Press Release
March 10, 2008

Transcript of press briefing with Senator Mar Roxas

On Tuesday's meeting of the Liberal Party with the Communist Party of China (CPC):

MAR: We accepted the invitation from Vice-Minister Liu Hongcai of the Central Committee of the Communist Party of the People's Republic of China. This has been some weeks in the making, they came here and asked to meet with us, and we accepted their invitation. Among other things, I intend to convey to the minister how very important the ZTE anomaly is to the Filipino people, and to convey to him as well that they at the very highest levels of the ruling party in China may not know the details of the transaction. I will certainly ask him to help if they can. We are aware that the Communist Party of China is against corruption. They have punished, they have in fact executed officials for their wrongdoings, so in the spirit of mutual respect, I will convey likewise that we believe there have been anomalies relative to the ZTE reaction. Maaari sa laki ng kanilang ekonomiya at dami ng kanilang inaatupag, itong ZTE ng isang pribadong kumpanya na trading in the Hong Kong Exchange, baka halos parang hindi nila nakikita ito. It's a very important issue, because relations as between our two countries is always premised on mutual respect and transparency.

Q: Will you inform them that some ZTE officials have been subpoenaed?

MAR: I will inform them to show them how important this is to us, at kung makatulong sila, o kaya ma-inform niya ang iba pang mga matataas na opisyales ay baka makakabuti ito. Sinabi ko na magdadala pa ako ng iba pang opisyales ng Liberal Party.

Q: Will you touch on the Spratlys controversy?

MAR: The Spratly issue just emerged over the last several days, I will likewise bring this up na sa ganoon malaman din nila kung gaanong kahalaga ito dito sa atin, na ang pagtingin natin sa Spratlys area ay kasama ito sa national territory ng ating bansa, at habang kinikilala natin na ang bansang Tsina at ang bansang Vietnam ay nagca-claim din sa mga lugar na ito, na dapat ito ay maresolba sa mapayapa at transparent na pamamaraan. Nakikita natin na ang bansang Tsina ay malaki, mayaman. Halos isang milyon ang kawani nila sa People's Liberation Army, may mga nuclear sila at lahat, at dapat hindi manaig dito ang pambabraso, na tayo ay magkasama dito sa Asya, at para sa long-term na prosperidad nating lahat, huwag sanang manaig ang "might over right."

Q: Is the Senate interested in investigating the Spratlys controversy?

MAR: I think there have been several resolutions that have already been filed. I myself am interested to know and to get to the bottom of what exactly was transacted. Was it just seismic exploration rights? Was it actual claims to the area? What were the quid pro quos? To the extent that this belongs to our national territory, and because of the multi-faceted aspects of this issue - foreign relations, trade and commerce, energy, defense - maybe it should be a committee of the whole. But in the meantime we ask that the administration submit all the documents pertinent to the Spratly agreement, so that we can see for ourselves what is at the core of this agreement.

Q: Can this be done together with the NBN investigation?

MAR: Hindi naman, kase iba naman ito doon sa ZTE. Hindi pa natin nakikita na may koneksyon ito. May mga nagsasabi na ito'y isang quid pro quo, na binigay ng administrasyon ang ating claim o pinayagang maging mahina ang ating claim sa Spratlys na ito, kapalit ng bilyong-bilyong pautang sa mga anomalyang mga kontrata. Pero hindi pa naman established iyan.

On the NBN hearings without CHEd Chairman Romulo Neri testifying:

MAR: Today, Lunes, sana nandito na si Secretary Neri, at bukas sana haharap na siya sa Senado. Hindi ko itatago na isa ako sa mga nagtulak na dapat tinanggap nila ang arrangement. Hindi ito compromise, ang sinabi ng Korte Suprema ay yung tatlong tanong na iyan ay subjudice, nasa sa kanila na, kaya maaari, respetuhin ng Senado na nasa Korte Suprema na ang tatlong katanungan na iyon. Pero binigyan tayo ng pagkakataon na magtanong pa ng isanglibo, dalawanglibo, ilang libo pang tanong pa sa kay Secretary Neri, at para sa akin mas mahalaga na maitanong natin iyan sa ngayon sa lalong madaling panahon para malaman ang katotohanan, kaysa sa mag-aantay pa tayo ng ilang linggo, ilang buwan, bago mahusgahan ito ng Korte Suprema.

Pangalawa, sabihin natin na nahusga na ng Korte Suprema sa tatlong katanungan na ito. Dumating na dito si Secretary Neri. Pang-apat na tanong, sasabihin niya muli "executive privilege." Balik nanaman tayo sa Korte Suprema. Magiging padaskol-daskol itong hearing na ito, start and stop, start and stop. Kaya palagay ko, maganda ang sinabi ng Korte Suprema. Isa ako roon sa natalo, na sa minority, na dapat natanggap natin o kinuha natin itong pagkakataong ito. Nanghihinayang ako.

Q: But wouldn't this sacrifice the Senate's powers?

MAR: Maraming gusto mag-interpret sa Korte Suprema, pero wala naman sila roon. Nandoon ako. Inimbita kami sa chambers. Ang lahat ng mahistrado nagsasabi na unang-una, hindi ito utos ng korte, so hindi ito mapapasailalim sa tinatawag na precedent, only for the present circumstance, and only voluntary by both sides. Hindi nili-lift ng korte ang kanilang status quo ante order, ina-arrange na lang nila sa abugado ni Neri na advise-an na pumunta sa Senado. Ganoon din, voluntarily, sasabihin ng Senado, yung tatlong tanong na ito ay nasa korte na, subjudice na, voluntarily hindi na natin tatanungin ito. At para bigyang pagkakataon ang korteng humatol dito sa tatlong tanong na ito at sa iba pang mga executive privilege na i-invoke ni Secretary Neri, sabi ng korte, tanungin niyo na lahat, malaman natin kung sakop nitong executive privilege, huhusgahan namin ito ng minsanan. That's why for me it was a better option to have gone on and accepted this mechanism. Hindi ito compromise, hindi hinihinaan yung kapangyarihan ng Senado na mag-imbestiga o mag-cite for contempt o mag-aresto o mag-detain. Sa ngayon, wala tayong sagot, hindi natin maiusad ang imbestigasyon. Ang buong bansa, nakatiwangwang, nag-aantay dito sa impormasyon na ito.

News Latest News Feed