Press Release
May 16, 2008

INTERVIEW WITH SEN. ALAN PETER CAYETANO AT CAFE ADRIATICO, MOA

Q: sir may call si Sen. Escudero na sana magsubmit ng affidavit ang bagong witness?

SEN. Alan: Naiintidihan natin yung mga safeguards na gustong gawin ng ibang mga senador pero pinagusapan na din namin ito sa committee on rules na yung mga inimbestigahan ng blue ribbon committee ay yung mga extra ordinary cases ...Eto yung mga cases na tingin ng ilang mga witnesses maaring walang mangyari sa korte, maaring pag sa media lang ay di mabubulgar pero di ang buong katotohanan kasi mayroong dapat ipatawag or maaaring sa ombudsman ay hindi kaagad ma-take up so kung irerequire natin ng affidavit or anything else bago sila i-put on as witness mas malaki ang danger na hindi sila lumabas at hindi malaman ng tao ang buong katotohanan . kung yung tatlong chairmen lang o isang chairman lang ang magiinterbyu, mahirap naman na kami ang magtetestify for them or mahirap naman na kami ang gumawa ng report na mayroong testimony sa amin pero di naman on the record at hindi naman nahusgahan ng mamamayan mismo. Mismo sa korte, yung may sinasabi silang the demeanor of the witness. Ibig sabihin, hindi lang kung anong sinsabi ng witness, kundi kung paano sinasabi, kung saan tumitingin, kung ano hitsura ng witness. So, we will try our best to put safeguards to prevent surprises, but hindi pwede ito maging general rule. In the case of Alex ay nag-appear na siya before some reporters, although limited. So, hindi naman basta-bastang babaligad sa kanyang statement. So siguro, ang guidelines na mas mabuti sa aming mga senador is, 'pag may mga witnesses, hintayin talaga kung anong sasabihin nila bigyan lahat ng senador ng pagkakataon na magtanong ng tinatawag na "searching questions" or to test their credibilitity.

Q: Sir, yun pong point ni Sen. Escudero... yung sa ZTE... media... bakit po

SEN. Alan: May kanya-kanya silang dahilan at hindi naman natin tinitingnan yung intention nung witnesses. Tandaan natin na may mga witness na noble yung or maganda ang intension kaya humaharap. May mga witnesses, napipilitan, may mga witness na takot na sa buhay nila... wala ng choice. May mga witness na may ibang pakay din, halimbawa, nagka-onsehan sila or hindi sila nagkasundo, pero these are credible witnesses if number one: they perceive personally what happens. Ibig sabihin, nakita nila or narinig nila, na-observe nila. And then number two: kung makikita mong logical at reasonable yung sinasabi. So, pwedeng mali ang intention, pero tama naman ang sinasabi. Pwedeng maganda yung intention pero mali naman yung sinasabi. That's why ang the best, humarap na lang sa Committee. So, where trying to do our "balancing act"na huwag mag-hearing ng mag-hearing na masasayang ang oras ng mga senador, pero, maghearing kung kailan importante ito, para makita ng publiko ang buong katotohanan. Mahirap na mag-report tayo na, kaya nga gusto kong gamitin ay interim instead of partial, kasi sa partial, parang may bahagi na hindi pa pinapakita or hindi tinatalakay, eh hindi maganda ang dating sa publiko. That's already the past eh. Nandito na tayo sa sitwasyon na may lalabas na mabubuo yung istorya, na sa isang napaka-importanteng event, yung meeting na tinatawag nilang "social meeting"sa ZTE headquarters.

Q: Sir, before you go to the social meeting, yung isa ring concern ni Sen. Escudero kahapon, baka raw magkaroon ng malaking debate, should you hold a hearing sending the outcome of the report... sa Supreme Court, may issue ba doon?

SEN. Alan: The nature of the Senate, the composition and the nature of the rules, for example, when I was first elected and appointed chairman of the Blue Ribbon Committee, tinanong ko sa mga kasama ko pwede kong bawasan ng miyembro. Kasi, kung halos lahat miyembro, talagang yung debate at saka yung mapapirma natin ang Committee Report, but I was assured by everyone... mahirap talaga ang dati pang sistema sa senate at mas mahirap pa yun kasi everyone wants to participate, katulad sa Blue ribbon. So, yung nature kasi ng senado talagang i-expect mo, at any single issue, at every turn of the investigation, pwede magkaroon ng debate. So, ang importante naman yung debate e under control or name-maintain ng mga Chairmen or chairpersons yung order ng committee. But, hindi mo maiiwasan talaga, lalo 'pag contentious yung witness or yung witness ang tinuturo ay nasa Kabinete o ang Malacañang mismo o ang presidente mismo. He would say that even in the past hearings na kung saan, halimbawa, yung first gentleman nandyan, o kaya yung former president ramos ang pinatawag. All of these hearings, hindi mo maiiwasan, before during and after, malaki ang debate. Ang question, apektado ba ito ng Supreme Court decision? Okay, number one: pag nag-file tayo ng "MR." Meaning, hindi final ang decision ng Supreme Court at may ... ang blue ribbon committee. Number two: as I said before, ang importante dito, 'pag yung witness ay willing mag-cooperate. Ibig lang sabihin ng willing mag-cooperate, hindi ibig sabihin ay kampi o laban sa issue. Hindi "pro" administration or "anti" administration kundi, willing magsalita on their own. So, sa mga nagsasabing hindi ba pwedeng pakinggan ang witness ng admin? Welcome sila. Papuntahin nila basta't willing magsalita. So, ang problema natin, yung mga hindi willing pumunta sa Senado on their own. Kasi kailangan pa itong i-subpoena at dito, apekatado talaga ng Supreme Court decision at nung pending na MR. Since itong witness na si Alex at kung sino pang witness na kasama nito, sabi nga ni former... now Vice Governor ng Iloilo, Rolex Suplico, kusa namang pupunta. Inaayos lang yung security. So I don't think there'll be much debate about the rules. And if there is a debate, I'm confident na after the debate, people will hear what these witnesses will want to say.

Q: Sir, wala na bang ibang conditions before mag-hearing?

SEN. Alan: I've talked to the two Chairmen at sila mismo nagsabi, it's the general rule or guidelines for the information pero, pare-pareho ang mga senador na to prevent the leak. Kasi mahirap 'pag security na pinag-usapan at maraming nakakaalam, magkakaturuan pa 'pag sinabing may leak e di ba nangyayari na ngayon yan. In fact, may mga pangalan an nababanggit ngayon na dapat hindi pa nabanggit pero it doesn't mean at sinabi nga ng 2 chairmen na wag na kong magsabi ng additional pa basta kausapin ko na lang si Cong. Suplico. But then, let's know kung talagang ready na yung witness at yung schedule, etc.

Q: ...

SEN. Alan: I'll be speaking to Rolex between this weekend. So, I was hoping na end of next week, pero sabi niya baka yung susunod pang lingo, mga within a week or 2.

...

SEN. Alan. So medyo nasasanay na sila ganitong sitwasyon. So, even without telling them I know that they're ready and that they're getting ready. So when the information we need, comes, ang problema yung mga sitwasyon, katulad ng sitwasyon ni Mr. Lozada na paano kung biglang may warrant of arrest, so iyon yun ang itinatanong ng OSAA. Kasi palagi silang sinasabihan ng police na di naman sila law enforcement agency. May mga legal issues rather physical issues ...

Q: ...di dapat nakipagusap ang pangulo don....

Sen. Alan. Butas-butas kasi yung statement ng Palasyo. Una sinabi ni Sec. Bunye na dapat alam nya yon kung totoo yon. Pero sinagot ni Sec. Ermita na official ito biglang nagbago si Sec. Bunye. Paano magiging official ito kung mismong presidential spokesman mo kasama mo at di nya alam ang na meron nito . at aminado sya na private time. Meron bang official na private? Tapos ngayon social visit I mean no matter how if it walks like a duck, it talks like a duck , if its like a duck ..it is a duck. Kahit na anong sabihin mo na it's a social duck it's a private duck an official duck its still a duck. Di ba so lets not call it by any other name ...so having said that sinabi ni Sec. Bunye this morning sa isang radio show na four to five days to paikot ikot sa mga investors e bakit pinauwi yung mga reporters at bakit hiniwalay si Mrs. De Venecia sa ibang sasakyan at bakit wala sa schedule nila. Bakit hindi nya kasama ang Tv crew nya. Alam mo yung Tv crew ng Pangulo na alam nyang kasunod niya kahit saan . eto'y maraming purpose, isa diyan kasama sa PSG protection din ng pangulo at protection hindi lang physical protection protection from blackmail. Diba tayong lahat susceptible tayo pag one on one ang usapan o hindi covered etc.pero minsan pinapatay yan sa request ng Pangulo pero there are still people around them but for the President to go un announced to a private corporation na naglalakad na mag loan sa kanila at gawin na exclusive supplier ibang usapan yon. So ang sinasabi ng pangulo parang it is innocent ...it is innocent per se but you add the circumstances that meron project na NBN na sinasabing dapat BOT biglang naging tied loan sa ZTE na yung circumstance yung sinasabing nag package ni to ay si Chairman Abalos na dinedeny nya . Tapos bigalang kasama nya mag golf at kasama nya sa loob ng meeting. You put all of these together, hindi lang ito issue ng delicadeza , these are elements when you put together you'd be able to come up with a conclusion later on. Di ko pangungunahan ang committee sa conclusion na yan. But Im saying we need full disclosure at dapat magpaliwanag ng buong buo . I'll give you another example bakit sila sila kailangang magpaliwanag. Sa Transcript ng Sept. 26 eto ang tanong (Please refer Transcript Sept. 26 read by Sen. Alan during the interview)....

So nakita na natin na dineny ni Chairman Abalos na nakipagmeeting siya sa ZTE Officials, bakit in September hanggang ngayon hindi nagsalita ang malakanyang na mayroong ganong meeting.

News Latest News Feed