Press Release
March 31, 2008

Transcript of interview with Senate President Manny Villar with Neil Ocampo

Q: Ano ang mga programang nakalinya sa Senado para makatulong kayo sa rice crisis?

SPMBV: May crisis na at ang Senado ay gumagawa lamang ng batas. Matagal pa ang implementasyon niyan. Nais ko lang sabihin na meron tayong sapat na batas ngayon para malutas ang problema na iyan. Unang una ang implementasyon ng AFMA (Agricutural and Fisheries Modernization Act). Itong batas na ito ay nagsasabi na dapat magdagdag ng P20 bilyon sa agrikultura taon-taon, bukod sa national budget natin. Kaya lamang, ito ay iniinterpret ng ating gobyerno na P20 bilyon, kasama na ang budget at kasama na ang pautang ng Land Bank. Dapat itong P20 bilyon ay separate pa o kargadagan pa. kung iyan ay naiimplement nang maayos, then meron tayong programa na puwedeng gawin kagaya ng pagtatayo ng mga warehousing facilities o mga bodega, iyong mga drying facilities. Iyong mga facilities na iyan kasi, 15 hanggang 20 porsyento ng ani ng mga magsasaka ngayon ang nawawala dahil sa kakulangan ng mga facilities na iyan, tinatawag na post-harvest facilities. Kung iimplementa lamang iyan, sapat na iyan para ma-cover ang ating kakulangan. Release lamang ang kailangan diyan.

Q: Sa kakulangan na ito, magi-imbestiga pa ba kayo sa Senado?

SPMBV: Sa aspect na iyan, nasa sa pangulo iyan. Hindi naman namin kailangang imbestigahan iyan. Subalit ang takbo naman namin ngayon ay kung merong magpa-file ng resolusyon na nagbibigay impormasyon sa amin, kami naman ay obligado lamang na mag-conduct ng inquiry.

News Latest News Feed