Press Release
April 21, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Senate session hall interview:

On Sec. Sergio Apostol's statement that the Senate should help to solve rice crisis instead of conducting investigation...

Kung mag-i-inquire man ang Senado dapat hindi ito katakutan ng Malacanang, tingnan nilang pagkakataon ito para ipaliwanag sa publiko, hindi lang sa mga senador, yung mga ginagawa nila para hindi naman magpanic ang taong bayan at para maintindihan na talaga nang may ginagawa sila sa kabila ng krisis na kinakaharap natin. Ang senado mismo nag-aaral at policy-making ito para matiyak na yong problemang kinakaharap natin ngayon hindi na natin muling harapin pa sa pamamagitan ng hindi lamang ng sort-term solutions tulad ng supplemental budget para sa NFA, hindi lamang ng karagdagang batas para tiyakin na yung mga hoarder at nag-aabusong trader ay hindi na makaaktakas pa at gayundin mga suhestiyon na may kinalaman sa pangmatagalang kasunduan para sa suplay ng bigas sa Asean partners natin na top two rice exporters, namely Thailand at Vietnam, at gayundin yung oversight function ng senado para matoiyak na yung ipinangakong pondo para sa AFMA o yung Agriculture and Fisheries Modernization Act ay mare-release na talaga para naman mapakinabangan natin at hindi na muling harapin pa ang krisis na ito.

Will the senate investigate?

I think there are pending resolutions to that effect, I just don't know if it has been referred already to the corresponding committee. Pero kung imbestigahan man yan ng senado dapat yakapin pa ng Malacanang yan bilang pagkakataon na maipaliwanag sa publiko na walang tinatago't kinakatakutan yung kanilang programa at plano para matugunan ang problemang iito.

On JPEPA... conditional concurrence ang...

Magpaparticipate ako sa JPEPA sa plenaryo lamang at kasalakuyang binabasa ko pa ang sobrang daming dokumento kaugnay nyan. Binilang ko, hulinh tsek ko umabot na sa 17 inches ang kapal ng mga dokumento at wala pa ako sa kalahati.

Against ba kayo or in favor...

Hindi patas at parehas na magkaroon ng pasya ako sa puntong ito hanggat hindi ko pa nababasa ang lahat ng position paper pro or kontra man dito sa isyung ito. The least I can do is read everything.

On exempting minimum wage earners from paying income tax...

Nakahanda na ang committee on ways and means sa senado, may draft report na kami para sa exemption ng minimum wage earners mula sa income tax, habang pinagdedebatehan pa natin yung pagtaas ng minimum wage pede nating matulungan an gating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpasa ng exemption nila sa withholding tax o sa income tax. Hindiman tumaas ang sueldo pede nitong mapataas ang take-home pay ng ating mga kababayan na nasa minimum wage level. Iisa lamang ang diperensiya kelanagng maaprubahan muna ito sa House of Representatives bago naming itong matalakay ditto. Yun na lamang ang hinihintay namin bago ito mapagdebatehan at sana mapasa sa plenaryo ng senado.

Mga magkano yun?

Equivalent to the withholding tax being imposed on them na binabawas kada pay day nila, humigit kumulang 30 porsiyento... ang taxes in general... roughly depende sa exemptions nila sa deductions eh... pero more or less makikita naman nila sa pay slip nila na yung binabawas kada buwan sa minimum wage earners yun yung mapupunta sa mga bulsa nila, more or less P5 bilyon ang computation naming na mawawala sa gobyerno na para sa akin kayang kayang lunukin ng pamahalaan at napakalaking bagay kung malalagay yan sa bulsa ng mahihirap nating minimum wage earners... P5 billion a year. Depende sa lugar yung minimum wage, sa Metro Manila P362 yata o P365.

May draft report na kami but we can't report it out eh hangga't (wala pang House version), we have to wait, parang budget hindi ba naghe-hearing kami ditto kahit hindi pa tapos pero hindi pede naming i-report out hangga't wala pa yung (House) version dito. Ganundin din dito (bill exempting minimum wage earners from income tax) tapso na kami sa hearing ditto sa komite kaya lang kailangan naming maghintay ng House version bago kami mgapunta ng plenary.

News Latest News Feed