Press Release
June 23, 2008

Statement of Senator Chiz Escudero on typhoon "Frank"

Kaugnay ng paglubog ng Princess of the Stars, dapat ipasa na ang Coast Guard bill at i-review na ng Coast Guard ang mga policy nila sa kabila ng global warming at pagbabago ng panahon at dapat ding i-modenize natin ang PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration). Ang kailangan ng PAGASA ay P1.6 bilyon. Mura ito kung ititimbang sa pinsala dulot ng sakuna dahil sa kawalan ng paghahanda. Darating ang panahon ng pagpapanagot kaugnay ng nangyari subalit sa ngayon ang dapat nating pagtuunan ng panahon ay search and rescue para magligtas ng buhay. Wala munang bangayan.

News Latest News Feed