Press Release
April 22, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas, after LEDAC meeting

On the Medicines bill:

Q: Has the House committed to passing the bill without a generics-only provision?

MAR: Inaasahan na mapapasa ito sa lalong mabilis na panahon. Hindi naman na-take up ang generics only as part of the LEDAC, pero inaasahan na bibigyan nilang respeto ito. Mukhang malapit na malapit na. We will now convert the bill into language for review of both panels based on the meeting of minds last night, kung ano ang napag-usapan kagabi na negosasyon as between the House and Senate panel. May indikasyon na tatanggalin ang 'generics-only.' Tinanong nila kung gaanong katatag ang posisyon ng Senado, at sinabi ko naman na ang posisyon ng Senado ay talagang hindi sang-ayon sa generics-only, dahilan sa kulang talaga ang suporta na binibigay sa health care industry sa ngayon, at importante na manatili sa doktor ang kapangyarihang mag-reseta ng specific gamot sa kanyang pasyente. Since iyan ang posisyon ng Senado, may give-and-take naman, ang Senado ay pinaburan ang pananaw ng House na magkaroon ng price regulation at ng price control.

Q: When is the next bicam?

MAR: Hindi na kami magba-bicam bukas. We will actually write the bicam report. Imbes na mag-meeting tapos mag-e-exchange, gagamitin natin ang oras para mag-draft na ng bicam report para yung mga comments ay specific na doon sa bicam report.

Q: Will the bicam report not contain the generics-only provision?

MAR: That is what it looks like. We met last night, until midnight, and this morning we had the LEDAC. There have already been several meetings with the bicam, and there have been informal meetings. If the disagreeing provisions are reconciled, posibleng magkaroon ng isang pormalidad na meeting, o kaya magci-circulate na lang. Kung magkakaroon ng majority of signatures, iyon na iyon.

Q: Are you amenable to changes in the Generics Law in separate legislation?

MAR: There are bills to amend the Generics Act, to amend the BFAD Charter, kaya itong mga issues ay maaaring doon i-take up. I'm not the Chairman of the Committee on Health, but I know that the Senate Committee on Health will be processing amendments to the Generics Code as well as amendments to the BFAD Code as part of its program.

Q: When will the draft report be done?

MAR: I expect a draft by the end of today or tomorrow. The draft is already pending, we're just going to fix two or three provisions. On LEDAC prioritizing the exemption of minimum wage earners from income taxes:

MAR: What was brought up was our proposal to remove income taxes from minimum wage earners, to give relief to our people. There seemed to be some consensus around that. There was a discussion on the methodology. One method was to simply accept minimum wage earners. The other method, which the House favors, is to increase the maximum exemptions from the present P60,000 to about P150,000, and that will already cover all minimum wage earners.

Q: How much revenue would the government forego?

MAR: About P8 billion a year, but this is not going to be totally lost, because this money will be spent, and once spent, there will be VAT and other taxes that will be paid. P8 billion in the larger scheme of things is not a lot of money.

Q: How would it affect the government's efforts to meet targets?

MAR: The tax season is already over, so if this is passed into law, it will kick in next year. When you're talking about a trillion-peso budget, P8 billion is not even 1%. On government efforts to address the rice crisis:

Q: What do you have to say about Sec. Arthur Yap being appointed the 'rice czar'?

MAR: Mukhang ganyan ang kinilabasan sa LEDAC, na si Secretary Arthur Yap ang magiging rice czar, at ba-back-up-an siya ng Executive Order o iba pang mga utos ng Pangulo sa kanyang kapangyarihan, para ipag-coordinate ang aksyon ng iba't ibang mga ahensya sa gobyerno. Hindi malaki ang aking kumpyansa na sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng titulo ay malulutas na ang ating problema. Nagpalit na ang patakaran sa pandaigdigang pamilihan dito sa bigas, kaya kailangan na ang mga solusyon natin ay hindi lang pag-uulit ng nakaraang nasubukan na na nakita naman nating hindi nagtagumpay. Kailangan talagang baguhin ang ating pananaw doon sa rice sufficiency, sa rice security, at kinakailangan na mga bagong pamamaraan ang ating gamitin.

Okey na rin magkaroon ng rice czar na sa ganoon ay mailuklok sa isang tao ang kapangyarihan, at kung malutas niya ito, congratulations at nabigyan niyang solusyon itong malaking problema nating lahat.

Q: What did you think of the LEDAC discussions on the rice crisis?

MAR: Disappointed ako doon sa pag-uusap sa LEDAC, dahilan sa mga datihang solusyon ang siyang inulit lamang, at dinagdagan ng pera. Palagay ko hindi ito makabigay lutas sa ating problema, at kung mayroon mang relief ay pangsamantala lamang. Dalawang bahagi ang problemang ito: Yung immediate, urgent na dapat bigyang pansin, pero mas mahalaga para sa akin ay yung medium to long-term dahilan sa kung masolusyonan nga natin ang kasalukuyang kakulangan sa ating bigas sa ating bansa, papaano naman next year, at sa susunod na taon?

Yung datihang solusyon natin, na makakabili tayo sa pandaigdigang pamilihan ay hindi na possible sa panahong ito dahilan sa kulang na ang bigas na surplus sa mundo, kaya kailangan na tayo na mismo ang magtanim at mag-ani ng ating kinakailangang bigas. Kasama na rito yung pagtigil sa pag-convert nitong agricultural lands, yung pagbigay ng credit sa ating mga magsasaka, yung pag-concentrate ng ating mga resources sa lugar na talaga namang maganda ang kanilang aanihin na palay. Hindi yung ikakalat ang palay at patingi-tingi sa buong bansa, pero yung pag-concentrate natin doon sa mga lugar na talagang makakapagbigay ng magandang ani sa bigas.

News Latest News Feed