Press Release
March 11, 2008

Transcript of NBN hearing with Senator Mar Roxas

To Trade Secretary Peter Favila:

MAR: Posibleng hindi natin nilinaw sa bansang Tsina ang pag-kansela nito dahilan sa may sumbong na anomalya o may aktwal na anomalya o mayroong nag-resign na chairman ng Commission on Elections dahil sa may testimonya ng panunuhol. Hindi natin sinabi iyon, sinabi lang natin, 'Mukhang mahirap ito, nagkaroon ng pulitika, kaya huwag na nating ituloy,' kaysa sa 'Alam niyo, bansang Tsina, talagang may anomalya ito. Paniwala namin may panunuhol ito, kaya hindi natin itutuloy ito, magkarespetuhan na lang tayo, at maaari, tulungan niyo kami, para malaman namin kung ano talaga nangyari rito.'

Yung una, sasabihin ng bansang Tsina, 'Ano ba naman itong bansang Pilipinas na ito, mahirap na kausap ito. Ito ay pormal na negosasyon, komo hindi nila ito mapapaliwanag, hindi itutuloy. Yung sa pangalawa, sasabihin ng bansang Tsina, 'Aba, dapat respetuhin natin ang bansang Pilipinas, kase anti-corruption talaga sila, at seryoso sila sa anti-corruption, in fact sila mismo ang humihingi ng tulong natin para malaman yung korupsyon dito.'

And in fact, consistent ito sa sinabi ni Premier Wen Jiabao sa kanilang central committee na ginaganap ngayon na rule of law. Kailangang umiral ang rule of law. Kaya mahalaga para sa akin, Mr. Secretary, kung ano yung paliwanag o dahilan na sinabi mo roon sa bansang Tsina, kase importante ito sa pagtingin nila sa atin, either, yung sa una para tayong immature na bansa, na pumapasok sa usapan na kese mag-abrogate na lang o magre-rescind, o kaya pangalawa, ang tingin nila sa atin, mature tayo na bansa, na anti-corruption o nagdedesisyun batay sa kung ano lang ang tama.

News Latest News Feed