Press Release
June 2, 2008

Transcript of interview with Sen. Alan Peter Cayetano on ZTE NBN

Sandra: Ayan sir, Speaker is willing to testify naman kaya lang may sinasabi siyang timing, kailangan niyang hintayin yung tamang time, so ano po yung masasabi nyo dun?

ASC: Well the committee is ready when speaker JDV is ready. So anytime na ready siya, ready na kami. No. 2 yung right time and right place, anywhere is the right place and anytime is the right time. Basta't ang sasabihin mo katotohanan. So I do understand that there is a wealth of information the speaker knows, alam kong first hand yung information na 'toh, at alam kong nagiging mabigat na toh na dalhin-dalhin sa kanyang balikat. Pero hindi to gagaan over time. Gagaan to habang nagsasalita na siya. So hindi naman kailangan na lahat ng alam nya tungkol sa lahat ng transaction ng gobyerno na to, pati mga political na bagay katulad ng impeachment, katulad ng election ng 2004 etc.,na nag-privilege speech na siya sa house. One step at a time tayo, one issue at a time, nabuksan yung pinto tungkol sa meeting ng ZTE officials at ng pangulo at lahat ng mamamayan ay nagtatanong at yesterday ang sinabi nya ay importante 'to dahil nagtransform from a BOT project na naging government to government at naging tight blown ito. So paano, saan, sino-sinong involve, pwede ba itong mangyari. Itong mga bagay na hinihintay ng ating mga kababayan, hinihintay ng committee. Kaya mas maganda siguro para gumaan na yung burden ni speaker De Venecia ay i-set na natin at magsimula na tayong talagang himayin yung issue at himayin yung alam nya.

Sandra: parang unahin lang yung ZTE but of course you will be intrested in other issues?

ASC: Well anytime naman yung katotohanan ang foundation ng isang good governance. Walang good governance kung wala yung truth. So kung isasabay-sabay natin lahat ng issue o kaya, gugulo talaga isip natin, kaya nga maramaing committee at maraming ibang mga venue. At tama naman siya na there's a right time for these issues. But since itinaya na ni Alex ang kanyang buhay, ang kanyang career at lumabas at inamin narin ng Malacanang ang meeting sa ZTE. Ay tingin ng marami, ito na yung oras na magsalita si speaker De Venecia.

Sandra: wala po bang cut-off date ang paghihintay n'yo?

ASC: Well, Let me just say that we can't wait forever and it will be better for him the sooner na magsalita dahil habang tumatagal marami pang haka-haka o palaisipan kung bakit hindi nagsasalita at ayaw naman natin na yung testimony ng kahit sino man pro or anti ay mabahiran ng mga haka-haka so the soonest possible time mas maganda

Sandra: what do you think is the reason why he's taking his time, and pwede po bang, posible rin po kayang he may not testify at all?

ASC: well, napakahirap naman talaga para sa isang taong sanay na kasama siya sa grupong 'yon decision maker, naniniwala na mabuti ang ginagawa niya para sa bansa, napakahirap na maging whistle blower na, so siguro yun ang pinakamalaking balakid o pinakamalaking challenge para sa kaniya how to be a spokesman of the Filipino people by telling the truth rather than by being a convenor in trying to get projects for the country. so yan ang maaaring isa. pangalawa, siguro nakikita niya rin yung nangyayari sa ibang mga witnesses at nakikita din niya siguro yung iba ang nangyayari sa mga imbestigasyon, nakikita din niya yung panggigipit sa ibang mga lumalaban sa gobyerno, pero siguro ang pwede nating ipaalala sa kaniya isang speaker Jose de Venecia siya. Hindi siya isang ordinaryong tao na walang kalaban-laban sa gobyerno na 'to kaya pinagtutulung-tulungan ng security. Siya naman siguro ay capable at pwede nga siyang yung, alam ko isa sa ambisyon niya ay maging talagang elder statesman ng ating bansa and siguro ito yung oras na parang bato-bato sa langit kahit sinong tamaan 'wag magagalit. So ke-oposisyon man, administrasyon nasa gobyerno o wala ano man korporasyon ano man ahensya ang tamaan nung kaniyang sasabihin, ay maging spokesman nalang siya para sa mamamayang pilipino at sabihin kung ano nalalaman niya

News Latest News Feed