Press Release
April 28, 2008

Transcript of interview with Senator Mar Roxas on DZRH

On passage of the Quality Affordable Medicines Act:

Q: Some are questioning the bicam report's provisions on price regulation.

MAR: Palagay ko yung mga komentaryo ay panghuling baraha ng mga may ayaw mapasa ito, dahilan sa lahat ng proteksyon, lahat ng kapangyarihan ay nakapaloob sa bill, at itong mga pagbatikos, siguro ito na lang yung mga kulang sa pansin.

Q: Why do you not want price regulation to be through a board?

MAR: Kung sa isang board iyan, mahirap tukuyin kung sino talaga yung may accountability. Magtuturuan iyan kung lima, pito, sampung tao sa board, magtuturuan kung sino ba talaga may desisyon. Kung mataas ang presyo ng gamot, sino ang tatawagan natin? Kanino tayo magrereklamo? Para sa Senado, mas mabuti na nakapaloob sa isang tao, sa isang tanggapan, sa Secretary of Health at Pangulo, tutal sila naman may hawak ng executive power. Ang Pangulo naman ang nakatanggap ng mandato sa tao, so yung accountability ay mas madaling makita.

Lahat ng probisyon, lahat ng naisip ng Kongreso at ng Senado na kapangyarihan na ipagkaloob sa isang board ay nandiyan sa bill, pero hindi ito nameless, faceless, unaccountable board members, inilagay natin sa tanggapan ng Pangulo at ng Secretary of Health.

Q: Kasama naman ang DoH Secretary sa board, kasama ng Secretary ng DTI, BFAD, etc.

MAR: Palagay ko mas mabuti na isang tao lang, na sa ganoon, talagang may pananagutan yung tao. Bagamat dito, sa Toll Regulatory Board, kung may reklamo tayo, sino tinatawagan natin? Diba wala tayong mahanap? Sa water regulatory board, hindi ba ganoon din? Sa Energy Regulatory Board, diba ganoon din? Mahirap na pumuntirya kung sino may accountability kung board. Mas mabuti kung mayroong accountable, at iyan yung dahilan kung bakit lahat ng poder na ito ay ipinagkaloob sa isang tao, na sa ganoon, may pagrereklamuhan tayo at mayroon din isang decision maker.

Bakit board? Diba iyon yung bagsakan ng mga natalo sa eleksyon, lahat ng mga kamag-anak ng mga malalakas at politiko. Para sa akin mabuti na may transparency, malinaw, na nasa isang tao ang tanggapan. Ang kapangyarihan para magbigay ng price ceiling sa kanilang bersiyon, sinang-ayunan ng House na ibigay sa Secretary of Health at sa Pangulo. Ano ang pagkakaiba n'on?

Q: Ang kapangyarihan na ito ay pwedeng gamitin the whole year round?

MAR: Nandiyan na sa bill. Iyan ang mahirap madalas sa mga nagkokomentaryo na hindi nagbabasa. Ang iniisip nila yung Price Act na kailangang magkaroon ng lindol o bagyo bago magkaroon ng price control. Ibang konsepto ito, naka-price control ang mga gamot, at hindi na kailangang magkaroon ng lindol o kalamidad.

Tanungin natin, ano ba yung kahinaan, yung nabalita natin na na-water down raw ito. Tanungin natin, bakit talaga ayaw nila mapasa ito? Hindi ba yung Kamara de Representante yung hindi nagpasa nito noong nakaraang Kongreso? Hanggang sa ngayon, plantsa na lahat, ayaw pa ring ipasa ito, naghahanap pa rin ng reklamo. Siguro iyan ang dapat nating tanungin. Baka ito yung huling baraha ng lobby. Ang iisang nirereklamo nila ay gusto nila board. Baka may kamag-anak sila na gusto nilang ilagay sa board na iyan. Wala namang mawawala kung nakapaloob iyan sa Secretary of Health o kaya sa Pangulo. Para sa akin, ang Pangulo nandiyan para pag tumaas ang presyo, may marereklamuhan tayo.

Q: Imbes na bicam, tatlong kongresista na lang ang kausap ninyo?

MAR: Iyan ang pamunuan ng House delegation. Iyan ang leadership, iyan ang negotiator ng House, kasama si Congressman Teddy Locsin. By the way lahat sila nagsasang-ayon sa bersiyon na ito. Tawagan niyo si Congressman Tony Alvarez, Junie Cua, Jack Duavit, Teddy Locsin, lahat iyan sumasang-ayon dito.

Q: Noong nakausap natin si Cong. Janette Garin, ayaw nila.

MAR: Tawagan niyo si Congressman Locsin. Kung ayaw ni Congresswoman Janette Garin, e di thank you, 'wag siyang tumulong, bumoto siya kontra. Nandito na ito, ano na ang gagawin natin? Kase ayaw ng isa, ay hindi maipapasa ito? Kawawa naman ang ating mga kababayan.

Q: Ibig sabihin mas marami sa bicam ang pabor sa aprubadong bersiyon na ito?

MAR: Iyan ang pagkaunawa ko, iyan ang aking nalalaman, at hindi naman ako House, tawagan niyo si Congressman Locsin, si Congressman Tony Alvarez, para may malinaw na sagot diyan. Ang Kamara de Representantes, 200 iyan. Kung mayroong isa, dalawa, lima o kung anuman na hindi sumasang-ayon dito, ano, ititigil na lang natin ito? Ito yung pinaka-hijack ng interes ng ating mga kababayan. Sampung taon na nating isinusulong ang Cheaper Medicines, ipinaglalaban natin ito. Kung mahina, bakit yung US pharmaceutical industry ay unang-una nag-file ng kaso laban sa atin noong DTI tayo? Kung mahina ito, bakit ang mga US pharmaceutical companies sumulat sa ating DTI na hina-harass, na sinasabi 'maghanda kayo, babawi kami'?

Nandito na tayo, ayaw ko na lang magsalita, dahilan sa baka makonsume tayo doon. Inaantay ito ng ating mga kababayan, sampung taon na ito. Yung kapangyarihan ipapagkakaloob natin sa Pangulo, e diba ngayon sa bigas, ang kapangyarihan ng bigas sa NFA ay nasa Pangulo? Ano'ng masama n'on? E bakit gusto nila ng board? Sa board kase, ang bawat sagot ng board member, "Pabor ako diyan, pero na-outvote lang ako." Magtuturuan iyon e. E gusto natin murang gamot, ipagkaloob natin sa Pangulo, ibigay natin sa Secretary of Health yung rekomendasyon, ano masama n'on? Siguro mabuti na mag-usap yung House panel. Hindi naman ako karapat-dapat na gumitna diyan.

Q: Ang Senado ba ay nakaback-up dito sa bersiyon niyo?

MAR: Kami ang delegasyon ng Senado. Ako'y Chairman ng Trade and Commerce, si Senador Enrile ang Chairman of Finance, si Senador Pia Cayetano ang Chairman of Health, kami ang delegasyon representing the Senate. Lahat ng probisyon na ginugusto ng House na nasa price regulation ay nakapaloob dito. Kaya hindi na pwedeng magturuan. Palagay ko pulitika na lang ito. Sinasabi ba nila, kung nakapaloob ang poder sa Pangulo, hindi bababa ang presyo, pero kung nakapaloob sa board, bababa? Anong klaseng logic iyan?

Tuloy itong Cheaper Medicines Bill, ito ang inaantay ng ating mga kababayan, makakaasa po lahat ng ating kababayan na itutuloy natin ang paglalaban na ito, dahilan sa ito ang pinakakinakailangan nila. Tanungin natin, bakit ngayon, na andiyan na, nakikita na ang finish line, bakit ngayon ang daming reklamo? Hindi ba magtatanong tayo, ano kaya ang motibo nito? Pero hindi naman sa lahat, sa iilan lamang.

News Latest News Feed