Press Release
May 15, 2008

Kapihan transcript with Senator Chiz Escudero

Kapihan sa Senado

We really have in mind to ask you about the income tax exemption, the Meralco hearing. But then the ZTE-NBN Broadband came up, allegedly with a new witness. Sir, tanong ko lang ano because I just wanna get it off. Hindi ba tama yung mga comments and suggestions na i-assess any prospective witness, i-process ng buong committee to assess its credibility and what he should say?

Komplikado na pakinggan yung iprocess pero ang ibig sabihin lamang naman nun ay magsubmit muna ng affidavit o sworn statement ang sinumang nagnanais tumestigo para hindi mababago yung kwento sa usapan bago maghearing tapos iba na naman ang kwento pagdating ng hearing. I think processing simply means any prospective witness must submit a sworn statement before testifying in any committee of the Senate.

E kung ayaw sir?

Mahirap naman yun. Kung gagawing confidential yung sworn statement, limitado lamang sa chairman o myembro ng tatlong komite. Pwede naman yan kung ayaw, hindi natin masisisi ang sinumang senador na magduda sa testigong yun.

Sir paano kung walang sworn statement?

Gaya ng nasabi ko pwede namang executive session. Pwedeng in confidence sa 3 chairman pero hindi pwedeng walang sworn statement dahil yun din naman ang nakasaad sa ilan sa mga traditional rules ng Senado noong mga nagdaang Kongreso.

Kung magsasubmit ba o kung ibi-brief ang committee previously by the witness, hindi ba may danger din na maglileak yan sa mga pro-admin na ito ang witness namin?

Hindi ko makita yan dahil lumabas na nga muna sa TV bago sa committee e itatago pa ba sa mga myembro ng komite.

Do you have an idea who this new witness is?

I have no idea. Ayokong manghula at di ko pinapasukan ang ganyang uri ng trabahong paglapit o pagkuha ng testigo maliban na lamang kung may lumapit sa aming tanggapan at may nais na ilahad.

Last question from my end, may linaw ba siya na ituloy ang ZTE NBN in the end nang wala pang desisyon ang Supreme Court?

Nag-anounce si Senator Cayetano na in 10 days yata siya ay magcoconduct ng hearing. Marapat lang siguro yan at may 10 araw ang Committee on Rules na pagpasyahan ano ba ang epekto ng pagkakabinbin ng motion for reconsideration sa Korte Suprema sa maaari o posibleng pagpapatuloy na naman ng hearing bagaman di pa lumalabas ang pinal na desisyon ng korte. Siguro sa pagsisimula ng hearing, kung isasagawa nga yan, dapat iplaiwanag ng Committe on Rules at ng mga chairman kung ano ang batayan natin sa pagconduct nito para maiwasan ang alinlangan, duda, at kwestyon. Baka mamaya magpatawag tayo ng hearing, may testigo nga dun, kalabasan lamang ay debate sa pagitan ng mga myembro kung ano ang gagawin, paanong gagawin at pwedeng bang gawin ito.

On new witness..

Hindi pa natin alam kung anong nalaman niya. Ang nalalaman lamang natin ay yung napanuod natin sa telebisyon, base sa pahayagan pero hindi pa talaga natin alam ang buong karansaan niya kaugnay ang bagay na iyo. Mahalaga ba yan o hindi? Ang mahalaga sa punto de bista ng Senado, bukas ang aming pintuan at tanggapan na tanggapin ang anumang impormasyon na maaaring makatulong maresolbahan ang issue anuman ang aking personal na opinyon kaugnay ng kahalagahan o di kahalagahan nito.

Sa pakikipagmeeting ni GMA at FG Mike Arroyo sa Netherlands, kwestyonable ba yun o normal na yun?

Ayon sa Malacañang, normal yun. Ayon sa testigo, di normal yun. Ang tanong, ano ba talaga ang pinag-usapan, ano ba ang sirkumstansyang nagkita-kita run at dun nga ba nag-ugat itongisyung ito o kontratang ito? Tulad ng nabanggit ni Vice Gov. Suplico, bilang Pangulo hindi pwedemg basta-basta ika nga o kaladkarin maski saan ka yayain. Marapat maging mapili ang ating mga opisyal kaugnay sa kanilang pinupuntahan at di pinupuntahan upang sa gayon, above suspicion ang kanilang mga ginagawa at ng maiwasan ang ganitong uri ng intriga at tsismis.

Tama ba yung you approve of the practice of some of your colleagues in the committess, 3 committe yan e, including the chairman of the Blue Ribbon na panay ang sabi sa media about the new witness without telling everybody?

Nasasa kanila na siguro yun. Ako hindi naman nagtatampo o nagseselos o sumasama ang loob kung meron silang ganung impormasyon na di sinasabi sa akin. Mas marami namang ibang trabahong dapat inaasikaso ko rin sa ibang komite na pinanghahawakan ko para pag-aksayahan ko yung pagsama ng loob at selos sa ganyang bagay pa.

..para daw inoverlap lang ng ZTE yung Meralco..

Hindi naman mga kabayong pangarera ang mga senador na may piring yung mata na may iisang direksyon lamang nakatingin. Kung gaano karami yung isyu, ganun rin karami ang oras at pagkakaton na dapat ibigay ng Senado para sabay-sabay dingging at alamin ang mga bagay-bagay na ito. Hindi ito mutually exclusive kung saan kapagka tinignan mo ang isa hindi mo na pwedeng tingnan pa ang iba. So di ako naniniwalang malait ito o panakip ito sa anumang butas na nais takpan ninuman.

Anong estado ng counterpart ng income tax exemption sa House?

Last year pa naghi-hearing ang Senate Committee on Ways and Means kaugnay sa exemption ng minimum wage earners. Noong Tuesday lamang namin natanggap yung House version at sangayon sa constitution kailangan naman talaga yan ng Senado dahil isa itong Revenue o Appropriation measure. Tuesday lang namin natanggap at kahapon buong araw kami nag technical working group meeting kapiling ang mga opisyal ng DOF, NLRC at BIR at ilang sa mga opisyal ng kamara para ayusin ang committee report na inaasahan naming mailalabas nitong darating na Lunes. At sana sa loob din ng darating na lingo ay mapasa ng Senado ang panukalang batas na ito. Yung pagkakaiba lamang kunsaka-sakali, ang pinupuntahang direksyon ng committee report ay sa Kamara de representantes, parehong exempted ang minimum wage earners kaya ang exemption dinagdagan din mula 32,000 ginawang 50,000. Yung additional exemption per dependent hanggang 4 tinaasan din mula 8,000 hanggang 25,000. at ang pagkakaiba marahil ay ang mga sumusunod: una, inalis namin at balak naming alisin ang SNITS o Simplified Net Income Tax Scheme. Sa aking pananaw ito ay bagong buwis at hindi dapat ipataw sa ating mga kababayan at dapat lamang iimprove ang collection bilang pamalit sa mawawalang revenue sa pamahalaan. ang direksyong tinatahak ng komite ay 40 % OSD on GR for individuals. Ibig sabihin 40% optional standard deduction on gross receipts of individuals, self-employed or professionals at 40% OSD on GI for corporations o 40% optional standard deduction on gross income ng mga korporasyon. Ayon sa estima ng DOF, sapat na ito para punuan yung mawawalang revenue kapagkainexempt natin yung minimum wage earners at kapagka tinaasan natin yung personal additonal exemption. Concern ng komite hindi lamang mabigyan ng pinakamataas na tulong ang ating mga kababayan sa hirap ng panahon ngayon. Concern din yung mawawalang revenue ng pamahalaan na baka maapektuhan yung mga serbisyong binibigay nito.

Exempted ang income tax ng minimum wage earner, mali yata di ba sir?

Ang ibig sabihin nun ano man ang lebel ng minimum wage, anuman ang halaga niyan at magkano man yan saang parte ng ating bansa, base sa itinatalaga ng Regional Tripartite and Wages Productivity Board, yung kinikita nilang yun ay exempted.

Pero ang general interpretation yata nun, if ___ any minimum wage which is below 95,000 annually, yung above 50,000 yun ang idedeclare mo which is still taxable?

Yan yung personal exemption pero hindi na yan mag-aapply sa minimum wage earner basta't minimum wage earner siya. At ang computation ng (bless niya?) ng DOLE is 113,668 per annum. So yung kinikita na 113,668 per annum pagdating sa private sector at yung kumikita ng salary grade 5 sa public sector, di na sila kailangang magbayad ng buwis at di sila pwedeng bawasan ng withholding tax bago nila makuha ang kanilang sweldo.

Income gross to the government. I heard the news newscast last night say it's around 85 billion?

Hindi ko alam kung saan galing yun. Ang alam kong official estimates ng DOF ay 13.26 billion ang revenue loss sa proposal na ito. Base din sa estimates nila na nabanggit ko, na 40% OSD on GR of individuals at 40% OSD on GI of corporations, up pa ang gobyerno ng humigit kumulang 300 milyong piso. Yan ay nasa conservative side kung saan ang availment ng individual ay 10 %, at ang availment ng corporations ay 3 % lamang. Kapagka tumaas o dumami ang nag-avail ng OSD na ito o optional standard deduction, mas malaki ang kikitain ng pamahalaan. In fact ang OSD on private corporations, ang range nila ay 5 billion to 19 billion. Kung 3% lamang ang mag-avail 5 billion. Kung 10% ang mag-avail, aabot hanggang 19 billion. So yung OSD pa lamang sa corporation, supisyente na para matugunan yung mawawala pag inexempt ang minimum wage at tinaasan ang personal at additional exemptions.

Sir, whatever the losses to the government, kung anumang figure yun, hindi ba lalong lalabo on another move to suspend or remove EVAT from power or oil products?

Kung walang bawi, tama ka. Kaya maski na ako'y nasa oposisyon tinitibang pa rin namin yung benepisyong ibibigay sa ating mga kababayan. Sa hirap ng buhay ngayon, sa pamamagitan ng exemption na ito at yung mawawala ring salapi sa pamahalaan na baka mahirapan itongtustusan ang kanyang pangangailangan, uutangin lamang sa labas at tayo rin naman ang magbabayad sa dulo. Tinitimbang ang magkahiwalay at nagbabanggang interes na ito ng inyong komite kung kaya't yan ang masusi naming pinag-aralan. Makakatiyak lamang kayo na ang pinakamataas na benepisyong ibibigay natin sa ating mga kababayan sa pinakamaliit na sakit o pabigat sa parte ng pamahalaan.

Related to that sir, is your committee still preparing a report suggesting a removal of Vat from oil products?

Yes. VAT from oil and VAT from electricity. Layunin din ng komiteng ito na pag-aralan kung saan pwedeng kunin yung mawawala o kung hindi man, i-compute pa rin kung magkano ang babalik sa ekonomiya kapagka ang perang yan ay napunta sa bulsa ng ating mga kababayan. Halimbawa, itong exemption ng minimum wage earner, humigit kumulang karagdagang 7,000 piso yan sa bulsa ng kada minimum wage earner. More or less 600 pesos a month ang dinadagdag natin sa takehome pay ng minimum wage earner. Itong pernag ito hindi naman nila itatago sa ilalim ng kama o unan nila. Hindi naman nila itatime deposit ito sa bangko. Ito'y gagastusin din nila, pambibili ng pangunahing pangangailangan at kada bili nila may buwis din namang makukuha ang gobyerno doon. Kaya hindi pwedeng sabihin na zero-revenue gain ang gobyerno kapagka inexempt natin sila.

Linawin ko lang sir, removal ba o suspension?

Hindi pa nagdedesisyon with finality ang komite kaugnay sa oil. Pero yung sa power ang konsiderasyon lamang ay removal. Yung sa kuryente ang pinagpipilian lamang ay aalisin ba o hinde. Yung sa produktong petrolyo, ang pinagpipilian ay 3: aalisin ba, hgindi ba aalisin, susupendihin lang ba at kung sususpendihin gaano katagal?

Anong chances niyo sa House?

There's a counterpart measure in the House of representatives. Hindi pa nga lang siguro tumatakbo. Nakakafirst base man lang sa pamamagitan ng pagschdule ng hearing. But if you ask me if there's a counterpart bill, yes there is.

(To be continued...)

News Latest News Feed