Press Release
March 31, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar in DZRH
with Andy Vital and Karen Golfo

Q. Ito pong isyu ng desisyon ng Korte Suprema, meron na po bang nabuong desisyon ang mga senador kung paano itutuloy ang imbestigasyon sa ZTE-NBN?

SPMBV: Magpa-file kami ng motion for consideration para mapaliwanag namin ang inaakala naming malaking kamalian na desisyon ng court. Talaga namang marami kaming kinukonsultang mga eskperto sa konstitusyon na pawang nagsasabi na medyo malaki ang pagkukulang ng desisyon ng supreme court. Isa-isa naming ipo-point out sa kanila kagaya nitong rules, naniniwala kasi ang Senado na kami ay continuing bodies dahilan sa any one time labin-dalawang senador ang hindi naman umaalis sa pwesto. Kaya noong nai-publish na namin ang rule naming, unless babaguhin yan, hindi naman namin binabago ang rule namin. May rule na kami at na-publish na yan. Ang sinasabi kasi ng desisyon na iyan ay para kaming House of Representatives na kailangang magpublish ng rules. Sila naman kasi ay hindi continuing dahilan sa every three years ay nagpapalit ng buong miyembro ang House of Representatives. Pangalawa, na- publish naman sa website ang aming rules na yan. Kaya sa aking palagay, anybody na na gustong magbasa ng rules na yan, pwede namang basahin. Magpa-file kami ng motion for reconsideration para naman mapaliwanag namin ng husto masabing eni-exhaust namin ang lahat ng legal means para sa isyung ito.

Q. Anu po yun hanggang sa magfile kayo ng motion for reconsideration, hindi muna matutuloy ang public hearing sa ZTE-NBN probe?

SPMBV: Hindi naman. That means hindi pa naman final ang Supreme Court decision. Puwede nga kaming mag-hearing ngayon. Kaya lang hindi naman dumadating, kaya si Sec. Ermita kung sasabihin niya sa akin na basta i-publish nyo yan siguradong papupuntahin namin ang lahat ng cabinet member namin sa lahat ng patawag nyo, siguro kahit na i-publish na agad. Kaya lang baka mamaya sinasabi niya iyan pagkatapos kapag pinablish namin, hindi teka muna ibang usapan iyan

Q. Tungkol po sa interpretasyon ng administrasyon, para pong lumalabas na kahit anong imbestigasyon ninyo in the past ay dahil nga sa wala pong rules on procedures ay parang invalid po?

SPMBV: Paano ang mga budget nila? Ibig sabihin invalid iyon? So wala silang pasweldo. Ang pinupunto ko lang, hindi ako nag-aagree dyan at iniinterpert nila na kapag maganda sa kanila, susundin iyon pero handa ba silang i-invalidate lahat ng mga proceedings naming? Ang sa akin kasi ay self-serving ang statement na iyon. Hindi kami sumasang-ayon doon. In the same manner, sa kanilang interpretasyon halimbawa kung ano ang executive agreement, sila ang gumagawa ng rule nila. Ang sinasabi naman sa konstitusyon, ang mga treaty ay kailangang i-ratify ng Senado pero sila lang ang nag de-define kung ang isang agreement ay treaty or isang executive agreement na hindi na kailangan ang ratification ng Senado. Sila lang ang nagsasabi niyan. Kaya kami ay maliwanag dito, na publish na namin ang rule naming at hindi kami sumasang- ayon sa desisyon ng Supreme Court na iyan.

Q. At sana naman ay ipaliwanag din ng mga senador, gayundin ng Malacañang na existing pa rin ang separation of powers. May mga ginagawa kayong procedures na ayon sa inyong alintuntunin. Huwag ho sana kayong didiktahan na gumawa ng inyong mga rules.

SPMVB: Alam mo hindi naman kami nagdidikta sa Supreme Court kung paano ang rules nila. Masyado namang tini-teknikal kami dyan. Alam mo iyung maliit na bagay ang pinalalaki na aakalain mong hindi na pinag-usapan ang merit at pinag usapan na lang na i-publish ang rules. Okey naman na pag usapan iyan subalit alam natin na iyon sanang main issue ang pag-usapan, iyung issue ng executive privilege. Itong mga isyu na ganito ay parang masyadong peripheral. Kung baga, naghanap na lang ng butas at pinapalaki ang dapat ay isang maliit na isyu lang, kasi publication lang. Naiintindihan ko naman na kasama din sa rule iyan pero ang isyu kasi dito ay iyung nangyayari ngayon, ang sinomang pangulo, hindi ko naman sinasabi ang pangulo lang ngayon, ay pwede nang gumawa ng maski ano dahilan saw ala nang kailangang magpaliwanag, lahat ng cabinet member ay hindi na pwedeng sumagot. Wala nang magtatanong sa kanila. Parang may license to commit a crime na ang ating executive department dahilan sa ruling ng supreme court na iyan. Lahat na lamang ay executive privilege, kapag nagnakaw si ganito, executive privilege, kapag pumatay ng tao si ganito, executive priviledge, merong binayolate na ganito, executive privilege. Iba na ang sistema ng ating gobyerno kapag ganyan. Hindi na tayo demokrasya at wala na ang check and balance natin.

Q. Sana naman binibigyan ng pansin ng mga mahistrado at ng ating kababayan na ang mga ganitong desisyon, lalo na kapag Korte Suprema na ang nagdesisyon, magiging precedents na ito sa iba pang rulings kahit hindi sa administrasyon na ito, kundi sa mga susunod na pang gobyerno hindi po ba?

SPMBV: Umaasa pa rin ako na meron tayong sapat na magagaling na tao sa supreme court at iba-value iyan. Alam mo syempre merong nagsasabi sa aking Supreme Court Justice na kapag matagal ka na riyan, minsan talaga naaapekto ka na rin ng kahalagahan ng iyong pwesto na kayo ang pinal na takbuhan ng lahat ng ang tingin ay naaagrabyado sa isang bansa. Napakahalaga na hindi kayo nadidiktahan sa anumang desisyon na inyong gagawin. Kaya ang ayaw nating mangyari ay itong Supreme Court ay matawag na Arroyo court. Kasi dati ang Supreme Court ay tinatawag sa pangalang ng chief justice, minsan Teehankee Court, Panganiban Court. Ito naman ay ayaw kong masabi balang araw na Arroyo court.

Q. Mr. Senate President dumako naman tayo sa problema sa bigas, Anu-ano na po ang napag alam nyo tungkol sa supply, price situation ng pangunahing butil?

SPMBV: Ito na naman may krisis tayo, kaya suddenly naging importante ang agrikultura. Naniniwala ako na ang agrikultrura ang isang kadahilan kung bakit dumarami ang naghihirap sa kabila ng sinasabing pag-sigla ng ekonomiya. Mataas daw ang ating GDP growth na sabi ng gobyerno ay 7.3%, bagamat kinukwesyon ito subalit dineklara natin na 7.3%. Nagtataka sila bakit sa survey ay dumarami pa ang mahirap at lalong dumarami ang nagugutom. Itong agrikultura kasi ay hindi nabibigyan ng atensyon. Merong P20 bilyon tayo na dapat i-release sa AFMA, ay hindi pa natin na ri-release. Ang ginagawa natin ay sina-substitute natin ang budget dyan at hindi nabibigyan ng mga solusyon na alam naman ng lahat ng eksperto natin. Noong maging chairman ako ng agrikultura, alam lahat ng eksperto natin ang dapat gawin, iyong pagtatayo ng warehousing facilities, drying facilities. Sdapagkat ngayon nakikita natin ang mga magsasaka, sa kalye lang pinapatuyo ang mga bigas nila. Nawawala ang 15 hanggang 20 porsyento ng ani. At ang nawawalang ito, kung hindi nawawala ay wala tayong kakulangan sa bigas. Sapat nasa ang bigas natin. Nagmamahal ang fertilizer, nananakaw kasi. Inimbestigahan namin iyan. Maraming pumuna sa amin na kayo naman, imbestiga nang imbestiga. Pero nakita n'yo naman, ngayon mahal ang bigas. Naaalala natin ngayon si Jocjoc Bolante. Naaalala natin ngayon na wala kasing fertilizer, paano tataas ang fertilizer natin? Nagyon nakatingin na naman tayo sa agrikultura, napakarami na namang solusyon an gating pag-uusapan ngayon. Everybody na naman ay Mr. Agriculture, subalit pagkatapos nitong krisis ay makakaligtaan na naman iyan. Hindi na naman mahaharap ang mga magsasaka natin. Hindi naman sila nagbebenepisyo dito sa taas ng presyo ng bigas natin. Mataas ang presyo ng bigas sa world market at dapat sana ang farmers natin ay mas masaya. Pero hindi nila masaya dahil sa bumibili sa kanila ang NFA nang mas mababa, iyon namang mga trader ay inuutangan nila kaya hindi pa sila umaani, naka-sanla na ang harvest kaya ang presyo ng bigas nila ay mababa. Mataas ang binabayad n gating mga kababayan sa bigas pero hindi napupunta sa mga farmers, napupunta lamang sa traders ito at sa inefficiency o incompetence ng NFA.

Q: What is the implication of lower rice tariff and importation of rice by the private sector?

SPMBV: In the long run, maganda ang pagpapayag sa private sector na mag-import dahil sa alam natin na noong NFA lamang ang nakaka-import, maanomalya din iyan. Alam natin na may nakikinabang diyan noong NFA ang nagi-import. Sila ang nagbibigay ng lisensya sa importasyon niyan. Alam naman natin na may kumikita diyan. Ngayon, ang pagbibigay sa pribadong sector ay okay lang. ang pagpapababa ng tariff, okay lamang provided na ang mga magsasaka ay hindi masyadong maapektuhan. Huwag ho nating kalilimutan ang mga magsasaka natin dahil sa baka sa kanila mabawas iyan. Gusto nating siguruhin na ang pagbaba na iyan ay hindi bababa ang kikitain ng mga magsasaka. Dapat naman dahil sa maliit na lang ang kita nila ay hindi na maapektuhan. Sana ito ay manggaling sa mga rice trader na lang natin at sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hoarding. Kasi normally, kapag nagbaba ka ng tariff, maganda iyan sa kumukunsumo ng bigas subalit ang farmers ang kawawa diyan.

Q: Babaha dito ng imported rice at hindi mabibili sa tamang halaga ang ani ng mga magsasaka.

SPMBV: Kaya titimplahin dapat iyan sapagkat napakaraming magsasaka na maapektuhan diyan. Magdahan-dahan po tayo. Pero ngayong may krisis na ganito, maaari siguro temporarily basta masiguro lang natin na mabibigyan natin ng pamalit ang mga magsasaka natin kagaya halimbawa ng mga subsidized na fertilizer, subsidized na mga binhi at subsidized na pesticide.

Q: Sa North Cotabato, may solid proof na ng pakikipagsabwatan ng NFA sa private traders, sana ay suportahan ng national leaders natin na maimbestigahan ito.

SPMBV: Kami naman kasi, ayaw na kaming pag-imbestigahin ng executive pero gusto ko talagang tingnan itong NFA dahil sa bilyun-bilyong piso ang lugi nito taun-taon. Maraming anomalya ang nababalita dito from importation na malaki, hanggang sa nire-repack, hanggang sa binibigay sa trader, kaya ang bili nila sa farmer ng bigas ay murang-mura, pero lugi pa rin sila. Dapat sana ang mura na iyon ay ipapasa nila sa consumer, hinahanap naman ng consumer ang NFA rice na mura, wala namang nabibili. Talagang gusto kong tingnan ang NFA, in fact gusto kong palitan ng ibang agency iyan sapagkat napakarami ko nang naririnig diyan. Pero hindi ko naman nilalahat ang empleyado ng NFA. Marami rin diyan ang magagaling at matitino, honest din. Subalit meron din talaga na medyo may kapilyuhan at dapat ma-prosecute ng batas.

Q: Kailan po ang balik ng sesyon?

SPMBV: Dalawa na lamang ay babalik na kami sa sesyon. Dapat sana ay tuloy-tuloy ang imbestigasyon naming subalit naharang kami ng Supreme Court. Ngayon ay nagre-review muna kami ng posisyon na gagawin namin. Sa amin kasi, bagamat iginagalang namin ang SC at talagang ie-exhaust naming lahat ito, syempre hindi naming basta-basta papabayaan na lamang ang Senado, isang co-equal body, ay gaganyan-ganyanin na lamang. Titingnan muna naming, magpo-focus muna kami sa filing ng motion for reconsideration para maipaliwanag naming sa kanila ang sa inaakala namin ay masyadong kamalian na desisyon na iyon. Kung iyan ay made-deny, doon na lamang kami gagawa ng aksyon na sa inaakala namin ay mahalaga sa pangangalaga ng karapatan ng Senado.

Q: On 147 OFWs detained in Riyadh asking help for repatriation

SPMBV: Dahil nga sa mahigit kalahati ng ating OFW ay undocumented, dapat gumawa tayo ng sistema kung paano natin mapapangalagaan ang ating mga kababayan maski na undocumented. Itong ating pagpondo sa pagpapauwi ay hindi maliwanag. Iyong OWWA halimbawa, pinopondohan nila ang miyembro nila paminsan-minsan, nade-delay naman. Iyong mga undocumented, paano naman sila, saan sila kukuha? Hindi naman puwedeng pabayaan sila sapagkat mga kababayan natin sila. Wala ngayong in-place na sistema. Meron nga akong nai-file na panukala diyan, dangan nga lamang at napahalo dito sa gulo sa Senado. Subalit naniniwala ako na dapat merong in-place na funding source ang ating mga OFW na may ganyang kalagayan. Sapagkat tuwing ako ay mag-iikot, tuloy-tuloy at dumadami pa ang mga ganyang kinukupkop sa embassy, hindi mapauwi dahil sa walang pamasahe. In fact, sa pag-iikot ko nga almost always, nagbibigay ako ng pamasahe pati tuloy ang ating budget sa pagbiyahe ay nawawala na. Okay lang naman iyon, dahil sa nakakaawa naman din tuwing bibisita ka sa isang embassy at makikita mo marami doon. Kaya anuman an gaming natitirang pera ay ibinibigay namin bilang pamasahe. Pero dapat meron nang sistema talaga na popondohan na ito. Sa budget natin, meron dito dapat na lamang ayusin at siguruhin n gating labor and foreign affairs na ang pondo na iyan ay diretso sa kanila mapunta sa pagpapauwi ng mga kababayan natin na nasa ganitong kalagayan.

News Latest News Feed