Press Release
April 28, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Interview at the session hall:

On changing NFA's mandate...

Mali yan, hindi ngayon ang panahon para baguhin ang mandate ng NFA specially on its power and the right to subsidize the prices, nasa gitna ka ng krisis ngayon mo tatanggalan ng tulong yung mahirap, mali naman yata yon. Kung babaguhin mo man ang mandato ng NFA, gawin yon dapat pagkatapos ng krisis at matapos nating malampasan ang krisis. At kung may babaguhin man sa NFA ang dapat I-correct doon yung inefficient sa pagpapalakad ng Nfa at gayundin ang mga corrupt sa NFA kung meron man, isa yan sa mga ahensiyang dapat corrupt-free dahil tumutukoy sa pangunahing staple food ng kababayan natin.

On P5 billion fund to help the poor....

Dalawa palagi ang sagot ko doon: transparency at accountability. Ayoko na malagay na naman sa kuwento katulad ng sa fertilizer fund, swine scam itong P5 bilyon na ito, hilingin dapat natin lahat ang transparency at accountability, ibig sabihin papaano ba at saan gagamitin ang perang ito at sino ba ang magdi-disperse at madi-disburse at magiging accountable para sa P5 billion na ito.

Favor kayo...

Off hand, oo, kasi in the form of either pwede mong ibigay na catual na subsidy, pwedeng food coupon, pwedeng exemption, ang dulo non naglalagay ka ng pera sa bulsa ng tao, ang pinakamadaling paraan palagi magbigay ka ng akwtuwal na pera o subsidy, ang tanong lang papaano nila matitiyak na ang mabibigyan mo ay nangangailangan at hindi pwedeng pagsamantalahan at gagawa ng mga pangalan para mapunta sa bulsa ng ilang tiwaling opisyal.

Hindi ba magkakaroon ng palakasan dito...

Oo pero depende rin sa panahon, kung panahon ng krisis na yon naman ang kailangang gawin, in the short term, wag lang isipin ng gobyerno na pang long term solution yan. Klarogn short term solution ito sa problema at hindi pedeng pangmatagalan, hindi naman nating kayang i-sustain.

Parang tinuruan daw na maging tamad ang mga mahihirap...

Matagl nang argumento yan, turuan mong mangisda at wag mong bigyan ng isda subalit sa panahon ng krisis kelangan din naman siguro sa mga panahong, sa hindi matagal na panahon, subalit sa short term lamang, manghimasok ang gobyerno para matulungan ang mga mahihirap nating mga kababayan maging abot kaya ang mga pangunahing bilihin, pero klaro yon, hindi ito pedeng long term, ito'y panandalian lamang at panakip-butas lamang sa panahon ng krisis.

On NFA subsidizing price of rice...

Ayon sa DA pinag-aaralan na raw nila ang isang master pal para magign self-sufficient tayo, pero sana noon pa hindi ba at hindi after ng krisis doon pa lamang pag-aaralan. Matitigl lamang yon at pwede mong baguhin ang mandato ng NFA bilang regulator na lang at hindi na nakikilahok sa merkado. Kapagka in place na ang lahat ng bagay, halimbawa supisyente ang input at suporta sa magsasaka para makapgtanim, supisyente rin ang taniman at ang presyo at mababa at abot kaya. Pagnangyari yang mga konsiderasyon na yon, pede na sigurong baguhin ang mandato ng NFA. In fact pede na sigurong I-abolish ang NFA at gawin na lamang regulatory arm na lamang ito. Wala na siyang trading at importing pagdumating ang panahong yon. Ngayon nasa gitna tayo ng krisis hindi tama na baguhin yon ngayon.

DA dapat ang gumagawa non, on the supply side dapat DA ang gumagawa noon. Yung dating NGA na nagging NFA more on importation, trading at buying ng palay yon, hindi naman talaga sa policy tungkol sa ilang hectares ang itinatanim sa palay, kamusta na ba ang input, nagme-mechanize na ba, kamusta yung subsidy sa fertilizer, sa binhi. Import, export, trading at buying ng palay, yun lang ang function ng NFA. Kaya nga GOCC, pero yun lang ang GOCC na hindi nagnenegosyo, ginawa yan para malugi, bumili sa mataas na presyo ng palay at ibenta ng mas mababa ang bigas, kaya hindi pedeng sbihin ng NFA na kailangan nilang taasan ang presyo dahil nalulugi na sila, ginawa talaga ang ahnesiayng yan para malugi. So hindi pedng rason yon na nalulugi na kami so kailangan naming taasan ang presyo, hindi eh, it was created to perform a service, not to eran a profit.

Unethical daw yung pagiging endorser ng mga politico...

Walang ganon sa batas, kahit na sa code of ethical standards, hindi nakalagay yon. Kung saka-sakali magandang may magpanukala ng batas subalit hanggat hindi ipinagbabawal wala akong makitang rason kung bakit hindi. Isa lang siguro ang dapat maging batayan, ginagamit mo nga ba o hindi at totoo nga ba na yung ini-endorso mo ay talagang nakabuti sa iyo. Having said that wala naman sigurong ibang bawal at illegal, wala naman sa batas yon.

So hanggat may mag-o-offer sa inyo tatanggapin nyo?

Hindi naman, ang importante naniniwala ka sa produkto at kaysa siguro tulad sa ibang opisyal na kinukuha kugn ano anong dagdag na kita mula sa kaban ng bayan. Ito (product endorsing) ay legal, maliwanag at deklarado sa BIR at nagbayad ito ng buwis.

News Latest News Feed