Press Release
May 15, 2008

Kapihan transcript with Senator Chiz Escudero

Kapihan sa Senado
SECOND PART

...considering na parang pampapogi lang...

Kaya pinagaaralan namin at kaya rin naman masusi naming hinahanapan ng potential na kapalit na hindi pabigat sa ating kababayan. Para itong optional standard deduction. Ito'y isang magandang alternatibong makakuha ng revenue ang gobyerno habang binabawasan ang discretion ng BIR at potential dingmaging corruption sa parte ng ilang opisyal ng BIR habang pinapataas natin ang collection ng pamahalaan. Di ito bagong buwis kung hindi karagdagang option sa tax payer na ang dulo ay mas mataas na revenue sa parte ng gobyerno. Katulad niyan ang hinahanap din naming pamalit sa pag-alis ng VAT sa produktong petrolyo at kuryente.

....

Hindi binabanggit ko yung options namin sa komite. Personally kung tatanungin mo ako tutol ako sa VAT period. Hindi ako bumoto para sa VAT noong ako ay nasa Hpuse pa lamang. Doon sa House pinatawan ng VAT ang kuryente at produktong petrolyo. Di nagbabago ang posisyon ko: hanggang ngayon tutol ako dun. At kung may pagkakataong alisin, boboto ako palagi para alisin yun.

Pero sir yung naka-pending sa committee nyo is suspension.

Suspension and removal ng VAT on petroleum products. Yung pending sa komite, removal ng VAT sa kuryente.

...

Hindi gagalawin dahil hindi ko sinasama o wala akong balak isama yung SNITS o Simplified Net Income Tax Scheme. Yung SNITS galing tayo dun noong 1993. Tumakbo yun hanggang 1997. Inalis yun ng CTRP o ng Comprehensive Tax Reform package. Tumalikod na tayo dun, iniwanan natin. Ngayon gusto na naman nilang balikan. In Fact maski na yung hindi minimum wage earner, yung bawat sumusweldo o bawat taxpayer na mataas ang minimum wage ang kinikita, may benepisyo pa rin sa bill na ito sa pamamagitan ng mas mataas na personal exemption mula 32,000 papuntang 50,000 at personal additional exemption mula 8,000 hanggang 25,000. Ibig sabihin nun, ang pamilya na 6, kung saan 4 ang anak at ang mag-asawa ay nagtatrabahoi, pwede silang mag-claim ng hanggang 200,000 na worth ng exemption at ang bubuwisan lamang ay ang sobra sa 200,000.

This Meralco thing, sir, is this born by a real, genuine, sincere effort to bring down the power rates or is this a political thing?

Lahat siguro, sabay-sabay na yun. Magandang isigaw palagi na ikaw ay para sa mas mababang presyo ng kuryente. At sino ba naman ang makikipagdebate sayo? Pero kung may mapapala ka sa gilid tulad ng politikal na benepisyo, aba e bakit hindi. Yan siguro ang punto de bista ng pamahalaan. Pero kung seryoso nating nais tingnan kung ano nga bang problemang napakataas ng presyo ng kuryente sa ating bansa kumpara sa ibang bansa, di lamang nakasentor sa Meralco na ang magbebenepisyo lamang ay mga consumers sa Metro Manila o nasa loob ng Meralco-franchised area. Tignan natin kung paano natin mapapababa ang kuryente sa buong Pilipinas kasama na ang Visayas at Mindanao at balanse ng Luzon at hindi yung pagka sinabi nating Meralco e parang pag bumaba yan ay bababa na rin ang presyo sa buong Pilipinas.

Sa House parang sabay-sabay ang banat nila, meron sina Villafuerte tinira yung __ng power....Anong basa nyo..?

Ang tingin ko ay sumu-sunod lamang sila sa tugtog at sumasabay sa tyempong dinidikta ng pamahalaan at ng Pangulong Arroyo. Kung talagang sinsero ang mga nais magsulong ng class suit, dapat isama nila ang mga opisyal ng ERC dahil ang meralco ay isang monopolya. At dahil monopolya yan, nireregulate yan ng isang ahensya ng pamahalaan na ERC. Kung nais, halimbawa, ng mga may-ari ng Meralco na kumita, e hindi naman ho sila poilitiko o opisyal ng gobyerno. Sila'y mga negosyante na ang hanap at habol ay kita. Kung tumulong sa kapwa, bonus na lang siguro yun., ang problema ko, yung mga opisyal ng ERC sinuswelduhan natin sila, sumumpa pa silang pagsisilbihan tayo, bakit nila pinayagan, kung totoo ngang nago-overcharge ang Meralco, bakit lumusot sa kanilang mapagbantay dapat na mga mata yung mga singil na hindi dapat pinapasa sa atin. Walang sinisingil sa atin ng hibndi dumadaan sa ERC. So kung may maling ginawa ang Meralco, mas dapat nating tanungin, bakit, paano, saan, at kailan ito nakalusot sa ERC at bakit nila ginawa yun.

Anong Dapat gawin sa ERC? Buwgin?

Hindi dapat buwaging ang ERC dahil yun nga yung tagapagbantay ng mga mamamayan dapat sa mga mapang-abuso na monopolya sa ating bansa. Kaya nga may cap e. Pero kung hindi yan monopoly, free market forces dapat yan. Dahil monopolya, may ERC ka. So ang dapat tanungin natin ang ERC. May overcharging nga ba? At kung tama si Congressman Villafuerte na may overcharging, aba'y bakit nakalusot sa ERC yan? At bakit di nakita ng ERC yan? Bakit isang mabababatas niyan at di nakita ng mga teknikal at magagaling na mga inhinyero ng ERC.

....

Gaya ng nasabi ko e di dapat sabay na kasuhan ang dalawa para mapakita natin na hindi tayo nanggigipit lamang ng isang indibidwal o grupo. Ang layunin talaga natin ay ibaba ang presyo ng kuryente. Sino bang nag-appoint sa mga myembro ng ERC e sila rin lang naman. Kung hindi ginagawa ng kanilang mga inappoint ang trabaho nila, marahil yun dapat ang seryosong tignan ng Malacañang para mapababa ang presyo ng kuryente.

Clarificatory question, your honor: from a legal standpoint no, may power ba yung power commission, gaya ng sabi ng chairman, directing ERC not to approve the pending petition of 14 billion na ipasa sa consumers?

Independent ang ERC at ang kapangyarihan ng JCBC, sang-ayon sa batas, ay bigyan ng guidance o giya ang mga players sa electric industry kabilang na ang ERC. Guidance ang maaaring ibigay at hindi rekatng order at utos. Pero sang-ayon ako dun sa guidance na ibinigay dahil nga naman nagbabangayan at nag-aaway ang Meralco at Napocor sa hearing at pahayagan pero meron pala silang common petition na pending sa ERC. Patunay din yan ng sinabi ko na anumang sinisingil sa atin ay dumadaan sa ERC at anumang nakikita natin sa bill natin, pinayagan yan ng ERC. Kung may sobra at mali dyan, dapat ang tanungin natin ang ERC.

ERC sir, clear siya ng EPIRA di ba?

May ERP noon pero trinansform yan ng EPIRA para maging ERC.

...active ba para ma-open access siya ng regulation?

Hindi open access yung sagot sa pag-alis ng ERC dahil may mananatili pa ring lugar na hindi kayang bigyan ng open access at hindi sya competitive dahil iisa lamang ang distributor. Halimbawa, kahit na may open access ka pa kung iisa lamang ang distributor, kailangan pa rin ang ERC para iregulate yung presyo ng distributor kung monopolya pa rin sya. Pangalawa, paano uubra ang open access kung ang gusto nilang gawin ay i-maintain ang 50% market share ng Napocor pagdating sa supply. Hindi uubra ang open access kung may ganyan ka kalaking player sa industriya.

...pinagtatalunan ang EPIRA sa Senate...may maitutulong ba para...

May ilang probisyon na palagay ko oo. May ilang probisyon na sa palagay ko hinde. Yung probisyon na oo, yung pagre-require ng hearing bago magtaas ng presyo para namanmalaman natin at hindi tayo mabulaga sa bill natin. Yung palagay kong hinde, yung paglimita sa asset ng Napocor na ipa-privatize sangayon sa Epira. Sangayon sa Epira, dapat by next year 100% ng assets ng Napocor at 100% ng assets ng contracts ng Napocor dapat maisapribado na. ang proposed amendement, lilimitahan lamang sa 50% para manatili at patatagin pa ang market share ng Napocor. Hindi ako sangayon dun.

News Latest News Feed