang, ay dumating pa ho dito ang taga world bank, yung dating bossing ng world bank at siya ay gulat na gulat na sa halip na umangat ang buhay ng mga Pilipino ay lalong bumagsak, 27.6 milyong mahirap na Filipino ang mahirap kumpara sa mga nagdaang taon. Ano po sa tingin nyo bakit nagkaganun di ba magaganda naman ang economic indicator?

SPMBV: meron kasing paglago ng ekonomiya na hindi nararamdaman ng mga mahihirap na kababayan at ito nga yung case na sinasabi rin na hindi naman sapat na mataas ang GDP growth paglago ng ekonomiya, importante din na nararanasan, natitikman o nalalasap ng ating mahihirap na kababayan. Kasi minsan yung mga industriya na umuunlad, ito yung mga industriya na hindi nagbibigay ng trabaho o hindi labor intensive at basta palaki lang ng palaki ng GDP ang hinahabol natin. Pero kung talang poprogramahin mo yan, bibigyan mo ng prayoridad, yung mas marami na ma-eemployed na kababayan natin at makakatikim ng ginhawa. Halimbawa agricultura, kalahati pa rin ng kababayan natin ay nasa agrikultura ngayon kaya kung bibigyan yan ng prayoridad mas mabilis ang pagdating sa ating mga mahirap na kababayan, tapos ung sa job generation medyo mabagal din tayo dyan.Yung dalawang bagay sana na yon kung mabigyan ng prioridad na sabayan yung mabilis na GDP growth, yun nga yung sinasabi namin na hindi sapat na mataas yan kung hindi naman darating sa ating kababayan, ganyan nga ang mangyayari kamukha ng nakita ng world bank na dumarami ang mahirap.

Q. Pero senator, yung pag-aaral ng ekonomista yung pag angat ng ating ekonomiya na 7.3, 7.5 na GNP-GDP growth ay mas nararamdaman po ng korporasyon at ng mga mayayaman na kaysa sa household.

SPMBV: nakikita mo ngayon na puro record profit ang kompanya, syempre importante na malaman mo kung ilang porsyento nyan ang napupunta sa empleyado, o sa mga manggagawa. Dati napakalalaki ng mga dine-declare na income ngayon naglalakihan ngayon. Kaya kung wala namang kasabay yan na paglaki ng benepisyo o pagkakawanggawa ng kompanya, palusog ng palusog ang ilang kompanya pero ang tao naghihirap pa rin. Ang malalaking kompanya natin konti lang at hindi naman malalaki, kaya nga itong malalaking ito ay lalaki pa lalo kahit wala namang ibibigay sa mga empleyado, donasyon at sa mga iba pang kawanggawang aktibidades, talagang ito ang mangyayari sa atin. Palusog ng palusog ang malalaking kompanya, payaman ng payaman ang ilang pamilya pero naghihirap naman ang ilang kababayan natin.

Q. Yung hong numero na un 7.2, 7.3 GNP-GDP, gaano po katagal na nasa ganung level bago maramdaman ng mga nasa ibaba?

SPMBV: depende yun, sabi ko nga mga 3-4 taon pwede na maramdaman yan pero maski mas maaga pa kung halimbawa na last year okey naman ang GDP growth natin, 6% plus 10, kung nasasabayan ng programa na sa tamang industriya napupunta , yung maraming nakikinabang na mga kababayan tayo. Halimbawa sa agricultura, kung saan marami tayong kababayan ang nakikinabang, kung dun napupunta ang paglaki ng ekonomiya, dun nmngagaling, mas mabilis ang pagdating sa kanila kaya maski na ung 7.3, maski 2-3 years pwede na.

Q. Ano po ang immediate na dapat na gawin, kasi yung naririnig natin yung trickle down effect, hindi pwedeng overreact yan e...

SPMBV: pwede mong madaliin, halimbawa kung ang programa mo ay para sa limang taon bago mo matikman yan, pwede mong gawin na tatlong taon, at kung tatlong taon yan pwede mong gawing isang taon, ang sa akin lang ay harapin na natin ang katotohanan kasi huwag na nating itanggi, harapin natin ang katotohanan, ang paglago natin ay hindi nasasabayan ng pagdating sa mga mahihirap so pagharapin natin yan at tanggapin ng gobyerno yan so magkakaroon ng mga bagong programa para madala ito sa kanila sa lalong madaling panahon na matitikman agad ng mahihirap. For example, iyong sa kalusugan na one percent lang ng budget natin, kapag ginawa mong two percent iyan napakalaking biyaya agad ang pupunta sa ating mga mahihirap na kababayan,may mga ganoon na puwedeng biglang gawin.

Q: Paano n'yo po sasagutin, kaya daw nagkakaganito ang pagpapatupad ng basic services dahil hindi tinutulungan ng Senado ang executive department. Ang ginagawa n'yo daw po puro imbestigasyon.

SPMBV: Ang problema, masama nga ang loob namin. kapag maganda ang ekonomiya sa Malacanang lang ang credit, kapag hindi na maganda, sa amin na ang blame -hindi naman. Kasama naman din ho kami sa paglago ng ekonomiya. Ang totoo niyan, napakarami na ho naming bills na ipinapasa. 22 ang napasa namin ngayong taon na ito. Normally, sa unang taon ng Kongreso, walang pinapasa. Ngayon nakaka-22 na kami. Kaya mali ang sinasabi na ang Senado ay puro imbestigasyon lamang. Record number po ang napapasa naming mga panukala. Last month, nag-usap ang Malacanang, ang House of Representatives at Senado sa LEDAC. Nagkasundo kami na siyam na panukala ang kailangan para makatulong talaga sa pagpapasigla ng ekonomiya at ng ating buhay. Doon sa siyam na iyon, walo na ang ipinasa namin. Kaya nagtataka nga ako bakit sinasabi ng Malacanang na wala kaming ginawa kundi mag-imbestiga. Mali po iyan. Alam naman ng Malacanang na sa siyam na napag-usapan naming na priority, walo na ang napapasa namin.

Q: Isa na lang pala?

SPMBV: Iyong EPIRA na lang.

News Latest News Feed