Press Release
May 28, 2008

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

Background sa batas sa watawat?

Villar: Dapat talaga lalung lalo na sa mga gusali ng ating pamahalaan ay may wumawagayway na bandila. At ito ay mabuting pormal na ginawa natin sa senado. At ako ay natutuwa dahil sa hindi lang ito nagwawagayway sa ating gusali ay nagpapakita rin ng ating ginagawa sa senado na nananatiling malaya at independent. At hindi kailanman napapaapekto sa iba't ibang kautusan ng kung sino pa man.

Regulation sa mga ads?

Villar: Actually hindi ko naman sinabi 'yon na talagang kailangang (mag-regulate). Ang sinabi ko lamang doon ay kung magkakaroon ng regulasyon ay okay din naman at baka pwedeng pag-usapan ng mas maliwanag kung paano talaga ang rules dito para maging gabay naming lahat. Sa ngayon kasi malabo. Pero of course ang sinabi ko hindi bilang pagtuligsa sa sinupaman na gumagamit ng advertisement. Yun ay kanilang karapatan at ginagalang ko yan. At sinasabi ko nga na ang makakapagpasya lamang kung tama o hindi ay yung nanonood at nakakakita ng advertisement.

Limitasyon?

Villar: Ang sa akin kasi, yun ay nasa pang-unawa ng nakakakita at ako bilang isang mambabatas ay nahahandang sumunod kung may mapapagkasunduang regulasyon. Subalit hanggang dun na lamang. Ginagalang natin ang kalayaan at karapatan ng bawat isang nanunungkulan sa kanyang ginagawa. Alam naman natin na kung ikaw ay nanunungkulan ay sasagutin natin yan sa bayan. At siyempre ginagawa mo yan at your own risk.

Pano kung mapatunayang may depekto ang produkto, may pananagutan ba ang nag-endorso

Villar: Hindi ko alam ang batas sa isyu na ito at kagaya ng aking sinabi kanina, yan ay isang bagay na ang risk ay nasa nag-e-endorso. At nalalaman naman ng bawat isang nanunungkulan ang kanyang karapatan at limitasyon nito.

Hindi ba nakokompromiso ang impartiality lalo na kung may senate hearing?

Villar: Dito sa senado ay mayroon tayong tradisyong paggalang sa kalayaan ng bawat isa . At ako naman bilang pangulo ng senado ay yan ay aking ginagalang. Malaki ang paggalang ko sa karapatan ng bawat isa at alam namin na ang magbibigay ng final judgement ay taong bayan.

Early campaigning daw?

Villar: Hindi naman. Illegal kung ikaw ay nagdeklara na ikaw ay kandidato. Subalit kung hindi naman ay hindi early campaigning yun.

Nagagamit ang ganoong mga patalastas sa pag promote ng kanyang sarili?

Villar: Hindi mo na rin masasabi, dahilan sa sabi mo nga, pano kung may depekto ang produkto at nasasa kanyang paniniwala yan at iiwanan ko yan sa nag-e-endorso kung ano ang kanyang paniniwala.

News Latest News Feed