Press Release
April 23, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Interview at the session hall:

On JPEPA

Kapantay at kapareho na ng ... Tratado kung ire-reject natin, I-reject natin yung tratado; kung tatanggapin, tanggapin natin yung tratado. Sang-ayon sa Vienna Convention on the Law of Treaties ang paraan lamang para magkaroon tayo ng kakaibang opinion doon sa napirmahan na ng mga negosyador ay sa pamamagitan ng pagsulat ng mga reservations upang sagayon pede nating sabihin na tanggap natin yung ilan pero di namintanggap yung ilan maliban na lamang kung I-interpret nyo ng ganitong paraan.

Opinion ko yon at dahil unang beses pa lamang ito ginagawa ng senado normal lang naman siguro na magkaroon ng ibang opinion at taliwas na opinion. Anuamng bagay na unang beses ginagawa normal lang naman sigurong matanong upang sagayon maging matatag at maayos ito para kung gagawin nating muli tiyak tayo sa una nating ginawa.

Anong masama sa conditional concurrence?

Wala akong nakikitang basehan at naghahanap nga din kami ng basehan sa paggamit ng conditional concurrence dahil gaya nga ng nasabi ko pareho ito sa rejection ng tratado at kung ire-reject, ireject natin subalit kung hindi mas marapat ay sa pamamagitan gn reservations gawin yung mga nais baguhin ng senado doon sa mga dispalinghado at may diperensiyang JPEPA.

Pede na kayong mag-amend para maging tama...

Hindi pede pero gaya nga nasabi ko sang-ayon sa Vienna Convention sa Law of Treaties, sa pagratify ng isang bansa sa isang treaty pede tayong gumawa ng mga reservations, iba yung condition sa reservation maliban na lamang kung yun ang interpretasyon na ibibigay ng komite. Sa pamamagitan ng reservation pede nating sabihing ito ang interpretasyon naming, ito lang ang gusto naming at pede naman yung kabilang party na sabihin tanggap naming yung reservation, hindi naming tanggap yung reservation, kung kaya pa ring tumayo ng tratado maski na may reservation na hindi sila sang-ayon, tatayo yun doon sa mga walang inobjetion at walang reservation. Subalit kung hindi kayang tumayong mag-isa ng tratado dahil sa reservation halos ni-reject na rin natin yun, pero yun yung procedure sang-ayon sa Vienna Convention.

Anong dapat gawin, I-settle muna yung isyu... Maganda mag backroom talks na siguro ang administrasyon, ang DFA kung nais nialng matulyo ang tratado para makuha natin ang opinion ng ating counterpart sa bansang Japan upang sa gayon malaman na rin natin kung hindi rin naman nila tatanggapin at hindi naman namin maaaprubahan kung wala itong mga reservations na ito eh di mabuti na lang iklaro na lang ang posisyon tungkol sa rejection.

May procedure kasi sa Vienna Convention pagni-ratify mo at may reservation ka, yun kabilang bansa may desisyon siya, tatanggapin ba niya o hindi, pagtinanggap niya wala ng renegotiation yun, yun na yung tratado subject to reservation, kapagka hindi niya tinanggap sasagutin mo yung susunod na tanong kaya pa bang tumayo ng tratado doon sa mga probisyon na walang reservation o hindi na niya kayang tumayong mag-isa. Pangatlo kapag tahimik at hindi na nakomentaryo at hindi nag-object at hindi nagreklamo yung kabilang partido makalipas ang 12 buwan, para na ring tinanggap nya yon sang-ayon sa Vienna Convention. So dpende sa gagawin ng Japan. Maganda makipag-usap na ang ating bansa sa pamamagitan ng DFA para malaman natin ang mag reaksiyon, dapat maging maingat tayo rito dahil baka maapektuhan yung magandang relasyon natin sa ibang bansa.

Ano po yung most... (inaudible)

Wala pa ako don doon sa points ng tratado, wala pa tayo doon sa points ng tratado, wala pa tayo don sa points ng reservation o condition kung sapat na yon para matugunan yung concern ng iba't-ibang sector, nandoon pa lamang ako sa paraan, pamamaraan at yung legal methodology na ginagamit natin bilang unang pagkakataong gagawin ng senado.

Are you in favor of certain (inaudible)...

As it is written and signed by the negotiators of the Philippine government, definitely not.

Through reservation, hindi kailangan rejection, through a conditional ratification I think it's tantamount to a rejection... Oo dahil mutually it has to be agreed upon also by the other party... Methodology yun, bilang methodology lang yun.

Ano yung expertise nyo sa international law?

Mahirap magbuhat ng bangko at makipagtalo tungkol sa ganon pero dahil unang beses ginagawa gaya nga nang nasabi ko, me rason naman siguro na magkuwestyon at maghanap ng ibang legal na basehan. Pangalawa ang pagkakaroon ng ibang opinion ay hindi pakikipag-away at pagbangga. Ang pagkakaroon ng ibang opinion ay hindi naman siguro kawalan ng respeto.

Sunod na naming titingnan yung reservations kung na-correct ba talaga lahat ng mga pagkakamali sa tratado.

Wala pa kami sa puntong yon, iniisa-isa pa lamang naming yung reservation kung nasagot ba talaga lahat ng concerns ng iba't-ibang sector.

If SC's declares JPEPA is unconstitutional...

Hindi ko alam kung ano yung magiging desisyon ng korte suprema pero gaya nga ng nasabi ko kung dispalinghado at may diperensiya yung treaty, I-reject na natin ng klaro o kung may nais tayong baguhin, sa pamamagitan ng reservation.

News Latest News Feed