Press Release
March 12, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

On the Trade Committee hearing on prices:

MAR: Nagmahal ang mga bilihin, lalo na ang baboy, kung saan dati-rati P140 ang kilo, ngayon ay pumapatak sa P170. In fact, kinonfirm natin iyan kaninang umaga, nasa Marikina Public Market tayo kaninang alas-sais ng umaga, at iyon din ang ating nakita. Tinanong natin sa industriya, at itong mataas na presyo ng baboy ay mananatili hanggang second-half of this year, at hindi nalalaman kung talagang mareresolba ito.

Nagkaroon ng shortage dahilan sa nagkaroon ng disease dito sa Region 3 at Region 4, bagama't ok naman ang supply sa Mindanao at sa Visayas, pero dito sa Region 3 at Region 4, bawas talaga ang supply.

Pangalawa, yung presyo ng langis ay mananatiling mataas. Ayon sa mga oil companies, na hindi naman tinutulan ng DOE, halos may P2-3 pa na itataas ang presyo sa pump prices. dagdag ito doon sa piso na--P0.50 sa dalawang linggo na nakalipas--na itinaas na presyo ng produktong petrolyo.

Pagdating naman po sa manok, OK ang supply. Lamang, komo nagmamahal ang mais at mga feeds, ay baka kailangan na rin nilang magtaas second half of this year. Pagdating sa isda, stabilized naman po ang bangus at ang tilapia.

Q: Wala na po bang napagkukunang surplus?

MAR: Mahigpit ang supply sa buong mundo. Yung mga dati-rating nag-e-export ay ngayon hindi na nag-e-export, dahilan sa either ibinibenta nila sa China o kinakailangan na nila itong mga produktong ito. Kaya mahigpit ang supply sa bigas; sa trigo, na nagiging harina; o sa mais, na ginagamit nilang feed ng ating livestock. Kaya itong sitwasyon na mataas ang presyo ng mga bilihing ito ay, palagay ko, mananatili.

Q: Pabor ba kayo sa Food Summit na ipapatawag daw?

MAR: Ok naman na magkaroon ng food summit, pero palagay ko ang kinakailangan ngayon ay political will at execution. Alam naman natin na kung ano ang mga problema, marami nang mga pagpupulong na isinagawa rito, sayang naman kung magsa-summit para ulitin naman ulit ang paglalahad ng mga problemang ito. Ang kinakailangan ngayon ay aksyon at execution on the ground.

News Latest News Feed