Press Release
May 26, 2008

Transcript of ambush interview with Senator Mar Roxas

Q: Some are saying the ad is early campaigning.

MAR: Nasa sa mata iyan ng tumatanaw. On my part, nilapitan tayo ng Tide, Procter&Gamble, at sinusulong nila isang magandang idea, yung 'Tapat Dapat,' sa pagbebenta ng produkto, na sa ganoon hindi maloko ang aming mga mamimili. Bilang Mr. Palengke, of course sinang-ayunan ko, at sinuportahan ko ito. Kung anuman ang magandang epekto nito ay natutuwa ako, dahilan sa ating mga mamimili ay natututo na suriin ng mabuti ang lahat ng itong mga promo o ibang mga deal na pine-presenta sa kanila para alam nila kung ano talaga ang savings o ano talaga ang halaga ng binibili nila. So tapat dapat ang minumungkahi dito.

Q: Some are saying it's inappropriate for a legislator to endorse a product.

MAR: Hindi naman ako nag-endorse, hindi ko sinasabi na bumili, wala akong hinawakang produkto, at hindi ko sinasabi na mas mabuti ito kaysa sa iba. Ito'y isang public service announcement na nagsasabi tapat dapat ang lahat ng nagbebenta ng produkto sa ating mga mamimili. Ang ating pinapangalagaan dito ay ang kapakanan ng ating mga mamimili lalo't higit na sa ngayon na sobrang hirap ng buhay at tipid na tipid, kulang na kulang ang bulsa ni Juan de la Cruz, kaya huwag tayong magpapaloko sa iba't-ibang mga deal na nasa dulo ay mas mahal pala o kaya wala talagang savings na dinarating.

Q: Wala bang conflict of interest iyan?

MAR: Wala naman. Unang-una, wala tayong bayad. Kung anuman yung talent fee ay dinonate namin sa isang day care and classroom center sa Baseco, at may kasama nang teacher diyan, na ang ating kabataan sa Baseco ay mabibigyan ng first-class na pag-aalaga sa day care center, ito yung pre-education years nila. So wala naman tayong kinita o pera na nag change-hands dito. I can only speak for myself, na minumungkahi natin ay tapat dapat - tapat dapat sa pag-aadvertise, tapat dapat sa produkto, at sa ganoong paraan, ang ating mga mamimili ay hindi maloko at hindi mapagsamantalahan.

News Latest News Feed