Press Release
March 25, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero on ABC 5 and ABS-CBN Bahay Alumni UP Diliman

(gaano kalaking kawalan ang kondisyon ni president cory sa oposisyon kung hindi na sya magiging ganoon ka visible) malaking kawalan palagi ang pisikal na presensya ni pangulong aquino sa mga pagkilos na nagaganap ngayon. Pero higit pa sa pisikal nyang presensya yung pagiging simbolo nya sa pakikibaka, ung pagiging simbolo nya sa malinis na pamamahala at pamahalaan. Dapat intindihin ng mga miyembro ng oposisyon, dapat intindihin ng sambayanan ang kanyang kondisyon. Wag masyadong asahan at hanap-hanapin sa mga panahong ito at hayaan na lamang na maging simbolo sya sa mga panahong may personal syang pakikibaka kaugnay ng kanyang kalusugan.

(hihina daw without cory sa mga rally...) palagi sigurong may ganung epekto sa simula pero ika nga 85 milyon-90 milyon na ang Pilipino ngayon total hindi naman maaari sigurong nasa katauhan lamang ng iisang tao ang pag-asa ng pagbabago sa ating bansa at gayundin ang pagkakaroon ng tunay na pagbabago sa ating bansa nandun palagi at mami-miss palagi ang kanyang presensya habang hinaharap nya ang hamong ito. pero gaya ng sinabi ko andun man sya o wala mananatili syang simbolo sa pakikibaka, simbolo ng kanyang sinimulan na pagsulong ng malinis na pamamahala sa pamahalaan sa ating bansa.

(will it weaken the opposition group in general) hindi makakaila yan syempre question of numbers pa rin yan maski na isang katawan ang nawala at hindi makadalo at makapunta palaging nakakapanghinayang. Pero kagaya ng nasabi ko ito siguro ang pagsubok na matagal na ring hinihintay ng marami sa ating mga kababayan. Ung mga walang mukha at walang pangalan na mga lider at mga sumasali sa pagkilos sila naman ngayon ang dapat mamuno, manguna at syang makita sa mga paggalaw na tulad nito. Hindi na ito siguro panahon para sa mga pinuno at panahon sa mga pulitikong manguna pa. magandang makita namang ordinaryong mamamayan ang nangunguna at ang mga pulitiko nasa gilid, nasa tabi at nasa likod.

(...after president cory sino pa ang nakikita nyong rallying figure ng opposition) mula't mula pa ng panahon ni dating pangulong marcos problema palagi yan ng oposisyon, kung maalala mo hiwa-hiwalay sila hangga't nagkaisa sila sa likod ni pangulong aquino. Nung panahon ni pangulong aquino meron bang nag-iisang figure ang oposisyon noon? Ganun din nung panahon ni pangulong ramos? ni pangulong erap? At ngayon din ni pangulong arroyo? Hindi bago ang sitwasyong ito kung saan walang iisang pinuno, ulo o mukha ang oposisyon. Subalit kapagka dumarating sa puntong kinakailangang magkaisa, nagkakaisa naman ang mga puwersa at mga personalidad para sa iisang layunin at yan ay mapaganda, mapabuti at maipaayos ang kaguluhan sa ating bansa.

(paano ninyo papalabasin sa oposisyon ang puwersa ninyo kung walang rally...) maraming political analysts ang nagsasabi na kapagka kailangan mo ng rallying figure at iisang mukha napakahina ng organisasyon mo dahil pag nawala yun at may nangyari sa kanya babagsak na ang organisasyon. Ang isang matatag at malakas na organisasyon, walang iisang tao, walang iisang haliging sinasandalan. Ito ay nakasandal sa balikat ng bawat isa na bumubuo ng kilusan at ng movement yan siguro ang ebidensya ng isang matatag at malakas na organisasyon at mapapatunayan yan sa mga susunod at darating na mga araw at linggo.

(pero lumalabas kasi ang malinaw na sagot eh wala namang makakapalit kay president cory sa pagiging untarnished, unbiased. Ung iba kasi iniisip nila may agenda so may void talaga kung ganun...) kung sino man ang mawala sa organisasyon palaging may void. Tama ka sa nabanggit mong void kung saka-sakali ngang haharapin nya ang pakikibakang ito kaugnay ng kanyang kalusugan. Pero marami din namang mga pinuno na kapag nawala ay hahanap-hanapin din at meron din kaming kailangan punuan kung sino mang lider yan at kung sino man, malaki o maliit na lider, malabo kong masasabi sa yo kung ano ang mawawala kung saka-sakaling biglang tumahimik sya, tumigil sya at hindi na magsalita. Sinuman ang may pagkukulang, sinumang may kapintasan palaging kawalan pa rin at may mawawalan pa rin sa amin. Halimbawa, sa dami ng pintas na binabanggit at sinasambit kay dating pangulong Estrada kapagka sya ang mawala at biglang hindi na makialam at manahimik malaking kawalan sa oposisyon un. Simbolo rin naman sya ng pagkakaroon ng isang tao na tunay na naiintindihan at nakakaintindi sa pulso ng masa at mas nakararami nating kababayan. Gaya nang nasabi ko sinumang lider na nawala at tumigil palaging kawalan at palaging mami-miss.

(sir kailangan pa bang ibalik o bumalik sa kalsada si tita cory) ang pagsali sa anumang pagkilos personal na desisyon palagi yan ng taong sumasama, ang hirap kapagka pinapanawagan, hinihila at pinipilit ang taong hindi handa o ang taong ayaw pa. hindi ko sinasabing ayaw nya pero kanya-kanya siguro tayo, maski na ako mas ginagampanan ko ang papel ko sa senado at hindi naman ako masyadong sumasali nang aktibo sa rally sa pamamagitan ng pagsalita sa stage. Pero andun ako nasa likod, nasa gilid at sumusuporta. Ganun ang papel na ginagampanan nya hindi siguro kailangang magpataasan ng ihi, magpalaparan ng papel at mag-unahan sa entablado. Ang dapat na tanggapin ng bawat isa, ano ba ang papel na dapat nyang gampanan para mabuo natin ang binubuo nating lipunan at pamahalaan.

(anong mga hakbang ang dapat gawin ngayon ng oposisyon para hindi maging ganon kalaki ang maging impact nitong pangyayaring ito) hindi pa pinaguusapan sa ngayon pero ang anumang hakbangin kailangang simulan sa pagtanggap at pag-ako na meron ngang problema, at pagkukulang na magaganap matapos ang balita kahapon kaugnay ng karamdaman ni pangulong aquino. Marapat pagtulungan ito, marapat na pagusapan ito, hindi lamang sa larangan at panig ng interes ng oposisyon para din sa larangan at panig ng interes at kalusugan ni dating pangulong aquino. Papaano ba maaalis ang pressure sa kanya kaugnay sa mga pagsali, kaugnay sa pagpunta sa mga pagkilos. Dapat siguro wala namang pintas na marinig mula sa hanay namin. Dapat intindihin ang kanyang kalagayan at dapat mag-alay ng dasal at kung anumang tulong na marahil ay kakailanganin ng kanyang pamilya. Malapit na kaibigan ko si noynoy bagaman sa mahabang panahon ay hindi kami nagkakasabayan sa posisyon sa pulitika maliban sa mga panahong ito at maski na noong nung kami ay hindi magkasama lalo na siguro ngayon na kami ay magkasama mas lalong pinag-ibayong pag-intindi, pagsuporta at pagtulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

(kung sasabihin ni cory na kahit na ..pipilitin pa rin niyang sumama sa rally...) hindi para sa akin na humiling sa kanya ng ganun gaya ng sinabi ko ang pagsali o pagpunta ay boluntaryo dapat hindi pinipilit, hindi hinihila. Kung gagawin nya yun sa ngayon ay nag-uumapaw na ang respeto ko sa kanya siguro mas lalo pang mag uumapaw. Pero ang pinapanawagan ko rin sa kanya at sa kanyang pamilya hindi naman ganyan ang hiling, ang layunin. Hindi yan ang hiling ng kilusan, ang hiling ng kilusan ay magpalakas, magpagaling dahil kailangan pa sya hindi lamang ng oposisyon, kailangan sya ng ating bansa at n gating mga kababayan lalong lalo na siguro ng kanyang pamilya.

(nagbigay statement si pgma... possible reconciliation....) alam mo mula nang pumasok ako sa pulitika, labas naman talaga sa usapan ang pagkain, pabahay, personal na pangangailangan at pagpapagaling kung ikaw ay may karamdaman. Hindi dapat hinahaluan ng kulay pulitika yan. na sya ay handa nang makipagreconcile labas yun dahil bilang tao dapat lang naman na sinumang may karamdaman dapat lang naman sinumang maysakit, sinumang mangailangan, dapat anumang kulay ay iyong dinadala, pula man o puti, itim man o puti dapat andun tayo at handang tumulong. Pinakita lamang nya ang pagiging kristiyano nya at pagiging katoliko nya.

(pero hindi reconciliation per se) hindi ko bibigyan ng ganung kalalim o ganong kahabang kahulugan un para sa akin un ay layunin lamang at pagnanais ng isang tao, ng isang katoliko sa kanyang kapwa. And she did not have to say anything.

News Latest News Feed