Press Release
May 27, 2008

Transcript of interview with Sen. President Manny Villar with Anthony Taberna & Gerry Baja of DZMM's Dos Por Dos

May mga pumupuna po doon sa mga commercial ng mga senador na ang iba ay reelectionist at ang iba ay nagpahayag na ng intensyong tumakbong presidente sa 2010. Paano niyo po sinasagot ang mga ganitong mga puna na kayo daw po ay nangangampanya na?

Villar: Hindi mo maiiwasan iyan pag ikaw ay nanunungkulan bilang public officials. Gusto mo na tumulong sa mga kababayan mo. Minsan pag tumutulong ka, sinasabi na ikaw ay nangangampanya na. Doon naman sa mga ads, iiwanan ko na lang ang pasya diyan sa mga manonood at kung ano ang kanilang hatol diyan. Sa ibang mamamayan, wala namang problema iyan, pero iyang iba din, pumupuna. Iniiwanan ko na lang sa publiko kung gusto nila ang kanilang mga napapanood o hindi. Basta sa akin, ang pagtulong sa ating mga kababayang mahihirap ay tungkulin na dapat gampanan ng sinumang public official. Wala akong nakikitang masama diyan.

Sa paglabas po sa mga ganitong commercial, may produktong ini-endorso, may talent fee po ito. Hindi ho ba bawal iyan sa inyo diyan sa Senado?

Villar: Mayroon kaming Ethics Committee sa Senado. Pero hindi maliwanag ang rules para dito. Hindi naman masasabing bawal. Kaya, bahala na ang ating mga kababayan sa kanilang judgment. Hindi maliwanag ang batas tungkol dito.

Iyong una niyo pong inendorso noon ay yung pampakintab ng ngipin.

Villar: Matagal na iyon at ginawa ko iyon dahil gusto kong tulungan ang isang Filipino product. Yun naman ang aking advocacy at gusto ko ring ipakilala na may laban ang mga produktong Pilipino sa mga produktong gawa ng mga multinational companies.

Ang tinutukoy niyo ay si Mr. de Pedro.

Villar: Tama iyan. Ipinakita niya na ang mga Pinoy ay kayang lumaban sa mga world class products at nakakapag-compete tayo sa ibang produkto. Gusto ko ring ipakita na ang gawang Pinoy ay world-class din at kayang makipagsabayan sa ibang produkto na gawa sa ibang bansa.

Kaya pala, OFW naman ang isinunod niyong commercial ngayon.

Villar: Di naman ito commercial. Matagal ko na kasing ginagawa ito. Kapag lumalabas ako ng bansa, bumibisita ako sa ating mga embahada para alamin ang problema ng ating mga kababayan. Pero napuna ko kasi na lumalaki ang problemang ito. Gaya nang pumunta ako sa Jordan recently, nagulat ako dahil sa napakaraming mga kababaihan na gusto nang makauwi sa ating bansa. Kaya nga tinulungan kong makauwi ang ilan sa kanila na mga menor-de-edad. Nakita ko na libu-libong OFWs ang nangangailangan ng tulong. Pinag-aralan namin ang problemang ito at napakalaki pala ng suliraning ito. Pinangatawanan ko na ito at nagtayo ako ng OFW helpline kahit malaki ang gastos on my part. Yun kasing mga naiwang OFWs sa Jordan, parang hindi ko matiis at gusto kong balikan uli doon para matulungang makauwi. Tinatanong mo rin ang sarili mo kung paano na sila at iba pang mga OFWs na gusto ng makauwi mula sa ibang bansa. Kaya nga naisip ko ang programang ito at naglagay na ako ng OFW helpline at nilagyan ko ng mga full-time employees na sineswelduhan ko ng personal para umalalay sa ating mga OFWs.

Balikan ko lang po yung tungkol sa endorsements, hindi po ba napapanahon na para maglagay kayo ng guidelines dahil marami na po itong mga nag-eendorso ng mga produkto. Paano po kung dumating ang panahon na isa sa mga iniendorso ng mga senador ay pumalpak? Hindi po ba malalagay sa isang compromising situation ang Senado as an institution?

Villar: Maaaring mangyari din iyan at ito ay bagay na dapat pag-aralan ng mabuti. Siguro dapat ay maging maingat din tayo sa mga ganitong bagay. Agree ako na magkaroon ng rules sa mga bagay na ito at ito siguro ay pwedeng pag-aralan at mag-propose kung ano ang dapat na regulasyon dito.

Panghuli na lang po Mr. SP, pinupuna po ng ilang Senador ang malaking gastusin ng Senado sa inyong mga hawak na testigo partikular si Jun Lozada, gusto ho nila na bawasan na nila ang security, at biyahe dahil milyon na daw po ang gastos. Ano ho ba ang naging desisyon na ng liderato ng Senado?

Villar: Unang-una, mali ang mga ulat na itinigil na ng Senado ang security ni Mr. Lozada. Iyan ay commitment na ibinigay namin sa aming witness at hindi namin iyan itinigil. Itinama lang namin dahil nagkakasundo naman lahat maging si Mr. Lozada, ang mga madre na nagbabantay sa kanya at kami sa Senado na may mga magagawang paraan para makatipid ng malaki. Hindi lang naitama ng sistema kaya ang ginawa namin ang sistema ngayon. Nag-cooperate naman si Mr. Lozada at malaki ang matitipid ng Senado. Tatanggapin din namin ang personal na tulong ng mga senador ng sa ganoon ay makatulong sa pangangalaga sa aming mga testigo. Ako din ay handing tumulong ng personal. Hindi namin kasi maaaring talikuran ng Senado ang commitment na pagbibigay ng seguridad sa sinumang testigo na tumugon at tutugon sa imbitasyon ng Senado.

News Latest News Feed