Press Release
July 9, 2008

Transcript of interview with Senator Chiz Ecudero

On VAT:

Habang tumataas ang collection ng pamahalaan sa Vat at inaamin naman nila na mayroon silang P18.6 billion na windfall, ang tanong ko bakit hindi tumataas ang collection ng BIR at Customs at palaging may shortfall pa rin sila. Nasaan na ba yung sinasabi nilang windfall, bakit hindi nagre-reflect sa revenue ng BIR at Bureau of Customs at ang masakit nito yung windfall na sinasabi nilang P18.6 billion eh baka naman pagpaparte-partehan nila yan sa ilalim ng Lateral Attrition Law, eh wala naman silang kinalaman sa mataas na collection dahil ito ay may kinalaman sa pagtaas ng presyo. Hindi na dapat saklaw ng Attrition Law yan at hindi na dapat parte-partehan yan ng mga opisyal ng BIR o ng BOC kung saka-sakali.

Hindi naman napigilan yung pagbibigay ng tseke kay Napoleon Morales:

Kasalukuyan pinapaimbestigahan ng senate committee on ways and means ang bagay nay an dahil na rin sa impormasyong ibinigay ni senator Enrile at ni Usec Bebot Villar kung tama nga ba yung pagkaparte-parte, kung tama nga ba na una silan gnakatanggap at kung tama nga bang lahat ng opisyal ng BOC ay dapat mabigyan ng pabuya. At ang nakolekta nila totoo nga ba dahil sa mas maganda at mas efficient na trabaho o dahil lamang sa mataas na collection, halimbawa P20 billion in revenues last ng BOC ay galling sa TEF o tinatawag nating tax expenditure fund, yan ay buwis na binayaran ng government owned and controlled corporations and agencies na kung baga ay galing sa kanang bulsa nilagay sa kaliwang bulsa. Na-booked nila bilan dagdag na revenue at kita at marahil sa computation na-ini-exceed nila yung target ganundin ang ginamit nila, hindi rin tama yon. Mulat-mula tutol ako sa Lateral Attrition Law dahil para sa akin ini-institutionalize lamang ng batas na ito ang corruption sa loob ng pamahalaan.

On fare hike, dapat na bang alisin ang VAT sa oil:

Kinain na nga pagtaas ng presyo ng bilihin, langis at kuryente ang tinaas na suweldo ng mga empleyado, mulat mula tutol ako sa VAT, mulat mual ansi kong repasuhin at i-repeal ang oil deregulation law. Saan ka ba naman nakakita kung ikaw ay pobreng empleyado kailangan mong magpaalam sa wage board at sa Malacanang bago taasan ang minimum wage, saan ka ba naman nakakita na bago dumagdag ang kita ng tsuper kailangang tumaas sa LTFRB, sa NEDA at sa Palasyo pero bakit yung mayayaman gkumpanya ng langis pede silang magtaas ng presyo nang hindi kinakailangang magpaalam kahit kanino pa man, akala ko ba those who have less in life should have more in law. Sa ilalim ng Oil Deregulation Law mas may karapatan ang mayaman kaysa sa mahirap.

They (oil companies) are engaged in a business that is imbued with national interest, walang industriyang tatakbo, walang sasakyang tatakbo, walang negosyong tatakbo kung walang langis, yon ang dahilan kung bakit pinasukan yan ng gobyerno noon, at unti unting kumakalas ang pamahalaan sa pamamagitan ng privatization. Hindi tulad ng kuryente, mayroon kang ERC na kailangang mag-approve ng pagtaas ng rates bago tio mapataw sa sambayanan, pagdating pa rin sa produktong petrolyo walang kailangang pagpaalaman, pede silang magtaas hanggang gusto nila. Ang mas nakakalungkot pa ang sarili nating kalihim ng Department of Energy tila spokesperson pa ng mga dambuhalang kumpanya ng langis. Iisa ang kanilang sinasabi at parang nag-eechohan silang dalawa. Isang bagsak na sampung pisong pagtaas ng presyo? Baka hindi na kayang balikatin yan mga ordinaryong Pilipino. Sana ng pinagsisilbihan niya kung saka-saklai ay ang sambayanan, hindi ang tatlong dambuhalang kumpanya ng langis at malalaking kumpanya ng langis. Kung ang sabi niya maganda na ang isang bagsak para magising ang mga tao may balita ako kay secretary Reyes matagal na hong gising at mulat ang mga tao, ang kailangan siguro gisingin ang mga nagtutulugtulugan sa pamahalaan na ang akala nila ay ang kanialng pinagsisilbihan ay mga negosyante at hindi yung mahihirap.

Naniniwala ba kayo sa claim nila (oil companies) na under recovery?

Trabaho ng DOE na gawin ang bagay nay an, yon na nga lang ang pede nilang gawin sa ilalim ng oil deregulation law, hindi ko alam kung nagagawa nga yan ng DOE. Kung naaalala nyo mahigit anim na buwan na ang lumilipas mula nang magpa-press conference ang bagong talagang kalihim ng DOE na kanyang bubusisiin daw, patatawag, imi-meet yung mga may-ari ng kumpanya ng langis, hanggang ngayon wala pa akong nakikitang resulta doon sa kanialng pagpupulong na ang direksyon ay patungo sa pagpapababa at hindi pagpapataas ng kanilang sinisingil.

Hindi ba pedeng pasukan ng Senado ito considering na parang lumalabas na spokesperson ng mga kumpanya ng langis ang DOE?

Marapat, marahil pasukan nay an ng committee on energy ng Kamara o ng Senado para mabusisi at Makita at kasalukuyan ding mga mga panukalang batas na at resolusyon na naka-pending sa committee on energy para sa pagrerepaso at kung kinakailangang pagre-repeal o amendment ng Oil Deregulation Law. Matagla nang pending yon. We filed one of the resolutions on that, 2007, last year.

On Lateral Attrition Law are you going to hold hearing?

Kasama yon doon sa anti-smuggling na aming tinatalakay at revenue generations sa committee on ways and means, pero seryoso din naming pinag-aaralan ang pag-file ng panukalang batas na magre-repeal na ng lateral attrition law. Maski na sa Kamara de Representantes bumoto ako laban sa lateral attrition law sa paniniwala na mangyayari yong nangyari na nga na pagpaparte-parte ng mga opisyal ng pamahalaan sa mataas na kita na hindi naman natin alam kung paano na-set ang target, saan galling yung nakuhang pera at sino-sino ang dapat makatanggap sa ilalim ng nasabing batas.

Bago pa lang yung lateral attrition law, 2005, irerepeal na?

Kung mali, mali, kung tama, tama. Para sa akin taasan mo na lamang ang suweldo, kugn gusot mo alisin mo sa salary standardization ang revenue generating agencies pero hindi tamang makiparte sila sa mas mataas na kita ng pamahalaan. Hindi tamang incentives scheme yan dahil tuloy gagawin lamang nila yung trabaho nila dahil sa salapi. Iba yung may sapat sila para sa pamilya nila at ginagawa nila yung trabaho nila dahil mahal nila ang bayan.

Advice kay Morales bago i-encash yung tseke.

Sinauli nay at at nag-announce sila na isasauli daw nila, hindi ko pa natse-check kung talagang sinauli na nila yung kanilang natanggap na mga tseke, ang inaalala nila yung malilit daw na mga empleyado na maaring naipangutang na o nagastos nay ung pera pero kasalukuyang nirereview yan ng ways and means committee.

On fare hike, reasonable ba yung increase?

Reasonable sa punto de vista nino? Lahat naman may reklamo sa pagtataas, nagrereklamo ang riding public pagtumaas ang pamasahe, nagrereklamo ang mga tsuper dahil kulang ang itinaas na pamasahe, damn if you do, damn if you don't palagi ang sitwasyon kaugnay ng pagtaas ng pamasahe, palaging may sector na hindi maligaya sa anuamng paggalaw ng presyo ng pasahe.

Napapanahon na ang fare increase?

Labing walong beses nang tumaas ang presyo ng gasoline, P16 na ang itinaas ng presyo ng gasoline at diesel, nagtataasan na rin ang presyo ng bilihin saan naman kukunin ng mga tsuper yung kanilang pang araw-araw na pangangailangan kung hindi pa gagawin yon. Tulad nang nasabi ko bakit kung ang mahirap ang daming pinagdadaanang proseso bago dumagdag an gkita nya, bakit ang mayaman hindi kailangang magpaalam kahit kanino, pede niyang taasan ang kaniyang kita anumang oras niya gusto.

On Neri appointment sa SSS

Minsan ang pinatunayan ni secretary Neri na nilalgay niya ang interes ng Pangulo nang mas mataas kysa sa interes ng sambayanan nang kanyang kinubli ang katotohanan at ginamit ang executive privilege. Ako'y nangangamba kugn siya nga ang itatalaga sa SSS dahil pribadong pondo ito ng pribadong mamamayan, na walang dapat panghimasok o pakialam ang nuamng ineteres sa politika o interes ng mga nakapuwesto sa gobyerno sa ngayon. Kung siya nga ang itatalaga nawa'y huwag magamit ang pondo ng SSS para sa pamumulitika, para sa interes na iilan, at iisa lamang dapat ang konsiderasyon kugn siya nga ang mamumuno nyan, interes an gmag miyembro at ma-secure ang pondo nila at hindi malustay o magamit sa pamumulitika.

On Tito Sotto sa DDB

Noong siya ay nasa senado pa, komite na may kaugnayan sa pagsasawata sa drugs ang kanyan ghinawakan, malawak ang kanyang karanasan kaugnay sa sector nay an na marahil magagamit niya sa kanyang bagong talagang posisyon bilang Dangerous Drugs Board chairperson. I wish him well and I hope he will be able to do the job pretty well.

On Ralp Recto to NEDA

Gayundin ang kanyang karanasan ay malawak kaugnay sa sector nay an pagdating sa ekonomiya, sana lang na maintindihan ni senator Recto na ang kailangan sa ngayon ay mas magaan na pasanin para sa ating mga kababayan at hindi anumang uri ng dagdag na pabigat na pedeng ipataw ng pamahalaan sa kanila.

Political favor daw ang mga appointment

Dalawang bagay ang dapat anting baguhin sa pamahalaan kung sakasakali, una sinomang nalalagak na bagong Pangulo humigit kumulang na 5,000 na tao ang ina-appoint, 5,000 na posisyon na co-terminus at presidential appointee, para sa akin mali at sobra yon, yon ang isa sa dahilan kung bakit walang tumutuloy tuloy na programa at walang long-term na programa ang pamahalaan dahil karamihan naka depende sa kagustuhan ng Pangulo na manatili o palitan ang mga opisyal sa mga nasabing ahensiya. Dapat bawasan an gnumber nay an hindi dapat ganyan karami at dapat may ina-isolate tayong mag opisina na hindi co-terminus sa Presidente upang ang programa ay magpatuloy at ang mga expertise rin ay madevelop at magkaroon ang mga ahensiyang yan, dagdag batayan siguro yan at pangalawa dapat isaisip ng mag nanunungkulan sa pamahalaan na hindi employment agency ang gobyerno kugn saan obligasyon nating bigyan ng trabaho yung walang trabaho, ang dapat pangunahing dahilan palagi ng pagtalaga sa kanino man ay interest ng sambayanan , interest ng serbisyo at mas nakakataas na interest na makatulong tayo sa mas mahihirap at nangangailangan.

Dinadamdam nyo pa ba ang pagbaligtad nila?

Hindi, gaya nga nang nasabi ko I wish them well, at sana magampanan nila ang kanilang tungkulin dahil naniniwala akong marami pa silang maiaalok para sa sambayanan.

On Princess of the Stars probe

Personally hindi ako sang-ayon na imbestigahan yan ng Kongreso o ng Senado. Una abala pa ang mga opisyal ng ibat-ibang ahensiya sa pagrecover ng mga labing nasa loob pa ng barko hanggang sa ngayon at pagcontian ng anumang toxic o poisonous substances na nandoon. Pangalawa nag-iimbestiga na ang MARINA, and Board of Marine Inquiry at DOTC, para sa akin dapat manghimasok lamang ang Kongreso kapagka hindi ginagawa ng mga ahensiya ang kanialng trabaho. Sa ngayon dapat bigyan muna ng pagkakataon ang mag ahensiya na gawin ang trabaho nila at kung hindi nila ginagawa o hindi nagagawa nang tama, doon lamang dapat pumasok ang Kongreso sa ilalim ng oversight function o power nito. Ang malungkot baka maubos na lamang ang oras ng mga opisyal natin kaka-attend ng ibat-ibang imbestigasyon at sa dulo wala nang magawang aktuwal na trabaho sa field.

News Latest News Feed