Press Release
March 24, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar over DZXL with Erwin Tulfo & Doris Bigornia

Q: Mukhang pati ikaw ay nabuwisit narin dahil dito sa sunod-sunod na pagtaas ng kumpanya ng langis, apat na beses sa loob ng isang buwan mukhang umalma yata kayo sir?

SPMBV: Hindi ko nalalaman kung itong pagtataas nila ay dapat naman naiintindihan natin kasi itong pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo tumataas yan pero halimbawa umabot ng $110 yan ngayon $101 nalang o $103 kaya hindi na masyadong mataas pero ang Peso naman natin ay tumaas din from 57 naging 41 kaya dapat yan nagbabalanse, Neto lamang ang dapat na tinataas natin. Ngayon hindi natin alam kung Neto lamang ang idinadagdag nila kaya gusto ko talagang buksan ang libro ng mga oil companies at gusto ko sana ang Dept. of Energy at ang BIR natin ay magtulong para tingnan ang libro. Wala namang masama kung wala naman silang tinatago ay wala tayong makikita subalit para lamang masiguro natin na ang nilalagay nilang presyo dito ay ang Netong addition at hindi yung dagdag na lamang sila ng dagdag kung magkano ang gusto nilang idagdag.

Q: Senador naabisuhan niyo na po ba yung mga Oil companies na yan na humarap sa inyo at ibigay ang kanilang mga libro para malaman na nating lahat?

SPMBV: Kung kami ang tatalakay nito, batas na naman ang gagawin namin at magtatagal pa samantalang nung pinag aaralan ng aking mga legal staff ito ay nakikita nila na may karapatan naman talaga ang DOE at BIR na tumingin.

Q: Pero Senate President wala namang ginagawa yung mga nabanggit ninyong mga ahensya. Mabuti pa ang inyong ahensya, ang inyong Senado ay gumagawa samantalang itong mga ahensyang ito ay maski na siguro P1M per Liter na ay hindi parin kikilos ang mga ito Mr. Senate President?

SPMBV: Nagtataka nga ako kung bakit ayaw nila samantalang ang BIR naman ay imbestiga ng imbestiga, kung bakit itong Oil companies ay ayaw nilang tingnan at ito ang pinaka-mahalagang dapat nilang tingnan kaya ang mga bagay na ito ang nagpapa- worry sa akin at ako ay nagatataka lamang kung bakit napaka-hilig nilang mag imbestiga ngunit ngayon ay ayaw nilang mag imbestiga.

Q: At ang pagtataas presyo ng gasolina at krudo ay sumasabay pa sa ibang banta sa atin tulad ng Rice crisis ngayon ?

SPMBV: Yan ang dapat bantayan sa gobyerno natin ngayon sapagkat itong bigas ay malaking isyu yan , tumataas kasi presyo sa mundo ng bigas at ang langis sabay na tumataas ito, kapag hindi na-handle properly ng gobyerno ito ay lalaki ang problema at ako'y nalulungkot din naman sapagkat tumataas ang presyo ng bigas ngunit hindi naman nag bebenepisyo ang ating mga magsasaka. Sana man lang ay kung tumaas yan ay tutungo sa mga magsasaka ang pagtaas baka itong mga Oil companies na nagtataas ng presyo ay lumalaki ang tubo. Pero dito sa bigas tuwing tataas ang presyo ng bigas ay hindi lumalaki ang kita ng mga magsasaka at iba ang kumikita ng malaki.

Q: Meron pa bang pag-asa na ma-manage itong mga problema natin sa bigas at langis natin. Kaya pa ba ito, manageable pa ba ito?

SPMBV: Yung sa bigas ay nawawala kasi ang mge fertilizer. Ang problema kasi ay ang corruption din. Kamukha niyan nag iimbestiga rin kami sa fertilizer, sabi imbestiga kami nang imbestiga. Ito ang sinasabi nila nuon na sapagkat may mga taong nagsasabi na hindi nabenepisyuhan ng fertilizer kayat napipilitang umutang tuloy. Pagkaani nila ay ibebenta kaagad maski mura ang kanilang bigas at ang iba ay ayaw nang magtanim dahil walang puhunan sa fertilizer kaya sana itong pondo para sa mga magsasaka para sa Agrikultura ay wag nananakaw at sana ito ay dagdagan pa, dahil sa meron kaming ipinasang panukala noon ang AFMA na magbibigay ng P20 Bilyon para sa agrikultura pero hindi lang narerelease yon in full at yun nga nahahaluan pa ng corruption yung pag release kagaya sa pag narelease yon sa farm to market road at sa ating fertilizer. Itong mga bagay na ito tinatanong niyo kung may pag-asa, kung mawawala lamang ang korupsyon ay napakalaki ng ginhawa na darating sa pamamalakad ng bansa.

Q: Goodluck sa atin kasi recently lang ay deklarado na ang Pilipinas ang No. 1 sa korupsyon sa Asya.

SPMBV: Yun lamang naman sapagkat itong parehong bagay na ito sa Langis at sa Bigas ay talagang malaking bagay na ang korupsyon dito.

Q: Mabalik po tayo doon sa Langis . Do you think sa iyong pananaw ay panahon na para muling i-regulate ang mga Oil prices natin?

SPMBV: Hindi na kagaya ng dati. Kasi kagaya ng dati ang regulation ay may subsidy, hindi natin kaya ang may subsidy sapagkat wala nang pera ang gobyerno natin . Subalit yung regulation in terms na magkakaroon tayo ng power sa kanila ay dapat siguro panahon na.

News Latest News Feed