Press Release
March 12, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on 'Umagang kay ganda'

On having new witness Leo San Miguel and other witnesses take a lie detector test:

Q: Will a lie detector test be effective even if this won't be accepted in court?

MAR: Palagay ko ay magiging epektibo ito, dahilan sa hindi naman ito court proceedings, at boluntaryo silang tatlo na nagsabi na sasang-ayon sila sa lie detector test. Samu't sari and istorya e. Sabi ng isa, pula, sabi ng isa, itim. So para mabuti, sila-sila na magpa-lie detector test at na sa ganoon malaman natin ang katotohanan.

Q: Kailangan po ito gagawin?

MAR: Ire-research ko pa dahil hindi naman natin gusto na taga-dito yung magla-lie detector test, para walang makapagsabi na biased. Maghahanap tayo ng taga-labas, at sa ganoong paraan, ay objective ang gagawa nito. Palagay ko iyan ang pinakamabuti, dahil panlabindalawang hearing na ito, e iba-ibang storya ang sinasabi, mukhang talagang pinagtatakip o tinatago ang katotohanan, so ganito na lang. Ito, this is a clear case na sabi ni Madriaga, si Leo San Miguel mismo nagsabi sa kanya ng mga ito. Sabi ni Leo San Miguel, hinde, hinde nangyari mga ito. Sabi naman ni Jun Lozada, mali iyon, dahilan sa maraming meeting na kasama si Leo San Miguel at kasama siya sa pag-uusap nitong mga maanomalyang bagay na ito. Sabi naman ni Leo San Miguel hinde.

Malaman na natin kung ano ang mangyayari. Boluntaryo, nakita niyo sa TV, boluntaryo silang lahat na nagsabi sang-ayon sila rito.

Q: Pero pwede raw lagpasan itong lie detector test.

MAR: Iyon ang mahirap, sabihin nila sa TV sang-ayon sila tapos ngayon hinde. Tignan na lang natin, kung credible ang mag-aadminister, at hands-off, walang kakilala dito sa Pilipinas, hahanapin natin sa international, tignan natin credentials, at kung katanggap-tanggap naman, sabi nila mismo boluntaryo sila rito.

Q: Kaninong bersyon ang mas kapani-paniwala para sa inyo?

MAR: Para sa akin, hindi kapani-paniwala yung sinasabi ni Mr. San Miguel, dahilan sa matagal na akong nasa investment banking, at yung kanyang arrangement na sinasabi ay hindi naman talaga iyan ang practice na walang dokumentasyon, biro mo, kalahating porsyento sa deal ang kanyang magiging success fee.

News Latest News Feed