Press Release
March 26, 2008

Interview with Sen. Alan Peter Cayetano in DZMM: Dos por Dos on SC decesion on Neri's appeal

Anthony: Senator magandang umaga po.

SEN. ALAN: Magandang, magandang umaga Gerry at Anthony at bagama't pakilala nyo kinapon hindi naman kami kampon.

Gerry at Anthony: (laughing) may kinakapon din ho bang itik sa Pateros? Wala ata?

SEN. ALAN: Matitigas ang tuhod naming dun kaya hindi nila basta-basta makakapon kahit na may ganitong Supreme Court decision Anthony at Gerry let me assure our people na determinado kami na sa ibang paraan we will still achieve and get the whole truth. But hindi kami handa na bitawan itong issue na ito at tanggapin yung doktrina ng desisyon na ito.

Gerry at Anthony: Ganun nga ho ba nag pakiramdam o ng dating sa inyo Senator Alan na parang binawasan, tinanggalan kayo ng inyong kapangyarihan? Sa naging desisyon ng Supreme Court.

SEN. ALAN: Anthony at Gerry dahil nakikinig pati ang Senate reporters humihingi nga kami ng paumanhin dahil hindi kami nakapag-react kaagad except to say that we are disappointed at tuloy yung search for the truth sapagkat 63 pages ito sa internet hindi ko lang alam sa printed version and wala pa kahapon. Kaya kahapon nung lumabas ito hindi naman kami makapg-react ng hindi pa namin binabasa. Pero talagang nung nabasa namin, yung pagkadismaya namin ay lumaki ng lumaki. With all due respect sa Korte kasi huwag muna dun sa issue Executive Privilege Gerry at Anthony kasi nadiscuss niyo kaninang umaga sa Punto per Punto yun. Halimbawa dun sa sinasabing hindi na-publish yung aming rules, alam niyo po itong Jose Pidal investigation was under the 1995-rule. Ito pong Standard Chartered Bank naaalala niyo yun?

Gerry at Anthony: Opo.

SEN. ALAN: Na hindi na naman pinalabas na ng Senado at ignore in contempt yung ibang opisyales. Itong Fabio vs Gordon na sinundan ng inyonh himpilan at nang inyong mother network at inaresto si Senator Gordon. That was under the 1995 rulesat inaphold ng Supreme Court. Kaya nakakagulat na pagdating dito sa ZTE at kay Sec. Neri biglang sisilipin nila na hindi daw ito na-publish samantlang we are a continuing body na hindi naman natutulog o namamatay ang Senado dahil 12 elect lang naman every 3 years. Even assuming that we have to publish it every congress, ang dyaryo po isang araw mo lang mababasa pero ang publication naming through the internet 24 hours a day nandoon po yung rules ng Senate. This is just an example of how disappointed we are dahil madedelay ang aming imbestigasyon. So pati halimbawa mga pulis at sila Gen. Atutubo, yung mga taga airport na tumakbo sa Supreme Court ayaw nang mag-testify nung nabuking na sa kanilang mga logbook ang mga nangyari sa airport na may mga taga PSG dyan at nung after magtestify ni Corporal Ramilla na kasam din siya na kumuha kay Mr. Lozada. Samantalang sa testimony nila ang sabi nila wala kaya ayaw ng humarap sa amin. Pati ito maantala ito dahil ibig sabihin kailangan pa namin i-publish pa and I don't know what does that mean whether they're saying invalid yung mga iba naming nagawa during that time. Talagang napaka far reaching nitong desisyon na ito but ang mas importanteng parte talaga at tama yung sa show mo kaninang umaga Anthony yung executive privilege. Merong part sa decision na sinasabi na kapagka executive agreement, kasama ito sa diplomatic at sa military. Diba?

Gerry at Anthony: Yes.

SEN. ALAN: Ibig sabihin ba yung Spratlys, Northrail at Southrail hindi na rin kami pwedeng magtanong sa mga secretary at pwede na rin sila mag Executive Privilege. Narinig ko rin sa inyong introduction nyong 2 yung tungkol sa supply ng bigas. Alam nating lahat na part ng reason why wala tayong self sufficiency ay dahil sa mga anomalya sa importation ng bigas. At alam din natin na na yung fertilizer scam na kung saan naging kilala ang pangalan ni Usec. Joc-Joc Bolante ay galing sa isang foreign fund galong sa America yung part of that fund kung hindi ako nagkakamali. Ibig sabihin ba hindi na rin namin pwede imbestigahan yan halimbawa dahil kung meron Executive Agreement diyan o kung may Diplomatic Ties na link dun. Anthony, Gerry and pagka dismaya namin hindi lang dahil dito sa ZTE-NBN. Kung hindi sa mga far reaching na implikasyon nito that is why we will be forced to really further pursue our legal remedy either for motion for reconsideration at ipaalam sa mga kababayan natin to shows like yours kung ano ang implikasyon nito sa ating demokrasya. Kasi sa ngayon mas powerful pa ang Presidente kaysa sa Santo Papa. Hindi lang siya pwede magpardon kung sinu-sino, impallable na rin siya ibig sabihin hindi na pwedeng kwestyunin ng Korte man o ng Senado.

Gerry: Naintindihan na natin ang epekto sa kakayahan sa kapngyarihan ng senado ang naging desisyon ng SC. Hindi ho ba dapat co-equal branch ang Senado at Supreme Court?

SEN. ALAN: Ah, Gerry, hindi lang sa Senado, hindi lang sa Kongreso, sa buong sistema natin ng demokrasya. Kasi kung babasahin mo dito sabi nila wala naman dispute. Hindi pwede gamitin ang Executive Privilege para mgatago sa isang krimen. Kami aminado kami na hindi naman kailangan lahat imbestigahan namin at in fact ito NBN-ZTE pag inimbestigahan ng mabuti ng ibang ahensiya o ng ibang institusyon pwede naman na hindi imbestigahan. May part ng desisyon na nagsasabi na kung Korte o kung Criminal prosecution ang pag-uusapan kailangan magsabi at hindi pwedeng executive privilege. Kagabi naghihimotok nga an gating kaibigang si Atty. Roque dahil ayaw ipatawag ng Ombudsman o ayaw pasagutin ang presidente. Hanggang ngayon wala naman akong nababalitaan na sinabi ng Office of the Ombudsman itong 3 tanong ng mga Senador sagutin mo Sec. Neri because there is a pending criminal prosecution. Ibig sabihin Gerry, Anthony kung babasahin mo yung desisyon para bang may iba pang tatakbuhan ang tao kung may gusto pang malaman ang tao. Na may mga institusyon na pwedeng gawin ito. Pero kung titingnan mo ano nangyayari sa katotohanan hindi naman nagyayari ito. The Office of the Ombudsman and other prosecutorial offices have not been asking the question na tinatanong ng Senado. Hindi naman siguro tayo papayag lahat lahat na dead end na lang tayo.

Gerry: Ano pong plano ng Senado sa nangyayaring yan? Ang mga pakpak ninyo ay iginapos.

SEN. ALAN: Makakalipad pa naman kami kasi hindi lang dalawa ang pakpak namin. Ibig sabihin may other sources, may other witnesses naman, may mapo-pursue kami. Pero I agree naantala na naman kami. Number 2, we will continue discussing the decision para nga an gating mga mamayan can weigh in or malaman din ng mamamayan natin yung implikasyon ng desiyon na ito dahil medyo mahaba. Mahirap himayin ito. But number 3, Yung legal remedies katulad ng motion for reconsideration. I've been meeting with our staff yesterday. We will be meeting with our lawyers today. And a lot of legal luminaries and legal scholars agree na napakabigat ng ilang mga statements na biniga. Halimbawa Gerry at Anthony may isanf statement dun sa korte na hindi daw napaliwanag or hindi na show ng committee. Be rest daw ang records kung gaano ka-kritikal sa aming legislation ang malaman ang sagot sa tatlong question na yun. Siguro naman po napaka-obvious sa ating mga kababayan. $329 million ang pinaguusapan. $130 million in alleged kickback or that's about 6 billion pesos at the exchange rate during that time. Siguro naman kritikal malamna kung ang Presidente ay nagbigay ng go signal o kung may kinalaman dito o wala. Diba?

Gerry: Oho.

SEN. ALAN: I think that's so obvious but sa decision hindi kritikal sa aminna malaman ang mga ganung klaseng impormasyon. Isipin mo Gerry, Anthony, kung kayong 2 ay Usec pinatawag namin kayo 2 kayong secretary at meron kayong ginastos na ganong kalaki. Tatakbo rin kayo sa Supreme Court at sasabihin niyon masyadong maraming tanong, 11 hours na, hindi naman kritikal yung sasabihin, executive privilege. Anong mangyayari sa atin? Magiging kampante kayo na kahit anong gawin ng Executive makakligtas na lang. We want to discuss these issues. Of course with the investigation side Gerry, Anthony, let me assure you itututloy pa rin namin. Parng yarng programa na yan ay Dos Por Dos. Pagsinabing hindi niyo pwedeng interbyuhin si Sec. Neri, sigurado ako hahanap at hahanap kayo ng pagkakataon o ng paraan na iba maiinterbyu niyo or ibang ebidensiya or whatever issue ang mapresent niyo para lumabas ang totoo. Ganun at ganun din ang gagawin ng senado.

Anthony: Senador, kalian po ang susunod na heqaring niyo?

SEN. ALAN: Magmimiting muna kami ng mga abogado mamaya kasi kung ang desisyon ang titingnan mo ay kailangan muna naming i-publish yung rules ulit. Pero ang plano kasi namin next week. Pero nangungunsulta na nga ako kahapon sa witness list pero itong si Mr. Ruben Reyes kung maaalala niyo yung tinuro ni Mr. Leo San Miguel na leader ng gang of 4. Tinawagan n gaming staff yung abogado at sinabi baka another 2 or 3 weeks pa sa abroad. Pero kung naaalala niyo last hearing nangako na babalik na ito. Napaka importante na witness nito whether or not mag-cooperate kasi makikita natin na meron pala talagang Filipino group na may kikitain sa deal na ito. Dahil naaalala niyi si chairman Abalos parating sinasabi dinesigneyt na ZTE. Kahit anong gawin mo ano pang ikokomisyon mo dyan. Ano pang kikitain mo. Pero kinonfirm ni Mr. Leo San Miguel na mayroon pa siyang bonus na meron siyang commission kung matutuloy ang deal at mas malaki yung kay Mr. Ruben Reyes. Whether or not maging hostile o cooperative itong witness na ito importante na marinig natin at ma- confirm natin sa mamamayan whether or not may Filipino group or whatever you call it tinawag ni Mr. Madriaga na " Greedy Group". Pero kung ang rules naming ay kinuwestyon at ganito I just need to consult our lawyers today and siguro yung motion for reconsideration. But let me assure you Anthony at Gerry hindi man next week or the next week after basta sa medaling panahon kasi gusto na ron natin tapusin ito. Actually kung nag-cooperate yung lahat ng mga secretary sana tapos na tayo. Katulad ngayon ni anino ni Usec. Formoso hindi naming mahagilap pero sa telebisyon parating sinasagot yung issue. Pagdating sa Senado yung mga gusto namin itanong katulad nung overprice na sinubmit ni Mr. De Venecia at ni Mr. Madriaga hindi naman mag aaatend wala naman 464. Mayroon ng executive privilege pero ayaw pa rin mag attend. Sana makita ng Suprem Court kasi iba yung nasa papel. Kasi pa tiningnan mo yung Supreme Court desisyon parang napaka santo ng dating Malacañang at ni Sec. Neri. Para bang sabihin lang nila na Diplomatic o military.

Anthony: Sige po Senador good luck pos a inyo dyan sa senado. Pagaling po kayo.

SEN. ALAN: Maraming maraming salamat. Papakita naming sa inyo na hindi talaga kami kinapon at mangaganak ng mabuti ito.

Gerry and Anthony: Thank you.

News Latest News Feed